You are on page 1of 4

Name: Notario, Zonrizza Marie F.

Yr.Section: BSTM 4C

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. (10 puntos bawat isang bilang)

1. Ano ang Marxismo?


 Ang Marxismo ay tumutukoy sa ugnayan at hidwaan ng mga may magkaibang
antas sa lipunan. Ito ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan.
Halimbawa nito ang mayaman at mahirap, malakas at mahina, makapangyarihan
at inaapi, at iba pa.

2. Manaliksik/manood ng dalawang pelikulang nagpapakita ng pagiging Marxismo ng


kwento. 
 Crazy Rich Asian
 What Happened to Monday?

3. Ipaliwanag kung bakit para sa iyo ito ay isang Marxismo?


 Ang pelikulang Crazy Rich Asians ay isang marxismo dahil ang pelikulang
nabanggit ay nagpapakita ng magkaibang estado ng buhay ng dalawang bida
bilang isang lalaking nagmula sa isang napaka yamang pamilya at babaeng
nagmula sa middle class na pinalaki ng isang single mom.
 Ang pelikulang pinamagatang What Happened to Monday ay isang marxismo
dahil ito ay nagpapakita ng pang aapi ng mga may matataas na posisyon sa
gobyerno sa mga taong nasa mabababang pamumuhay.

4. Isulat ang pamagat at buod ng pelikula.


 CRAZY RICH ASIANS
o Si Nick Young ay isang Singaporean na nagmula sa isang napaka yamang
pamilya. Ito ay naninirahan sa isang bahagi ng America, kasintahan niya si Rachel Chu, isang
economic professor. Si Rachel Chu ay nabibilang sa middle class, pinalaki siya ng kanyang ina.
Dumating ang oras na kailangang bumalik ni Nick sa Singapore para sa kasal ng naturang
metalik nitong kaibigan, napagdisisyonan ni Nick na isama si Rachel sa Singapore upang isama
ito sa kasal at maipakilala si Rachel sa mga kaibigan at higit sa lahat ay sa pamilya niya. Wala sa
kaalaman ni Rachel na si Nick ay nag mula sa isang napaka yamang pamilya kaya naman ganon
nalamang ang gulat niya ng malaman niya ito. Pagdating nila sa Singapore ay nagkaroon ng
pagtitipon sa bahay ng lola ni Nick, dito ay ipinakilala ni Nick si Rachel na buong pamilya nito,
sa pinsan, mga tiya at higit sa lahat ay sa nanay nito. Nalaman ng nanay ni Nick na isang econ
teacher si Rachel at nambaba ang tingin niya dito lalo na ng malaman pa nito na solong pinalaki
ng nanay ni Rachel si Rachel. Minaliit niya ito sa pamamagitan ng sarcasm, naramdaman ito ni
Rachel at kinompirma niya ito kay Nick na ayaw sa kanya ng magulang nito. Paglipas ng araw
ay nag diwang naman ng Bachelor’s Party ang mga ikakasal, dito ay nagkahiwalay si Nick at
Rachel, nakasama ni Nick ang kanyang mga kaibigan habang si Rachel naman ay sumama sa
mga kaibigang babae ni Nick. Dito ay nakilala niya si Amanda Ling, inakala ni Rachel na
magiging maayos ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihang kasama niya ngunit nagkamali
siya, pinagtulungan siya ng mga ito dahil sa estado nito sa buhay ay itinuturing nila na si Rachel
ay hindi nababagay kay Nick. Matapos ang kasal ay patuloy na gumawa ng paraan ang magulang
ni Nick upang pilit na hiwalayan ni Nick si Rachel. Nakipaghiwalay si Rachel kay Nick dahil ito
ang utos ng lola ni Nick. Si Nick ang susunod na tagapag-mana ng naturang Negosyo at
kompanya nila, kaya naman ganon na lamang ang pangmamaliit ng pamilya nito kay Rachel
dahil gusto nila na isang mayamang babae din ang mapangasawa nito. Sa huli ay nakipag usap
ang nanay ni Nick kay Rachel at nakipag laro dito ng mahjong, natalo ni Rachel ito, sinabi niya
na aalis na siya ng Singapore hindi dahil talo sya kundi dahil sa pakiramdam nya ay hindi sya
sapat para sa pamilya ni Nick. Sa huli, hinabol ni Nick si Rachel sa eroplano at doon ay nag
propose ito, kinagabihan ay nagkaroon ng engagement party sa isang sikat na hotel sa Singapore.
Naroon ang buong pamilya ni Nick pati na din ang nanay nito, dito ay tinanggap na ng pamilya
ni Nick si Rachel bilang parte ng kanilang pamilya.

 What Happened to Monday


o Dahil sa lumalagong populasyon ng mundo, isinabatas ng mga politiko
ang
one child policy kung saan ay hindi maaaring magkaroon ng higit sa isang anak ang bawat mag
asawa. Mayroong mga devices na ginagamit ang gobyerno upang mamonitor nila kung solong
anak ang mga nasasakupan nito. Sa kasamaang palad, nang nanganak ang anak ni Mr. Settman
ay nag silang ito ng pitong batang babae at pinangalanan nila itong Monday, Tuesday,
Wednesday, Thursday, Friday, Saturday at Sunday. Dahil sa mahigpit ang batas ay pinili ni Mr.
Settman na itago ang mga ito sa pulisya. Hindi mawawala sa isang araw ang pakikipag laban ng
mga pulisya sa mga mamamayan dahil sa mga pagkuha ng pulisya sa mga batang mayroon
kapatid, isinasagawa nila ito ng sapilitan. Sa paglipas ng taon, sila Monday ay nakatalang
lumabas lamang sa araw ng pangalan nila, dobleng pag iingat ang kailangan dahil kapag
nasugatan ang isa ay kailangang sugatan ang lahat upang hindi maghinala ang pulisya sa mga ito.
Upang itago sila Monday sa isang bahay ay gumawa ng lihim na lagusan si Mr. Settman upang
pag may bumisita ay makakatago ang mga ito. Sila Monday ay pinangalanang Karen Settman,
ito ang pangalan na ginagamit nilang lahat, noong bata pa sila ay naputulan ng daliri ang isa sa
kanila at kinailangan na putulin ang isang daliri ng lahat. Dumating ang araw na kung saan ay
nabuko sila Karen ng gobyerno nila at hinuli ito isa isa. Ikinulong ng gobyerno si Monday sa
isang kwartong walang kahit anumang laman, nalaman ng mga kapatid nito na mayroon palang
kasintahan si Monday na nagtatrabaho sa bureau. Nakipagtulungan si Thursday sa kasintahan ni
Monday upang isalba ito, at dahil nag tatrabaho nga ito sa bureau ay Madali silang nakapasok sa
loob ng pinagkukulungan ni Tuesday. Napatay ng awtoridad sina Wednesday, Friday, Saturday
at pati na din si Sunday dahil sa batas na bawal mabuhay sa bansa nila ang mayroong maraming
kapatid. Nang makapasok si Thursday sa lugar na pinag dadalhan ng mga batang mayroon higit
sa isang kapatid ay dito niya nalaman na hindi pinapatulog ng gobyerno ang mga bata kundi ay
pinapatay at sinisilaban ito ang mga ito ng buhay. Nang mailigtas ni Thursday si Tuesday ay
nalaman nila na si Monday ang nagsumbong sa gobyerno ng tungkol sa kanila at pumirma si
Monday sa kasunduan nito sa gobyerno na paslangin ang lahat ng kapatid nya upang sya na
lamang ang nag iisang Karen Settman, ngunit hindi siya nag tagumpay. Sa isang event ay
ipinalabas dito ni Tuesday ang video na nakunan nila upang ipakita sa mga mamamayan na
sinusunog ng gobyerno ang mga bata at hindi lamang pinatutulog, dito ay hinuli ng awtorida si
Cayman na syang nagpatupad ng one child policy at ito ay hinatulan ng kamatayan, dito din ay
napawalang bisa ang one child policy.

You might also like