You are on page 1of 5

Ikaapat na Mahabang Pagsusulit

Filipino 5
Pangalan: _________________________________ Iskor: _____________
Baitang at Pangkat: _________________________ Petsa: _____________
Inihanda ni: Gng. Louise Marie Rabor – Quinamot

I. Basahin ang talata at kahunan ang ginamit na pang-akop sa bawat pangungusap.

Iilang linggo na ang lumipas, marami ang nakilahok sa “Community Pantry.” Layunin ng
programang ito na makatulong sa mga hikahos na pamilya sa bawat barangay. Marami ang nakisali at
tumulong upang mapanatili ang supply ng commodities na ibinabahagi sa bawat barangay. Sa pag-
usbong ng mga ganitong programa, naipamamalas talaga ang pagbabayanihang taglay ng bawat
Pilipino.

II. Punan ng angkop na pang-angkop ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap sa talata.

Sa panahon ito ng pandemya, marami ang nakaranas (1) ____ mawalan ng pagkakakitaan. Marami
(2) ___ pamilya ang naghirap ngunti marami rin ang nagsikap upang makabangon. Makikita mo sa
bawat kalye (3) ____ may nagtitinda ng mga kung ano-ano upang may maisuporta sa kanilang mga
pami-pamilya.
Nagpapakita lamang ito(4) ____ ang Pilipino ay hindi Tamad at at kaya niya (5)____ itayo ang
sarili laban sa pandemyang nararanasan

III. Salungguhitan ang payak na simuno at kahunan ang boung simuno sa pangungusap sa bawat
bilang.

1. Ang magkakapatid na Torres ay magaling sa paglalaro ng basketbol.


2. Nagtampisaw sa ilog sina Jame, Dingdong at Marian.
3. Ikinatuwa ko ang pagbisita ni Cecilio sa aming munting bahay.
4. Ang Bundok Arayat ay isa sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
5. Tuwing tag-init, umaabot sa 42 degrees ang init na nararanasa ng Pilipinas.

IV. Bilugan ang boung panaguri at salungguhitan ang payak na panaguri sa pangungusap sa bawat
bilang

1. Kilala ang mga Bosconians sa paglalaro ng futbol.


2. Ang mga naunang paring Salesiano ay nagturo ng larong futbol sa mga bata ng Tondo.
3. Naglalaro ng nakapa-a ang mga batang ito.
4. Ang mga batang Tondo,na magaling sa futbol, ay hindi matalotalo ng mga pribadong
paaralan.
5. Ang paglalaro ng futbol ay naging daan upang sila ay madiskubre ng mga paaralan sa Maynila.
6. Ang mga ginawang ito ng mga paring Salesiano ay hindi makakalimutan ng mga batang Tondo.

______ 1. Anton, maari ka bang maging hurado sa patimpalak sa pag-awit sa pistang darating?
______ 2. Pakikuha nga ng malamig na tubig?
______ 3. Nais ipabatid ng himpilang ito na hindi na makakapasok ang walang facemask at
faceshield.
______ 4. Bang! At nanalo naman si Pacman! Wow!
______ 5. Umidlip kayo para hindi kayo mapagod mamaya sa training
______ 6. Ang pagkakaroon ng magandang pag-uugali ay ang lisensya mo patungong langit.
V. Tukuyin ang uri ng pangungusap. Isulat ang PS sa patlang kung pasalaysay, PT kung patanong, PU
kung pautos, PD kung padamdam at PK kung pakiusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.
VI. Bumuo ng pangungusap ayon sa uri nito na naayon sa sitwasyong binibigay. (Dalawang Puntos
bawat bilang).
1. Ikaw ay tumatakbo ngunit bigla kang nadapa sa daan, Ano ang sasabihin mo?

2. Ikaw ay papunta sa birthday party ni Nikkie ngunit nakalimutan mo kung saan ito papunta. May
nakita kang lalaki sa daan. Ano ang sasabihin mo?

VII. Basahin ang editoryal tungkol sa “Community Pantry” at saguting ang mga kaugnay na tanong.
Itiman ang titik na nagsasaad ng tamang sagot.

NAG-UMPISA ang community pantry sa Maginhawa St. sa Quezon City na sinimulan ni Ana Patricia Non noong
nakaraang linggo. Isang maliit na table na gawa sa kawayan ang nilagyan niya ng bigas, gulay, itlog, delata, kape, vitamins at
iba pa. Nakasaad sa nakasabit na karatula: “Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan.”

Isang araw makaraang ilagay ang Maginhawa pantry, dumagsa ang magbibigay ng tulong. May magsasaka mula sa
Tarlac na nagbigay ng isang sakong kamote. Kinabukasan, may mga mangingisda na nagbigay ng huling tilapia.

Ang pantry sa Maginhawa ay bukas mula 6:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. Kahapon, maagang-maaga pa lamang ay
marami nang nakapila sa pantry upang makakuha ng kanilang pangangailangan. Sabi ni Patricia, “Di nito masasagot ang root
cause ng kagutuman pero okay na rin na pantawid gutom sa mga nangangailangan. Mahirap magtrabaho, mag-aral at lumaban
habang kumakalam ang tiyan.”

Ang sinimulan ni Patricia ay mabilis na kumalat. Sabi nga ng isang pari, isang mabuting virus ang mabilis na
kumakalat ngayon. Hindi mapigilan ang pagkalat ng virus na pawang mahihirap at mga kapuspalad ang nakikinabang.
Nakakaligtas sila sa kagutuman dahil sa proyektong ito.

Nagsulputan na kung saan-saan ang community pantries. Mainit na tinanggap. Lumaganap. Umabot na hanggang sa
mga probinsiya. Dagsa ang mga nagbibigay sa pantry. Bayanihan na ang nangyari. Ang mga aning gulay at huling isda ay
pinakikinabangan ng mamamayan.

Ang pagsulpot ng community pantry ay magandang pambukas sa isipan ng mga nakakaluwag at sobra-sobra ang
biyaya sa buhay. Maaaring makatulong sa pamamagitan ng mga itinayong pantry. Da-dalhin lamang doon ang ipamamahagi at
marami nang makikinabang. Marami nang kumakalam na sikmura ang malalamnan. Hindi na kailangang lumayo pa para
makatulong sa mga nangangailangan.
a b c d
O O O O 1. Nag-umpisa ang community pantry sa Maginhawa St. sa Quezon City na
sinimulan ni Ana Patricia Non. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?
a. winakasan b. tinapos c. pinutol d. inumpisahan
O O O O 2. Nakasaad sa nakasabit na karatula: “Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha
batay sa pangangailangan.” Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?
a. tumahimik b. sinasabi c. binubusalan d. pinahihinto
O O O O 3. Ang sinimulan ni Patricia ay mabilis na kumalat. Ano ang ibig sabihin ng salitang
nakasalungguhit?
a. dumami b. nawaglit c. nawala d. naputol
O O O O 4. Hindi mapigilan ang pagkalat ng magandang virus na ito na ang mga kapuspalad
ang nakikinabang.
a. mayaman b. may-kaya c. mahirap d. mapagbigay
O O O O 5. Nagsulputan na kung saan-saan ang community pantries. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nakasalungguhit?
a. nagsilabasan b. nagtaguan c. naglihim d. binunyag
O O O O 6. Ang pagsulpot ng community pantry ay magandang pambukas sa isipan ng mga
nakakaluwag at sobra-sobra ang biyaya sa buhay.
a. duhka b. mayaman c. mahirap d. kapuspalad
O O O O 7. Ang unang “Community Pantry” ay inorganisa ni __________________.
a. Robert Non c. Ana Patricia Non
b. Efren Peñaflorida d. Mariano Perez
O O O O 8. Ano ang nakapaskil sa karatulang nakasabit sa community pantry?
a. Kumuha ng marami, Magpasalamat sa nag-organisa
b. Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan.
c. Magbigay ayon sa pangangailangan, Kumuha batay sa kakayahan.
d. Magbigay ayon sa kakayahan, Hakutin batay sa pangangailangan.
O O O O 9. Paano sinimulan ang “Community Pantry”?
a. Naglagay sila ng maliit na tiangge sa Maginhawa Street upang hindi
mahirapang bumili ang kanilang mga kapitbahay.
b. Naglagay sila ng maliit na bangko na may kahong nanghihingi ng donasyon
para sa mga nangangailangan.
c. Naglagay sila ng mesa na may mga basic commodities na kukuha at
magbabayad ang mga kukuha ng mga commodities.
d. Isang maliit na table na gawa sa kawayan ang nilagyan niya ng bigas, gulay,
itlog, delata, kape, vitamins at iba pa ang nilagay sa Maginhawa Street.
O O O O 10. Kahapon, maagang-maaga pa lamang ay marami nang nakapila sa pantry upang
makakuha ng kanilang pangangailangan. Ano ang ibig ipahiwatig nito sa nabasang
editoryal?
a. Pinapakita lamang nito na marami ang naghihirap at naapektuhan sa
pandemyang nararanasan.
b. Pinapakita nito na marami ang gustong sumali sa magandang gawaing ito.
c. Pinapakita nito na marami ang gustong makita kung paano ito tinataguyod.
d. Pinapakita nito na marami ang gustong magpaabot ng tulong.
O O O O 11. Di nito masasagot ang root cause ng kagutuman pero okay na rin na pantawid
gutom sa mga nangangailangan. Ano ang ibig ipaabot ng nag-organisa ng
community pantry sa mga tao?
a. Pinapaabot niya na ang community pantry ang solusyon sa gutom na
nararanasan ng tao.
b. Pinapaabot nito na ang community pantry ay isang hakbangin tungo sa
pakapanalo sa eleksyon.
c. Pinapaabot nito na ang community pantry ay gawaing naging daan upang
makilala siya ng marami
d. Pinapaabot nito na ang community pantry ay hindi solusyon sa problema sa
gutom ngunit ito’y nagtutugon sa pangngailangan ng mga mahihirap sa pang-
araw-araw.
O O O O 12. Ano ang sinabi ng isang pari hinggil sa Community pantry?
a. Ito ay isang klase ng virus na madaling kumalat.
b. Ito ay isang pagpapakitang tao upang makilala sa lipunan.
c. Ito ay tumutulong sa problema sa gutom
d. Ito ay mabuting gawaing nagbibigay oportunidad sa mga mahirap na bumuli
ng murang mga commodities.
O O O O 13. Bakit kaya sinasabi na ang mga mahihirap ang makikinabang sa Community
Pantry?
a. Nakikinabang sila sa ganitong proyekto dahil marami silang mabibili sa mga
community pantry.
b. Nakikinabang sila sa ganitong proyekto dahil sila ang labis na naapektuhan
sa pandemyang nararanasan.
c. Nakikinabang sila sa ganitong proyekto dahil nabibigyan sila ng trabaho ng
proyektong ito.
d. Nakikinabang sila sa proyektong ito dahil mas nabibigyang halaga ang mga
produktong inilalako ng mga mangingisda at mga magsasaka.
O O O O 14. Bakit maituturing na bayanihan ang “Community Pantry”?
a. Maituturing itong isang uri ng bayanihan dahil napapakinabangan ng mga
mayayaman ang ani ng mga mangingisda at mga magsasaka.
b. Maituturing itong isang bayanihan sapagkat napapakinabangan ng mga
mamamayan ang mga ani ng mga mangingisda at magasaka na may bayad.
c. Maitituring itong isang bayanihan dahil napapakinabangan ang ani ng mga
mangingisda at magsasaka ng mga mamamayan na walang kapalit.
d. Maituturing itong isang bayanihan sapagkat nabibili ng mamamayan sa
mababang presyo ang ani ng mga magsasaka at mga mangingisda.
O O O O 15. Ang pagsulpot ng community pantry ay magandang pambukas sa isipan ng mga
nakakaluwag at sobra-sobra ang biyaya sa buhay. Ano ang ibig sabihin ng
pangungusap na ito?
a. Hinihikayat ang mga mayayaman o mga taong labis labis ang biyaya na
magbigay at maging biyaya rin sa mga nangangailangan.
b. Hinahikayat ang mga mayayaman at mga taong labis labis ang biyaya na mag-
ipon para sa kanilang kinabukasan.
c. Hinihikayat ang mayayaman at mga taong labis labis ang biyaya na patuloyin
sa kanilang mga bahay ang mga nangangailangan.
d. Hinihikayat ang mayayaman at mga taong labis labis ang biyaya na huwag
magbigya upang di umasa ang mga nangangailangan.
O O O O 16. Sa simpleng pananaw, paano tinataguyod ang community pantry?
a. Dadalhin lamang doon ang ipamamahagi at marami nang makikinabang.
b. Dadalhin doon ang mga ipaglalakong mga ani
c. Dadalhin doon ang mga pangako ng pagbabago para sa Pilipinas
d. Dadalhin doon ang mga bagay na hindi na magagamit ng mga mahihirap.
O O O O 17. Ang editoryal na ito ay nagpapakita ng pagbabayanihan. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita ng bayanihan?
a. Pagtulong sa kapwa na may inaantay na kapalit.
b. Pagpapabayad ng isang duktor sa baryo ng pera sa mga mahihirap.
c. Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo na walang pag-aalinlangan.
d. Pagpapaalis sa mga mahihirap sa lupang pinagmamay-arian ng iyong pamilya.
O O O O 18. Ang editoryal na ito ay isang uri ng editoryal na __________________.
a. nagbibigay bibigay ng impormasyon c. nanghihikayat
b. tumutuligsa d. namumuna

You might also like