You are on page 1of 2

Dokumento Mga Nakasaad na Karapatang Pantao

Cyrus’ Cylinder Ang karapatang pantao na nakapaloob sa


Cyrus Cylinder ay pinaniniwalaang may mga
kinalaman sa pagkawala ng bias o pagtangi
sa lahi, kultura o maging ng relihyon. 
Nakasaad dito na dapat ay pantay-pantay
lang ang tingin sa kahing kaninong tao. 
Nakasaad din dito na may karapatan ang
bawat tao na pumili ng sarili nitong
paniniwala. Ganito ang eksaktong mababasa
sa cyrus cylinder na gawa sa hinulmang
luwad:  "ANG LAHAT NG TAO  AY MAY
KARAPATANG PUMILI NG RELIHYON AT
MARAPAT ITURING NA KAPANTAY NG
IBANG LAHI.”

Magna Carta Ito naman ay kasulatan o dokumentong


pinagpilitang sang-ayunan ni King John ng
Inglatera.  Tinawag din itong Greater Charter
noong 1215. Nakapaloob dito ang mga
karapatan ng simbahan o paniniwala na
malaya sa pakikialam ng Estado o
pamahalaan, nakasaad din ang mga
karapatang magmay-ari ng mga mana at ari-
arian para sa lahat ng mamamayan ng
walang pagmamalabis ng buwis.

Petition of Right Hinggil naman ito sa paglaban sa mga hindi


pagpapatupad at paglabag ng mga batas.
Ipinadala ang petisyon na ito kay King
Charles I. Ang nilalaman nitong ay ang
petisyon ay pagkondena sa kahit na anong
buwis o paniningil nang hindi batid o walang
basbas ni apruba ng Parliamento.

Declaration of Human Rights Nang itatag ang United Nations, nagkaroo ng


diin ang mga bansang kasapi nito na
magkaroon ng malinaw at kongkretong
balangkas ng mga karapatan para tiyak na
maibabahagi ang kaalaman at
maisakatuparan ang mga karapatang pantao
nakasaad dito.  Binansagan din ito bilang
“International Magna Carta for all Mankind.”
Lubos na pinahahalagahan ang buhay,
pribadong ari-arian, at hustisya para sa lahat
sa UDHR.

Nararapat na taglay ng bawat indibiduwal ang


mga karapatang nakasaad dito dahil taglay
nito ang dignidad ng isang tao, anoman ang
kaniyang katayuan sa lipunan at kalagayang
pang- ekonomika.

The First Geveva Convention Layunin ng pagpapatatag dito na protektahan


ang lahat ng mga biktima ng digmaan/gyera
at naging katuwang ang International Red
Cross sa pagsagip ng mga buhay at sa
pagpapagamot sa mga naapektuhan.

Ang digmaan ay sa kasamaang palad,


nagresulta ng datos na may namatay na
halos 40,000 katao. Pinalala ng kakulangan
ng mga pasilidad ang mga suliranin
noon kahit pinilit na rin nitong magkaroon ng
mga pagtigil sa bakbakan na kailangan para
sa gamutan.

You might also like