You are on page 1of 8

WEEK 2: HOME-BASED ACTIVITY

AUGUST 30 – SEPT 3, 2022

PANUTO: BASAHIN ANG LAYUNIN SA IBABA, SA PAGSASAGOT AY ISAISIP ANG LAYUNIN UPANG
WASTONG MATIYAK ANG BAWAT GAWAIN. (ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT GINAGAWA MO ANG MGA
SUMUSUNOD NA GAWAIN)

MGA LAYUNIN
A. Mapahahalagahan ang kaibahan sa paggamit ng salitang denotatibo at konotatibo.
B. Makapagbigay-kahulugan sa mga mahihirap na salitang ginamit sa akda batay sa Denotatibo
Konotatibong kahulugan.

BASAHIN!

Ang denonatibo ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita, samantalang


ang kononatibo ay ang pahiwatig o simbolo na ikinakabit sa salitang ito. Habang ang lahat ng mga
salita ay may denonatibong kahulugan, ang kononatibong kahulugan naman ay naayon sa kung
paano ito nauunawaan ng mga tao.

Ahas:  denotatibo – uri ng reptilya


         konotatibo – traydor

apoy:  denotatibo – ningas


      konotatibo – galit,

bituin:  denotatibo – bahaging nagbibigay liwanag sa kalangitan


           konotatibo – artista o bida sa mga palabas

bola:  denotatibo – laruang hugis bilog


         konotatibo – matatamis na pananalita

bulaklak:  denotatibo – bahagi ng halaman


               konotatibo – kababaihan

GAWAIN 1
Panuto: Sa loob ng mga pahayag na nagmula sa akda, ibigay ang denotatibo o konotatibong
kahulugan ng mga salita.
1. Ang ibig sabihin ng pahayag na, ‘’Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha’’
ay……
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang
naisip. Mula ngayon, magiging Mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang
binigay ng kanyang amo sa asawa na kanyang inabot naman ito agad sa kanya tulad ng
nararapat.

A. Kinalma B. Sinugpo
C. Pinigil D. Hinadlangan
2. Ang ibig sabihin ng pahayag na ito ay….
Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sinisilay ang isang pilit na ngiti sa
kanyang labi.

A. Nawala ang dugo B. lumabas ang dugo


C. tumataas ang dugo D. umapaw ang dugo

3. Ang Konotatibong kahulugan ng pahayag na ito ‘’Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.
Hinding-hindi na.’’’ay….

‘’Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo
dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw’’.
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian
ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saa sila nanggaling.
Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
A. di magkakamali ng daanan
B. di magkamali ng desisyonn sa buhay.
C. di magkakasalang muli
D. di maligaw ng lugar na pupuntahan

4. Ang konotatibong pakahulugan ng pahayag na,


‘’Di ko gusto ang batang matigas ang ulo!’’ ay……

‘’ Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit
ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka agad.

A. Matigas parang bato B. Matigas parang bakal


C.Hindi sumusunod D. Matapang

5. Ang denotatibong kahulugan ng pahayag ay…

‘’Ngunit ang damdamin ko`y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.’’

A.Walang pakiramdam B. Walang pakialam


C.Tuyo`t na tuyot D. Uhaw Sa tubig

GAWAIN 2

TELESERYE

PANUTO SA GAWAIN 2: MAGBIGAY NG APAT NA IDEYA UKOL SA SALITANG TELESERYE,


GAYAHIN ANG CONCEPT MAP
GAWAIN 3
PASGULAT SA ISANG BUONG PAPEL
IPAPASA SA SUSUNOD NA LUNES
Panuto: Sa tulong ng iyong paboritong telenobela, ihambing ang mga mahahalagang pangyayari sa
ating lipunan, sa bansa sa Asya, o sa buong mundo. Gawain ito sa inyong kwaderno.
Rubriks
Paghahambing ng mga pangyayari sa;
Lipunan-15
bansa sa Asya-15

TANDAAN: ANG RUBRIK AY ISUSULAT SA LIKOD NG PAPEL

GAWAIN 4
BASAHIN ANG TAKIPSILIM SA DYAKARTA AT GAWIN ANG HINIHINGI SA IBABA.
Sa tulong ng akdang ‘’Takip Silim’’, isa-isahin ang mga salitang may malalim na kahulugan.
Pagkatapos, tukuyin ang kahulugang Konotatibo at Denotatibo ng bawat isa. Gawin ito sa
isangbuong papel.

Mga Salita /Terminolohiya Kahulugang Konotatibo Kahulugang Denotatibo

1.

2.

3.

4.

5.

You might also like