You are on page 1of 1

CUT and Tell Story :

BABY BIRD
Mga Kagamitan na ginamit sa kwento: Papel o bondpaper, Gunting, pentel pen
Ang kwento natin ay tungkol kay Baby Bird. Isang araw si nanay ibon at tatay ibon ay excited nang
magkaroon ng baby bird. Kaya naman gumawa sila nang isang pugad (Alam nyo ba na ang mga ibon
ay natural recyclers. Ibig sabihin ay namumulot sila ng kung ano ano at yun ang ginagawa nilang
pugad. Halimbawa ay ang mga nahuhulog na dahon at ayon ang ginagawa nilang pugad.
At nagsimula na silang makagawa ng pugad. Makalipas ang ilang araw si Nanay ibon ay nangitlog.
At kailangan nyang limliman ang itlog sa kanyang pugad. Ngunit si Nanay Ibon ay inip na inip na dahil
hindi sya makalipad dahil kailangan lang nyang upuan at limliman ang kanyang itlog para ito ay
mapisa. Buti na lamang ay nagkaroon sya ng dalawang bisita na Lady Bug, at ang dalawang ito ang
nagging kaibigan ni Nanay Ibon. Palagi silang nagkukwentuhan para hindi mainip si Nanay Ibon.
Isang araw, nakarinig sila ng maliit na krak, “Kraakk. At makalipas pa ang ilang araw, nakarinig sila
ng mas malaking krak, “Kraaak, kraaak.
Pagkatapos ng malaking krak, lumabas na si Baby Bird.

You might also like