You are on page 1of 3

FERNANDO C.

AMORSOLO SENIOR HIGH SCHOOL


K-3 cor K6th St., Kamuning, Quezon City

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA KULTURA AT WIKANG FILIPINO

LAS NO. 1 MARKAHAN: UNA LINGGO: 1


PANGALAN: _______________________________________________________________________
BAITANG AT PANGKAT______________________________________________________________

I. Pangkalahatang Layunin:
1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85)
2. Nakikilala ang mga kahulugan ng wika

II. Mga Gawaing Pampagkatuto

A. Unang Gawain
Panuto:
 Sa isang bukod na papel, sumulat ng limang pangungusap patungkol sa iyong sarili.
Ilarawan ang iyong mga positibong katangian, wikang sanay na gamitin at ilarawan ang
lugar na iyong kinalakhan.

B. Ikalawang Gawain
 Gamit ang papel na iyong pinagsulatan ng unang Gawain, mag-isip ng isang graphic
organizer na makatutulong upang ilahad ang iyong kaalaman kapag naririnig mo ang
mga sumusunod na termino.
 Wika
 Kultura
 Lipunan

C. Gawaing Pagbasa
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag.

 Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)


Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

 Bernales et al. (2002)


Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.

 Mangahis et al. (2005)


May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum
na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.

 Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)


Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng
mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.

FERNANDO C. AMORSOLO SENIOR HIGH SCHOOL


FERNANDO C. AMORSOLO SENIOR HIGH SCHOOL
K-3 cor K6th St., Kamuning, Quezon City

 Bienvenido Lumbera (2007)


Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.

 Alfonso O. Santiago (2003)


Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o
saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga
kaugalian ng tao sa lipunan.

 UP Diksiyonaryong Filipino (2001)


Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa
isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.

D. Mga Mahalagang Tanong


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong at isulat ang iyong kasagutan sa papel
na pinagsagutan mo ng una at ikalawang gawain
1. Batay sa iyong mga nabasang kahulugan ng wika, alin sa mga ito ang iyong nagustuhan at
bakit? Ibahagi ang iyong kasagutan.
2. Mula sa depinisyon na ibinigay ni Henry Gleason kaugnay sa wika, mag-isip ng 5 salita na
magkakapareho ng ispeling o pagbaybay ngunit magkakaiba ang paraan ng pagbigkas at
kahulugan.
3. Sa iyong palagay, sa paanong paraan kaya makakaapekto sa kahulugan ng salita ang
pagkakamali sa pagbigkas ng mga halimbawang salita? Ipaliwanag.

E. Karagdagang Gawain
Batay sa ating mga binasang pahayag kaugnay ng kahulugan ng wika, pumili ng isang kahulugan
ng wika na iyong magiging inspirasyon sa pagbuo ng isang poster-slogan na iyong gagawin sa
isang short bond paper. Huwag kalimutan na isulat ang pahayag na iyong napili sa likod ng
poster islogan na iyong ginawa
Ang iyong output ay bibigyan ng marka gamit ang sumusunod na rubriks.
Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos Iyong nakuhang


puntos
Orihinalidad 30

Kaugnayan ng guhit at 30
islogan sa napiling pahayag
Pagkamalikhain 20

Kalinisan 20

Kabuoan 100

FERNANDO C. AMORSOLO SENIOR HIGH SCHOOL


FERNANDO C. AMORSOLO SENIOR HIGH SCHOOL
K-3 cor K6th St., Kamuning, Quezon City

FERNANDO C. AMORSOLO SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like