You are on page 1of 1

ARALIN 3: HEOGRAPIYA NG MGA SINAUNANG 3.

TSINA – ito ay matatagpuan sa Silangang Asya at ang


KABIHASNAN SA DAIGDIG pinakamatandang kabihasnang nanatili sa daigdig
hanggang sa kasalukuyan.
✓ Umusbong sa tabing-ilog ng Yellow River o Huang
Ho. Dumadaloy ito papuntang Yellow Sea.
✓ Ang pagbabaha ng Huang Ho ay nag-iiwan ng kulay
dilaw na lupa na tinatawag na loess na nagsisilbing
pataba sa lupa.
✓ Ang Huang Ho ay tinawag ring “Ilog ng Pighati” dahil
sa maraming tao ang namamatay tuwing bumabaha
ito.
✓ Ang China ay mayroong likas na hangganan gaya ng
kagubatan at bundok sa Timog (Indochina), talampas
ng Tibet sa Kanluran, at Gobi Desert sa Hilaga.
✓ Ang likas na hangganang ito ay nagsilbing proteksiyon
laban sa mga kaaway at naihiwalay ang China sa ibang
bahagi ng daigdig kaya’t nakabuo ito ng sariling kultura
at paniniwala na mataas na uri ang kanilang lahi at
Sa mga lambak ng ilog umusbong ang mga sinaunang barbaro ang nasa labas ng kanilang teritoryo.
kabihasnan.
Sa pagsulong ng pagtatanim at paghahayupan, nagkaroon 4. EGYPT – ito ay matatagpuan sa kontinente ng Africa.
ng mga permanenteng paninirahan. Mula sa mga ito Bagamat may ibang patunay ng paninirahan sa Africa
nalinang ang mga pamayanan. maliban sa Egypt, ang kabihasnang ito ang umunlad at
lumago noong Sinaunang Panahon.
1. MESOPOTAMIA – ito ay matatagpuan sa Kanlurang Asya ✓ Umusbong ang kabihasnan sa Egypt dahil sa Ilog Nile.
na kasalukuyang Iraq, Iran, Syria at Turkey. Ito ay mula sa ✓ Itinuring na The Gift of Nile ang Egypt dahil kung wala
salitang Meso (pagitan) at Potamos (ilog) kaya’t ito ay ito, ang buong lupain ay magiging disyerto.
nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog. ✓ Ang taunang pagbaha ng ilog ay nagbigay-daan upang
✓ Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa rehiyon ng makapagtanim ang mga tao sa lambak-ilog
Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupain na ✓ Ang Ilog Nile ay naging ruta ng paglalakbay at
nagsisimula sa Persian Gulf hanggang silangang kalakalan.
bahag ng Mediterranean Sea. ✓ Ang Disyerto sa Kanluran at Silangan ang
✓ Ito ay nasa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates. naghadlang sa mga pagsalakay kaya’t namuhay ng
✓ Ang regular na pagbaha ng ilog Tigris at Euphrates ay masagana at mapayapa ang kabihasnan sa mahabang
nag-iiwan ng banlik o silt na nagiging pataba sa lupa. panahon.
✓ Walang likas na hangganan ang Mesopotamia kaya’t
mahirap itong ipagtanggol sa ibang karatig-lugar na 5. MESOAMERICA – Ito ay matatagpuan sa Central
mananakop. Ngunit, naging madali para sa America na kasalukuyang bahagi ng kontinente ng North
kabihasnan na makipagkalakalan sa iba. America.
✓ Umusbong ang Mesoamerica sa Sinaloa River Valley
2. INDUS VALLEY – ito ay matatagpuan sa Timog Asya o (Gitnang Mexico) at Gulf of Fonseca sa El Salvador
kasalukuyang India at Pakistan. (Timog)
✓ Inihihiwalay ito ng mga kabundukan sa hilaga – Hindu ✓ Bagama’t pabago-bago ang klima, naging mainam pa
Kush, Himalayas at Karakuran. rin ito sa pagtatanim at permanenting paninirahan ng
✓ May Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa mga tao.
Timog at Bay of Bengal sa Silangan. ✓ Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang
✓ Mayroon ring disyerto sa silangang bahagi. malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El
✓ Dahil sa pagkakahiwalay nito, itinuturing ang Indus Salvador at Kanlurang Honduras.
bilang subcontinent. Ang pagkakahiwalay na ito ay
nagdulot ng pagbuo ng sarili nitong kultura.
✓ Ang daanang Khyber Pass sa Hilagang-Kanluran ay
ginamit para mapasok at masalakay ang Indus Valley.
✓ Sa lambak ng Indus river nagsimula ang dalawang
lungsod ng kabihasnan – ang Mohenjo-Daro at
Harappa. Ang mga labi nito ay natagpuan noong 1920
sa Pakistan.
✓ Ang mga natunaw na yelo mula sa Himalayas ang
umaagos sa Ilog Indus. Ang regular na pagbaha nito
ay nagbibigay ng pataba sa lupa.

You might also like