You are on page 1of 1

MAGNA CARTA OF WOMEN

R.A. 9710:
MAGNA CARTA OF WOMEN
Ang Republic Act 9710 o kilala din sa

tawag na Magna Carta of Women ay

isang batas para sa proteksyon ng

karapatan pantao ng mga kababaihang

Pilipino at naglalayon na tanggalin ang

lahat ng uri ng diskriminasiyon, lalo na sa


mga kababaihan na marginalized o mga

babae na bahagi ng mga sektor na hindi

nabibigyan ng wastong representasyon

sa lipunan.

DISKRIMINASYON BATAY SA
MAGNA CARTA OF WOMEN
Ang diskriminasyon ay ang pagbibigay

ng restriksyon sa mga gawain o pagkilos


batay sa kasarian na naglalayon na

pahirapan o alisin ang kakayahan ang

mga babae na magkamit, tamasain o

magamit ang mga karapatan at kalayaan


na ginagawad sa kanya ng konstitusyon

PAGSASABATAS NG (pulitikal, sibil, ekonomiko, kultural na

MAGNA CARTA OF WOMEN karapatan at iba pa).

Ito’y naisabatas noong ika-14 ng


Agosto noong 2009 matapos ito
pirmahan ng dating Pangulong

Gloria Macapagal-Arroyo.

SAKLAW NG MAGNA

CARTA OF WOMEN
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman

ang edad, pinag-aralan, trabaho o

hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri


o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng

Magna Carta.

LAYUNIN NG MAGNA

CARTA OF WOMEN
Layunin nito na itaguyod ang husay at

galing ng bawat babae at ang potensyal nila


bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad,

sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap


sa katotohanan na ang mga karapatan ng

kababaihan ay karapatang pantao.

You might also like