You are on page 1of 2

Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Nagmadaling pumunta si Ted sa istasyon ngunit hindi niya naabutan ang tren.
2. Lalabhan ko ang damit ni Ariel at paplantsahin ko ang uniporme ni Alicia.
3. Mag-aaral ako nang mabuti upang mataas ang makuha kong marka sa pagsusulit.
4. Si Ate Rita ay bumili ng sariwang gulay at mga hinog na mangga sa palengke.
5. Si Tatay o si Kuya Martin ang susundo sa inyo sa paaralan mamayang hapon.
6. Dapat sabihin ko sa kanya ang katotohanan ngunit ayaw kong magalit siya sa akin.
7. Si Janice ang kakanta dahil siya ang pinakamagaling na mang-aawit sa klase natin.
8. Hindi niya makuha ang tamang sagot bagama’t nakinig siya sa sinabi ng guro.
9. Gusto nilang maglaro sa palaruan pero pinagbawalan silang lumabas ng bahay.
10. Sumali sa paligsahan si Danilo kahit sinabi nila na wala siyang pag-asang Manalo.
1. Basa ang sahig ng pasilyo ___________ nadulas ang bata.

2. Umiiyak ang bata __________ tinutukso siya ng mga kalaro niya.


3. Naglaro kami ng basketbol sa labas _____________ tinawag kami ni Tatay.
4. Nagising si Marco _________ tumilaok ang manok.
5. _______________ natulog ang mga anak niya, nagbasa siya ng kuwento para sa kanila.
6. Sasama ako sa inyo manood ng sine ____________ papayagan ako ni Nanay.
7. Marami ang kakainin ko _____________ hindi ako magutom sa mahabang biyahe.
8. Pinagalitan ang mga mag-aaral ______________ hindi sila ang nagsimula ng away.
9. Wala kang ginagawa diyan ___________ kanina pa abalang-abala sa pagluluto ang nanay mo.
10. Maghanda na tayo ng mga kandila at baterya para sa plaslayt _______ malapit na ang
bagyo.

You might also like