You are on page 1of 9

Suring basa sa filipino

1. 1. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State


College Lemery Campus Lemery, Iloilo Awtput Sa Filipino 105
(Kontemporaryong Panitikang Filipino) Suring Pelikula Pinasa
Ni: Christopher Geaga Bachelor of Elementary Education III
Pinasa Kay: Quifzyn D. Pasaporte MAEd. Dalubguro sa
Filipino Petsa:
2. 2. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State
College Lemery Campus Lemery, Iloilo Pelikula Blg. # 1 A.
Pamagat # Walang Forever B. Tauhan a. Jericho Rosales-
Ethan Isaac b. Jennelyn Mercado- Mia Nolasco c. Lorna
Tolentino- Betchay Nolasco d. Jerald Napoles- Tonypet e.
Pepe Herera- Aldus f. Kim Molina- Lulie g. Sasha C. Buod:
Nagsimula ang kwento sa pamamgitan ng pag-iinterbew kay
mia sa isang preskon para mabigyan ng pangkalahatang ideya
kung ano ang mangyayari sa pelikula; ang masasaya at
kabiguan nina Mia at Ethan. Sa simula ng kwento napanood
ko ang mga pinakamagandang naisulat na mga pelikula ni Mia
na hango sa totoong kwentong paq-ibig. Marming pagbabalik
tanaw sa pelikula. Sa mga pelikula naiulat ni Mia makikta kung
gaano kasaya ng kanilang relasyon ni Ethan. Isang araw
dinalaw ni Ethan ang kanyang yaya sa tahanan ng mga
matatanda at kasama niya si Mia ang hindi alam ni Mia yun
ding araw na mag popropos si Ethan sa kanya ginamit niya
ang kanyang yaya sa kanyang gimik at masaya na mang
tinangap ni Mia ang alok ni Ethan. Nag- simula ang hidwaan
nilang dalawa nang yayain ni Ethan si Mia na umuwi sa lugar
ng mama niya sa Taiwan kaya lang ayaw ni mia sumama at
dun mismo sinauli ni Mia ang singsing na binigay sa kanya ni
Ethan. Halos gagawin lahat ni Lulie para magkabalikan lang
ang dalawa kasi apektado na ang karera ni Mia
3. 3. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State
College Lemery Campus Lemery, Iloilo halos lahat na
sinusulat niya ay hindi maganda nakailang rebisyon na siya ng
kanyang iskrip. Dinala ni Lulie si Mia sa isang Coffe Shop at
pinapunta niya si Ethan. Sa hindi sinasadya nasira ni Ethan
ang Laptop ni Mia na kanyang kinagalit ng husto kaya palpak
ang plano ni Lulie na pagbatiin ang dalawa. Nasorpresa si
Ethan ng napanood niya ang pelikula nanaisulat ni Mia halos
kapareha ng kanilang relasyon kaya bumili pa siya ng
maraming kopya ng pelikula at isa-isa itong pinanood.
Nagkabati ang dalawa pero hindi naman sinabi sa pelikula
kung talagang nagkabalikan silang dalawa. Halos malalag ang
panga ni Mia nang sabihin ni Ethan na may pakakasalan na
siyang ibang babae at mahal na niya ito kaya isang malutong
na sampal ang inabot ni Ethan kay Mia at tumalikod na ito
papalayo. Umiyak nalang si Ethan dahil hindi niya masabi ang
katotohanan na may sakit pala siya at malapit na siyang
mamatay. Isang gabi nagpadispidida si Ethan imbitado lahat
ng kaibigan maliban lang si Mia. Sa gabing iyon nandiyan si
Aldus , tonypet, kaibigan nilang bakala na engage sa isang
dayuhan. Nang bigla pumasok si Lulie at agad inaway si Ethan
kung bakit hindi na niya kinakausap si Mia.. at kung ano-ano
pa ang pinagsasabi niya. Umalis nalang si Ethan hindi dahil sa
hiya kundi na malaman nila ang tunay na karamdaman nito. Si
Aldus na mismo ang nagsabi kung ano ang dahilan at
natahimik naman si Lulie. Kinaumagahan agad pumunta si
Lulie sa bahay nina Mia at sinabi nito ang katotohanan.
Pumunta agad si Mia sa paliparan upang maaubutan si Ethan
at nagsusumamo ito sa kanya na tanggap na niya kung ano
man ang mangyayari kaya nabigo ito. Sa kabilang banda
nakauwi na si Ethan sa Taiwan sa mama niya. Pumunta si Mia
sa Taiwan upang sundan si Ethan. Sa isang coffe shop doon,
nagkabati ang dalawa at sinabi nila na mamahalin nila ang
isat-isa hangang wakas. Nag wakas ang pelikula sa isang
interview.
4. 4. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State
College Lemery Campus Lemery, Iloilo D. Mga Katanungan
atKasagutan 1. Sino-sino ang mga tauhan at ilarawan ang
mga katangian? a. Ethan Isaac- Mayaman at naiisang anak,
nagmahal kay Mia ng sobra. Dahil sa sakit na kanser ay
binawian din siya ng buhay pero nagging masaya naman siya
bago lumisan. b. Mia Nolasco- Isang mapagmahal na anak at
kapatid handing gawing ang lahat para sa pamilya at handa
isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng pamilya. Siya ang
babaeng nakapagpabago kay Ethan. c. Betchay Nolasco-
Isang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak, maalagain at
maaalahanin. d. Tonypet- Isang maaasahang kaibigan. e.
Aldus- Mabait na kaibigan ni Ethan. Siya lagi ang kumakausap
kay Ethan tuwing may problema. Karamay sa kawalan ng pag-
asa. f. Lulie- Matapang na kaibigan ni Mia at handing gawin
ang lahat para sa kaibigan. g. Sasha-Isang mapagkatiwalaang
kasambahay at inaanak. Karamay din siya ni Ethan kapag
may problema ito. 2. Ilarawan ang mga sumusunod:
5. 5. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State
College Lemery Campus Lemery, Iloilo a. Salitang Ginamit o
uri ng wika: Kolokyal ang salitang ginamit Sa pelikula sapagkat
ito ay ingles at filipino b. Ayos at uri ng kagamitan Sa Salas
May dalawang malaking sofa kung saan nakahiga si Mia sa
isang sofa at si Ethan naman nakaupo sa parang de bolang
upuan na kulay puting upuan habang nakahawak sa kontrol ng
kompyuter. May maliit na mesa sa harap nito. May malalaking
unan na kulay puti din at may dalawang malilit na unan na
kulay itim. Sa likod ng sofa ay may malalaking bintana na yari
sa mamahaling Kristal. Sa kabuuan sobarang maganda ang
paligid. c. Kasuotan: Moderno ang mga damit at kasoutan sa
pelikula. d. Tatlong lugar na pinangyarihan a. Sa tapat ng
Paaralan- dito unang nagkakilala sina Ethan at Mia malakas
pa nga ang ulan at pinahiram ni Ethan si Mia ng payong. b.
Sabahay ni mia- dito nagkaroon ng hindi pagkaunawaan sina
Mia at Ethan na nauwi sa hiwalayan. c. Sa isang coffe shop sa
Taiwan- dito ang painakamalungkot na bahagi ng pelikula
dahil dito nagmakaawa si Mia na balikan siya ni Ethan upang
maalagaan nito ang nobyo hangang wakas. e. Haba ng
pelikula- ito ay may habang____________oras. 3. Bakit
‘#WALANG FOREVER’ ang pamagat?
6. 6. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State
College Lemery Campus Lemery, Iloilo Naging walang forever
ang pamagat ng pelikula sapagkat hindi nagkaroon ng
mahabang panahon ang pagsasama ng dalawa kasi nga
namatay si Ethan kagad-agad. 4. Kung ikaw ang director ano
ang pamagat ang iyong ibibigay? Forever is Over- dahil ang
istorya nila ay sobarang lungkot kaya bagay ang pamagat na
binigay ko. 5. Angkop ba nag pelikula sakasalukuyang gamit
wika o uri ng gamit. Oo dahil sumasalamin ito sa makabago o
modernong pamumuhay ng mga Pilipino. Repleksyon: Habang
ako’y nanood ng pelikulang #walang Forever, marami akong
natutunan at mga katulad din na mga karanasan sa buhay.
Tumatak sa isipan ko ang senaryo nina Ethan at Mia sa isang
coffee shopsa Taiwan kung saan malungkot ng scene na iyon.
Naisip ko na may mga bagay talaga sa mundo gustuhin mo
mang gawin ngunit parang hindi nakikisabay ang tadhana sa
iyo. Malungkot isipinkapag sa sarili ko yun mangyari ang
nangyari kay Ethan. May pagkakatulad din ako kay Mia pero
sa ibang banda lang, yung tipo ng tao na gagawin ang lahat
para sa pamilya. Ito ang mga hindi ko makakalimutang
repleksiyon sa pelikulang ito. Una, Lahat tayo may karapatan
para sa ikalawang pagkakataon- alam ko sa sarili ko
namarami ding mga bagay kung saan ako minsang nabigo
may mga bagay din pinagsisihan ko n asana hindi ko to
ginawa, dapat ganito ang ginawa ko. Ngunit sa kabila ng lahat
na iyon binibigyan ko ang sarili ko na bumangon at bigyan ng
ikalawang pagkakataon ang sarili ko na bumangon uli at
sinasabi ko na sa pagkaktaong ito sana magagawa ko na ang
tama. Pangalawa, kailangan din kalimutan ang masasakit na
ala-ala- oo mahirap kalimutan ang mga masasakit na mga ala-
ala pero kailangan gawin dahil may bukas pang darating.
7. 7. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State
College Lemery Campus Lemery, Iloilo Pangatlo, lahat tayo ay
may kwento sa buhay- Sana huwag tayong basta-basta
nalang nagbibigay konklusiyon sa isang bagay na hindi naman
alam ang buong kwento. Marunong tayong making sa kwento,
bago husgahan ang isang tao dahil sobarang masakit sa isang
tao ang hinuhusgahan ng iba dahil alam niya sa sarili niya na
hindi ganun ang kwento. Pelikula Blng. 2
8. 8. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State
College Lemery Campus Lemery, Iloilo A. Pamagat: Home
Swetie Home ika 24 ng Septyembre,2016 na labas. B.
Tauhan: a) John Loyd- Romeo Valentino b) Toni Gonzaga-
Julie Matahimik c) Miles Ocampo- Gigi Matahimik d) Clarence
Delgado- Rence Matahimik e) Sandy Andolong- Nanay Loidi f)
Mitoy Onting- Mang L.A. g) Christine Co- Maria h) Ogie Diaz-
Boss Paeng i) Bearwin Meily- Ed C. Buod: Nanganak na si
Julie at lumabas na sila sa ospital at pauwi na sa kanilang
bahay. Sa tapat ng kanilang bahay ay maraming ng mga kapit
bahay nila ang gustong makakita sa bagong silang na sangol
ngunit itoy pinigilan ni Romeo dahil baka mahawa sa sakit
mula sa mga tao sa labas dahilan para magtampo ang mga
ito. Naging mahirap sa mag-asawa ang pagkakaroon ng
bagong silang na sangol dahil nga una nilang maranasan ang
pagiging mga magulang ni Baby Summer. Unang gabi palang
talagang sinukat na ang kanilang tibay sa pagbabantay sa
kanilang anak mabuti na lang at nandiyan si Aling Loidi na
nagagabay sa mag-asawa kung ano ang gagawin. Sa kabilang
banda inutusan ni Jiji si Renz na hanapin ang mga lumang
damit na ginamit niya noong bata pa siya ngunit tila wala lang
sa kanya at halata naman na nagseselos si Renz kay Baby
Summer kasi hindi na siya ang magiging bunso sa pamilya
para kasi sa kanya may bago nang kagigiliwan ang pamilya at
yun ay ang bagong silang na sangol at iniisip niya na wala ng
mag aalaga sa kanya. Masyadong maiyakin si summer kaya
hirap ang mag asawa na mag adjust sa kanya tulog bangon
ang ginagawa nila. Isang umaga umalis si Aling Loidi para
mag hanap ng katulong sa Bicol kaya napilitan ang mag
asawa na magbantay sa bata at nangako naman si Aling Loidi
na babalik ka agad. Habang silang dalawa lamang ang sa
bahay talagang natatakot ang mag asawa kung ano gagawin
kung sakaling magiiyak na naman si Summer lalo na itong si
Julie kunting iyak lang ng kanyang anak ay nagtataranta na
siya umiiyak pa nga ito. Sa kabilang banda, lumabas ng
maaga sina Sir Paeng kasama ang mga iba pang impleyado
nito at palagi naman itong nagmamadali kaya naiwan si Maria
para ipagpatuloy ang ginagawa nitong report. Nag presinta
naman si Ed na may alam itong daan na mas madali papunta
kina Romeo sa kasamaang palad tuluyan na silang naligaw at
hindi alam ang daan kaya tuluyan ding nagwala si Sir Paeng
na kinaugalian na niya itong Gawain.
9. 9. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic State
College Lemery Campus Lemery, Iloilo Sa bahay, iyak ng iyak
si Summer kaya parang mababaliw si Julie dahil di niya alam
ang gagawin ganun din si Romeo kaya umakyat na sina Mang
L.A at nag suhistiyon naman si Obet na padighayin lang ang
bata baka may kabag lamang ito at totoo nga at yun ok na si
Baby Summer! At masaya si Julie kasi tumigil na sa kakaiyak
ang anak niya. At dung natatapos ang edisyong ito…. D. Mga
Katanungan: 1. Sino-sino ang mga tauhan. Ilarawan ang
kanilang mga katangian. a. Romeo Valentino- Isang masipag
na asawa ni Julie kaopisina ni Boss Paeng. Mabait na kuya sa
mga kababatang kapatid ni Julie at Pinakasalan si Julie ng
dalawang beses. b. Julie Matahimik- Isang guro at asawa ni
Romeo pinakasalan niya si Romeo ng dalawang beses. Sa
idisyong ito naging matapang si Julie sa pagiging ina nito sa
bagong silang na si Baby Summer. c. Nanay Loidi- Isang
mapagmahal na ina sakanyang mga anak kasi palagi siyang
nakasuporta sa mga ito. Hindi lang sa mga anak kundi sa
kanyang unang apo sa katunayan siya ang nangunguna s
apagbantay sa bata. Sobrang mapagmahal at maalagain sa
pamilya. d. Gigi Matahimaik- Kapatid ni Julie masayahin
minsan baliw, at mapagmahal sa magulang at sa mga kapatid.
e. Rence Matahimik- Makulit, masumpungin, minsan
palatampo. f. Boss Paeng- Isang istriktong employer ni
Romeo. Boss kung umasta maliit lang na pagkamali ay agad
nagagalit. g. Maria- Magandang dalaga na katrabaho ni
Romeo sa opisina at personal na sekretarya ni Boss Paeng.
Mahinhin kung tingnan. h. Mang L.A- siya ang may ari ng
tinadahan at bidyoke sa tapat ng bahay nina Romeo. i. Ed-
kaopisina ni Romeo palaging pinapagalitan ng boss lalo na
nag maligaw sila ng daan papunta kina Romeo.
10. 10. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic
State College Lemery Campus Lemery, Iloilo 2. Ilarawan ang
sumusunod: A. Salitang ginamit o Uri ng wika. Makikita sa
pelikula na ang gamit na wika ay Informal o Kolokyal sapagkat
itoy pinaghalong Ingles at Filipino. Maayos naman ang
pagkagamiy ng mga salita walang kabastusan ang mag salita
na ginagamit sa kwento. B. Ayus at uri ng mga kagamitan. Sa
loob ng kwarto nina Julie at Romeo.- sa loob ng kwarto
makikita ang malaking kama kung saan may kuna sa paanan
nito, may maliit na mesa sa kaliwa; may nakalagay na alarm
clock, may lampshade at stuff toys. Sa kanan kung saan nag
latag ng banig si Aling Loidi para doon matulog. May malkaing
cabinet sa kanan nito. Ang kulay ng kutson na ginamit na
pangbalat sa mattress ng mag asawa ay kakulay ng bahaghari
kasi maraming kulay nan aka stripe pati na rin ang kanilang
unan at kumot ay magkaterno din. C. Kasutan Moderno ang
ginamit na kasuutan nga mga artista halata naming
naninirahan s alungsod ang magkapamilya dahil sa uri ng
kasuutan nila. D. 3 Lugar na pinagyarihan. a. Kwarto- Dito
natutulog ang magasawa kasama ang bagong silang nilang
anak. At ito rin ang may pianakahabang oras na tagpuan sa
kwento. b. Hapag-Kainan-sa set ng pelikula dito magkasama
ang buong pamilya na kumakain ng hapunan sabay-sabay
silang kumain kaya lang hindi piantapos ni Aling Loidi ang
pagkain dahil magbabantay pa siya sa kanyang apong
natutulog sa kwarto. c. Tapat ng Bahay- ang lugar na ito kung
saan maraming mga tao ang nkatambay, dumadaan nag
haharutan atbp. Dito rin kadalasang kinukuha ang iba pang
setting na kailangan sa set ng Pelikula. Sa tapat ng bahy nina
Romeo nandiyan yung Tindahan Ni Mang L A. May bidyoke rin
ditto. E. Haba ng Pelikula
11. 11. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic
State College Lemery Campus Lemery, Iloilo Sa isang episode
ng pelikula tumatagal lamang ito nga 45 minuto hindi pa
kasama ang patalastas ngunit tuwing Ala sais ng Sabado ito
nilalabas. 3. Bakit Home Sweetie Home ang Pamagat. Para sa
akin kaya ito ang pamagat kasi pumapatungkol ito sa kwento
ng magkapamilya na nagsasama sa isang bubong iba-iba ang
paniniwala at prinsipyo pero ginagawa naman ang lahat para
magkasundo saloob ng bahay. 4. Kung ikaw ang director
anong pamagat ang iyong ibibigay? Bakit? Para sa akin siguro
‘Ang Pamilyang #Hapi’ 5. Angkop ba sa kasalukuyan ang
pelikula? Oo naman, kasi pinapakita ng pelikula ang usaping
Pampamilya kung ano dapat ang gagawin bilang isang
miyembro ng pamilya, pinapakita rin ditto ang kahalagahan ng
pagkakaunawaan ng pamilya ay dapat mahalaga sapagkat
ang pamilya ay sandigan ng bawat kasapi nito. 6. Gumawa ng
Repleksyon: Habang pinapanood ko ang episode ng Home
Sweetie Home noong nakaraang Sabado ay naala-ala ko sa
sarili ko noong maliliit pa ang mga kapatid ko at ako ang
kanilang Yayo tatlo pa naman sila alam ko kung gaano kahirap
magbantay ng isang sanggol lalo na kapag ang bata ay sutil
naku sobrang hirap talaga minsan nakakiyak na. yung tipong
hindi mo na alam ang gagawin sa bata parang gusto mo nang
sumuko at pabayaan nalang. Kapag mahal mo ang pamilya
mo titiisin lahat para sa kanila kaya yun nlang ang iniisip ko
kapag nagbantay ako sa mga bata. Mahirap talaga kapag
unang sangol palang ang inaalagaan ng isang ina sa una
nakakpraning din kung minsan pero sa pagdaan ng mga
panaho naka adjust ang isang ina Kagaya sa pelikula
natataranta si Julie para sa anak kunting karamdaman lang ay
akala mo kung anon a ang nangyayarri sa kanya. Dapat kapag
nagaalaga ng sangol ay palaging relaks lang at iparamdam sa
bat na mahalaga siya para sayo. Kaya sa mga first time na
mga nanay dapat alam ang mga gagawin kung sakaling
umiyak ang kanilang mga sangol.
12. 12. Republic of the Philippines Northern Iloilo Polytechnic
State College Lemery Campus Lemery, Iloilo

You might also like