You are on page 1of 2

Anthonie Cedrick P.

Dela Cruz

STEM 211 – UMALI

Suring Papel

Hello, Soldier

Ang Hello, Soldier ay ang pangalawang kabanata sa pelikula kung saan


makikilala natin si Gina at ang kaniyang storya. Nag papakita sa pelikula na si Gina at
ang kaniyang ina na si Lucia ay mahirap at nakatira lamang sa squatter sa kanilang
lugar. Si Gina ay nangangarap ng magandang buhay kaysa sa buhay na kaniyang
nararanasan ngayon. Isa siyang anak ng dayuhan sa Amerika at gusto niyang sumama
sa kaniyang ama dahil ang kaniyang ama ang magsisilbing tulay patungo sa isang
maginhawang pamumuhay. Si Lucia ay tutol sa plano ni Gina na pumunta ng Amerika
dahil magiisa na lamang siya kapag siya ay umalis. Kahit tutol si Lucia sa plano ni Gina,
pumayag parin siya na sumama sa kaniyang ama para matupad ang mga pangarap ni
Gina.

Sa pelikula, si Gina ay naghangad ng magandang buhay dahil hindi lalago ang


kaniyang buhay sa squatter kaya nag desisyon siya na sumama sa kaniyang
amerikanong ama upang matupad ang kaniyang mga pangarap at mamuhay ng mas
masagana. Ang senaryong ito ay mahahalintulad sa nararanasan ng karamihan sa mga
Pilipino ngayon. Mas pinipili nilang magtrabaho sa ibang bansa kaysa mag trabaho sa
sariling bansa sa kadahilanang mas mataas ang sweldo sa ibang bansa kaysa sa
Pilipinas. Maraming mga Pilipino ang nagsa-sakripisyo at iniiwan ang kanilang mga
pamilya upang mas magkaroon ng maayos at magandang buhay. Sa panahon ngayon,
maraming mga OFW ang kumakayod upang mabigyan lamang ang kanilang mga
pamilya ng magandang buhay.

Ipinakita sa pelikula ang pag dumog ng mga tao sa tatay ni Gina at humihingi ng
tulong sa kaniya dahil sa estado ng kaniyang buhay. Ang eksenang ito ay sumasalamin
sa nangyayari sa ating bansa ngayon. Maihahalintulad natin ang ama ni Gina bilang
ang ating gobyerno at ang mga tao naman ay ang mga naghihirap. Maraming Pilipino
ang nakakaranas ng mahirap na buhay lalo na sa panahon natin ngayon. Karamihan na
lamang sa kanila ay nag mamakaawa at humihingi ng tulong sa gobyerno ngunit hindi
sila napapansin tulad ng hindi pag pansin ng ama ni Gina sa mga taong pumapaligid sa
kaniya.
Kahit luma na ang pelikulang ito, ang mga eksena na ating makikita ay
nangyayari pa rin sa kasalukuyan. Maraming mga representasyon sa mga gumanap
ang maihahalintulad natin sa estado ng ating bansa ngayon. Ang pelikulang ito ay nag
papakita na hindi pa rin nagbabago ang sistema ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Walang nagbago sa ating nakikita at marami pa rin ang naghihirap at humihingi ng
sapat na tulong mula sa ating gobyerno.

You might also like