You are on page 1of 3

SALUYONG NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS

Saluyong, Manukan, Zamboanga del Norte


MANUKAN II DISTRICT

Araling Panlipunan Grade 8


Learning Activity Sheets (Unang Markahan, Week 3)
Panahon ng Bato (Ang Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko)

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: ________


Baitang/Seksiyon: ____________________________________________ Marka: _______

Panahon ng Bato (Stone Age)


Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period)--- 2, 500, 000 BC hanggang 10, 000 BC
Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa malamig na
panahon. Katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaring kasalukuyan pang nagyeyelo sa
ibang bahagi ng daigdig at walang permanenteng tirahan ang mga tao sa panahong ito. Pagala-gala
sila sa paghahanap ng pagkain. Sa panahon ding ito natuklasan ang gamit ng apoy; unang gumamit ng
apoy at nangaso ang mga sinaunang tao.Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” ( Old Stone Age).
Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang “paleos” o matanda at “lithos” o bato.
Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng
kasangkapang bato ng mga hominid.

Panahong Mesolitiko (Mesolithic Period)--- 10, 000 BC hanggang 7, 000 BC

N-avigating
O-pportunities to Capitol Drive, Estaka, Dipolog City, 7100 "Be and Do Much Better Each Day
R-eengineer for Tel No.: (065) 212-5843 with a
T-ransformation & e-mail address: zn.division@deped.gov.ph Sense of Urgency"
E-mpowerment
“Gitna” ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego. Kaya’t ito ang Gitnang Panahon ng Bato. Dito
nagsama-sama ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang unti-unting pumapasok ang tao sa
Panahon ng Neolitiko.Nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ng pagbabago samantalang
namuhay sa kasukalan ang ibang nanatili sa lumang kaalaman. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa
panahong ito ang panustos na pagkain. Pinakasolusyon dito ang pagiging prodyuser ng tao kaysa
umasa sa likas na. Subalit sa nagbabagong klima, mahirap na hamon ito.
Rebolusyong Neolitiko (Neolithic Period)
Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o
Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos
o “bato. Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang
antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya.
Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng
paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi.Naganap sa
panahong ito ang Rebolusyong Agrikultural o sistematikong pagtatanim sapagkat natustusan
na ang pangangailangan sa pagkain. Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan
sa isang lugar upang alagaan ang mga pananim. Magkakadikit ang mga dingding ng
kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan.
Inililibing ang mga yumao loob ng kanilang bahay.
Learning Competency: Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko (AP8HSK-If-6)
Gawain: Yugto, Tukuyin Mo!
Panuto: Basahin at unawain ang mga katangian/kondisyon na nasa unang kolum ng
talahanayan. Tukuyin at isulat ang sagot sa ikalawang kolum kung anong yugto ng
sinaunang panahon ang inilalahad ng mga katangian/kondisyon na nakasulat sa unang
kolum.
YUGTO NG SINAUNANG
PANAHON
(Piliin ang sagot sa ibaba)
Lower Paleolithic,
KATANGIAN/KONDISYON Middle Paleolithic,
Upper Paleolithic,
Panahong Mesolithic

Panahong Neolithic
Halimbawa: Sagot:

1. Ang pagtatanim o pagsasaka ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong 1. Panahong Neolithic


ito.
2. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit
sa bato.

3. Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.


4. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak.
5. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito ang panustos na pagkain.
6.  Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato at
permanenteng paninirahan

N-avigating
O-pportunities to Capitol Drive, Estaka, Dipolog City, 7100 "Be and Do Much Better Each Day
R-eengineer for Tel No.: (065) 212-5843 with a
T-ransformation & e-mail address: zn.division@deped.gov.ph Sense of Urgency"
E-mpowerment
7. Nagsama-sama ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang unti-unting
pumapasok ang tao sa Panahon ng Neolitiko.
8. Inililibing ang mga yumao loob ng kanilang bahay
9. Unang gumamit ng apoy
10. Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan.

Repleksiyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian: Modyul 3- Ang Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong


Prehistoriko (ADM First Edition, 2020- - Araling Panlipunan 8; Manunulat: Alging Salazar
Lloren, PhD)

Susi Sa Pagwawato:
Answer may vary…

INIHANDA NI:

JEMARIE I. ELENO
Guro Ng ArPan

N-avigating
O-pportunities to Capitol Drive, Estaka, Dipolog City, 7100 "Be and Do Much Better Each Day
R-eengineer for Tel No.: (065) 212-5843 with a
T-ransformation & e-mail address: zn.division@deped.gov.ph Sense of Urgency"
E-mpowerment

You might also like