You are on page 1of 3

JUSTICE CECELIA MUNOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL

Paseo del Carmen St., AMLAC Ville Subdivision, Payatas B, Quezon City
SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Petsa: Agosto 24-28, 2020

Most Essential Learning Competencies:


 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. (F11PT-Ia-85)

Detalyadong Kasanayang Pampagkatuto:


 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng wika.
 Nagagamit ang wika sa larangan ng pakikipagtalastasan.
 Napapahalagahan ang kabuluhan ng wika sa pamamagitan ng paggamit nito.

Subukin

Magbigay ng sampung wikang gingamit sa


Pilipinas. Isulat ang pangalan ng wika at ang lugar
kung saan ginagamit ang wikang ito. Punan ang
kasunod na tsart.

Wika sa Pilipinas Lugar kung saan


ginagamit ang wika
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

Wika- tumutukoy sa kognitibong pakulti na


nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang matuto at
gumamit ng mga Sistema ng komplikadong
komunikasyon. (Wikipedia)

- Ang salitang Ingles na language ay mula sa


salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay
dila.

Pagpapakahulugan ng mga Eksperto sa Wika

 Ayon kay Webster(1974), ang wika ay


isang sistema ng komunikasyon sa
pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat at pasalitang simbolo.

 Ayon naman kay Hill(2000), wika ang


.pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao.

 Sinabi naman ni Gleason, ang wika ay


masistemang balangkas ng sinasalitang
trunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura.
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat aytem at isulat ang letra ng wastong sagot sa
hiwalay na papel,
1. Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo.
A. wika C. sintaksis
B. diskurso D. kompitens
2. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang _________.
A. simbolo C. tunog
B. kultura D. sambitla
3. Nagkakaiba-iba ang wika ng mga bansa at mga pangkat dahil sa pagkakaiba ng kanilang _________...
A. edukasyon C. kultura
B. kasaysayan D. bokabularyo
4. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid ito ay
_________..
. pinipili C. dinamiko
B. isinasaayos D. kahanga-hanga
5. Makaagham na pag-aaral ng wika.
A. Balarila C. Sintaksis
B. Gramatika D. Diskurso

You might also like