You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

ISABELA STATE UNIVERSITY


Cauayan Campus

GEC 12 PANITIKANG PANLIPUNAN


PANGGITNANG PAGSUSULIT
PANGALAN: _JONATHAN D. VALIENTE ISKOR: _________________
SEKSYON: BSE 1-1 PETSA: MAY 04, 2020
TEST I ISYUNG PANGMAGSASAKA
PANUTO: Mula sa aytem 1-10 ay basahing maigi ang mga katanungan at piliin ang pinakamainam na tamang kasagutan. Isulat
lamang ang napiling kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang.

__D___1. Ang Rice Tarrification bill ay na nakabinbin sa kongreso ay ang aamyenda sa agricultural tarrification act of 1997 para
tanggalin ang paghihigpit sa bilang ng imported rice. Ang Rice Tarrification ay isang?
A. Tama ang pahayag B. Dapat ay Law ang bill
B. Dapat ay Oder ang bill D. Mali ang pahayag
__B___2. Kung maipapatupad ang Rice Tarrification ay makakaipon ang isang pamilya kada taon ng halagang ________ dahil sa
mababang halaga ng bigas?
A. 2, 632 B. 2, 362 C. 2, 326 D.2, 236
__D___3.Ang mga sumusunod ay mga suliranin sa agrikultura maliban sa isa?
A. Madalas na Pagbagyo B. Imprastraktura C. Kapital D. Importasyon ng bigas
__C___4. Ito ay ang kikitain ng gobyerno mula sa Rice Tarrification ay gagastusin para suportahan ang mga maliliit na magsasaka
sa pamamagitan ng RCEF. Ang RCEF ay may kahulugang?
A. Rice Compensation Enhancement Fund C. Rice Competitiveness Enhancement Fund
B. Rice Competitiveness Enrichment Fund D. Rice Compensation Enrichment Fund
__C___5. Ang perang makikita mula sa Rice Tarrification ay para sa mga magsasaka at sa pagpapbuti ng industriya ng bigas na
kung saan ang tariff o tax ay papatawan ng ilang porsyento?
A. 1% B. 25% C. 35% D. 45%
__C___6. Ang presyo ng bigas mula Thailand at Vietnam ay magiging 30.30 pesos na lamang. Samantalang ang bigas na galing sa
ating bansa ay nagkakahalaga ng magkanong halaga?
A. 34 B. 34.30 C. 34.60 D. 35
__C___7. Ito ay tawag sa mga nagpapautang ng Kapital sa mga magsasaka na nagpapataw ng malaking porsyento.
A. Gambler B. Gobyerno C. Sharks D. Buwaya
__C___8. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) binubuo ng Agricultural Sector ang 12 milyon ng total employment sa
bansa, na katumbas nito ng ilang poryento?
A. 30% B. 31% C.32% D. 33%
__A___9. Ang mga sumusunod ay mga risk o kapahamakang kinakaharap ng ng mga magsasaka maliban sa isa?
A. Pera B. Panahon C.Peste D. Presyo
__D___10. Ano ang nakatagong kahulugan ng katagang “ For I was hungry and you gave me food”
A. Nang ako’y gutom binigyan mo ako ng pagkain C. Magbigay ng pagkain sa mga namamalimos
B. Kailangan nating magbigay sa bawat isa D. Ang bawat isa ay may angking dignidad.
TEST II ISYUNG PANGMANGGAGAWA
PANUTO: Mula item 11-20 ay punan ng angkop na kasagutan ang mga sumusunod na katanungan. Nasa ibaba ang mga salitang
maaaring pagpilian ng inyong sagot. Isulat lamang ang titik bago ang bilang. (Ang isang katanungan ay katumbas nito ang
isang puntos)

A.
EMPLOYMENT PILLAR F. TECHNOLOGICAL K. SOCIAL PROTECTION PILLAR NG. CYCLICAL
B.
FULL EMPLOYMENT G. LABOR ONLY L. ISKEMANG SUBCONTRACTING O. OFF SHORING
C.
JOB CONTRACTING H. UNEMPLOYMENT M. SOCIAL DIALOGUE PILLAR P. NEAR SHORING
D.
CASUAL I.SEASONAL N. EXPANSIONARY FISCAL POLICY Q. ONSHORING
E.
VOLUNTARY J. FRICTIONAL Ñ. WORKERS RIGHT PILLAR R. STRUCTURAL

__E_____11. Si Mark ay bagong tapos lang ng kolehiyo at dahil siya ay isang Suma Kumlawde sa UP ay nagdesisyon siyang
manatili lang muna sa bahay nila dahil napagod daw siya sa pag-aaral ng apat na taon at ninanais niyang makasama muna ang
pamilya nito bago magtrabaho. Ano ang tawag sa isyung pangmangagawa ang ginawa ni Mark?
__R_____12. Maunlad na maituturing ang Lungsod ng Cauayan sapagkat ang maraming mga negosyante ang nais
makipagkalakaran dito pumatok ang paggawa ng papotok ngunit dahil ipinagbawal ang prudoktong ito dahil sa pag-aakalang
dina kailangan sa ekonomiya ng Cauayan at na masama ang dulot nito ay tinanggal ang produktong gayun din ang prudukto at
mga namumuhunan. Anong isyung pangmanggagawa ang makikita dito?
__J_____13. Nagrereklamo ang mga manggagawang Pilipino sa ngayon dahil sa mataas na Inflation Rate ng mga bilihin kung kaya
ang mga manggagawa, ay panandaliang tumigil sa trabaho upang magwelga para itaas ang kanilang sahod.
__Ñ_____14. Dahil sa lindol ay maraming mga mangagawa sa Mindanao ang namatay kung kaya lumikha ng panibagong batas ang
pamahalaan na pagbibigay ng karagdagang seguridad (insurance) sa mga mangagawa bilang karagdagan sa kanilang
karapatan. Sa ganitong sitwasyon anong isyu sa pangmanggagawa ang naisagawa?
__H_____15. Si Angie ay nagtapos ng pagiging guro, pursigido siyang magkaroon ng trabaho at dahil sa nakaraang pag-uusap ng
mga kompanya, mga sangkot sa paggawa at pamahalaan kung kaya naipatupad ang karapatan nila na kahit bagong tapos lang
sa pag-aaral ay nararapat din silang magkaroon ng magandang trabaho. Anong isyu ito?
__I_____16. Sobrang daming ginagawa ni G. Acacio bilang isang Call Center Agent sa gabi at Guro sa umaga, datapwat mdalas
siyang hindi nakakapagtrabaho bilang isang call center agent dahil sa palagian ang pagkawala ng koryente sa kanilang lugar.
__A_____17. Sa kabilang banda naman nakita ng kompanyang pinagtatrabahuan ni G. Acacio na siya’y dedikado at mahusay sa
kanyang trabaho kung kaya agad siyang nailagay bilang Punong guro sa paaralang kanyang pinagtuturuan.

__D_____18. Si Aling Marta ay isang labandera kung minsan ay arawan lamang ang kanyang paglalaba at kung pinapalad naman
na maraming tanggap na labada ay lingguhan siyang may nilalabhan. Sa ganitong sitwasyon anong uri ng unemployment ang
makikita mo?
__B_____19. Maraming mga nagtapos ng pagiging nurse ngunit dahil hindi ganun karami ang mga hospital dito sa ating bansa
kung kaya maraming mga mangagawang nurse ang natambay. Anong isyu sa pangmanggagawa ang naisagawa?
__O_____20. Kaugnay nito ay maraming pangangailangan ang bansang iran ng mga nurse kung kaya nakipagkasudo ito sa
pamahalaan ng Pilipinas na magpadala sila ng mga nurse at doo’y magtrabaho.
__Q_____21. Dahil sa gyera sa Marawi ay maraming mga nasirang mga impratraktura at kinakailangang makumpuni agad kaya
tumawag sila ng tulong sa Maynila upang magpadala ng mga manggagawang construction worker na wala pang ginagawa .
__P_____22. Ang Hong Kong ay kalapit na bansa ng Pilipinas at kumukuha ng serbisyo ng mga manggagawang Pilipino bilang
isang Domestic Helper sa kanilang bansa.
__L_____23. Nais kong magpaayos Cellphone at dahil wala akong kaalaman sa pagpapaayos nito ay minarapat ko na lamang na
magbayad para iwas abala na aking trabaho.
__C_____24. Ngunit sinawata ako ng kapatid ko at binigyan niya ako ng speaker ng cellphone upang iyon ang ibigay ko sa
pagpapagawan ko nang sa gayon ako’y makatipid at masisigurado ko pang maganda ang ilalagay nilang speaker.
__N_____25. Dahil sa Pagsusulong ni Pangulong Duterte sa Federalismo sa ating bansa at dahil narin sa dami ng mga nagtapos at
nakapasang mga pulis sa Criminologist Licensure Examination kung kaya minarapat niyang patataasin ang kota ng mga
kukuhaning mga pulis na aabot sa 100,000 sa gayon ay mapalalawak at mapatataas ang ekonomiya ng Pilipinas. Sa ganitong
sitwasyon anong Solusyon ng unemployment ang makikita mo?

TEST III ISYUNG PANGKASARIAN


PANUTO: Mula sa aytem 21-30 ay isulat ang T kung ang pahayag ay TAMA at M naman kung ang pahayag ay MALI. Isulat
lamang ang kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang. (Ang isang katanungan ay katumbas nito ang isang puntos)

__T___26. Ang ganitong simbulo ay nangangahulugang LGBT.

__M_____27. Ang Sex ay tumutukoy kategorya, biyo-pisyolohikal sa pantay na katangiang pinapahalagahan ng lalaki at babae.

__T_____28. Sa gulang na 19 ni Marino ay natuklasan niya sa kanyang sarili na nagkakagusto siya sa kapwa niya lalaki, at mas
ninanais nitong makipagrelasyon sa kapwa niya lalaki sa kesa sa babae. Pilit niya itong nilabanan hanggang sa dumating ang punto na
nagkaroon siya ng kasintahang babae hanggang sa punto na may nangyari sa pagitan nilang dalawa upang patunayan sa kanyang sarili
na lalaki siya, ngunit hindi siya nasiyahan sa kinalabasan ng karanasang ito. Kung kaya nagpalit siya sa katauhang Marina at sinunod
ang kanyang kagustuhang makipagrelasyon sa isang lalaki at doo’y napunan ang hinahanap niyang kasiyahan. Na kung saan ang
tawag sa ganitong sitwasyon sa Isyu ng kasarian ay Gender Identification.

__M_____29. Kaugnay nito sa pagnanais na maging ganap na babae ni Marina ay pinabago nito ang kanyang katawan maging ang
hubog, pananamit, pagsasalita at pagkilos nito. Umiinom siya ng mga gamot upang bumaba ang hormon niya bilang isang lalaki at
magkaroon naman siya ng hormon ng pagiging isang babae. Nagpaopera rin siya ng kasarian nang sa gayon ay maganyo na talaga siya
bilang isang babae. Ang tawag sa ganitong sitwasyon sa Isyu ng kasarian ay Sexual Orientation.

__T_____30. Sa ngayon ay maituturing na ang pakikipagtalik ay isang Pangunahing Pangangailangan ng isang indibidwal at hindi na
lamang kagustuhan ng isang tao.

__T_____31. Si Aiko ay maituturing na isang tunay na Dalagang Pilipina, dahil sa taglay na angking kagandahan, magandang hubog
ng pangangatawan, at katangkaran ay hindi maipagkakailang patok siya sa mga patimpalak patungkol sa kagandahan. Ngunit lingid sa
kaalaman ng lahat si Aiko ay may itinatagong lihim na damdamin. Alam niya sa kanyang sarili na salungat ang kanyang sex
assignment isa siyang pusong lalaki ngunit ayaw niyang malaman ito ng iba kung kaya pinipili na lamang niya itong itago sa
pamamagitan ng pagpapanatili sa kanyang katauhan bilang isang tipikal na babae. Ang tawag sa ganitong sitwasyon sa Isyu ng
kasarian ay ang Bisexual.

__M_____32. Ang Foot binding o Lotus Feet ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga Paa ng mga babaeng ito ay
pinapaliit hanggang sa maging tatlong pulgada gamit gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa mga daliri sa paa.

__T_____33. Si Anthony ay maituturing na nagmamahal ng totoo at sa kanyang asawa lamang ay nakokontento na siya. Ang tawag sa
kanyang sexual orientation ay Heterosexual.

__M_____34. Ang pagsasagawa ng Breast ironing sa Africa ay normal na lamang para sa kanila upang maiwasan ang; maagang
pagbubuntis, prostitusyon at panggagahasa.

__M_____35. Sa Family Code ng Pilipinas ay hindi maituturing na pamilya ang mag-asawang kasal na walang anak o mga anak.

__T_____36. Si Marlyn A. Hewson ay isang babaeng Chair, President, at CEO ng Locked Martin Corporation na kilala sa paggawa
ng armas pandigma, pangseguridad, at iba pang makabagong teknolohiya sa America.

__T_____37. Si Ellen Degeneres ay isang Lesbian na binigyang pagkilala ang ilang Pilipinong mang-aawit gaya ni Jake Zyrus.

__M_____38. Sa Bansang Thailand ay kilala ang mga Karen Women sa kanilang pagpapahaba ng leeg na nangangahulugang
kagandahan at kayamanan sa kanila.
__M_____39. Sa Panunungkulan ni Pangulong Sun Yat Sen ay tinanggal niya ang Foot binding noong taong 1917.
__T_____40. Pwede paring sampahan ng kasong rape ang asawang lalake kung sapilitan ang ginawa niyang pakikipagtalik sa
asawa nito.
TEST IV PAGGAWA NG BLACK POETRY
PANUTO: Mula item 41-50 ay gumawa ng sariling Black Poetry gamit ang mga salitang makikita sa sanaysay na ibinigay.
ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON
PAMAGAT

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sapagkakaroonng isangmasaganang ekonomiya Mataas naedukasyon na hindi lamang
binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito
sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na
nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay angsiya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang
edukasyon kung rto ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pomal na pag-aaral tungkol sa Mathematics,
Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.Ang
edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpaynahinaharap ng isangbansaKung wala nito, at
kungangmga mamamayan ng isang lipunanay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon
ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan
na ang edukasyon aysiyangmagdadalasa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithin. Ang unang
layuninngedukasyon ay upang magkaroon ngkaalamansa mga bagay-bagayat impormasyonsa Kasaluk
uyan,sahinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at
pakikisalamuha sakapwa ng isangtao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa
ating mundo at ginagalawang kapaligiran.Ang edukasyonay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat
itoangkanilang magigingsandatasa buhaysakanilangkinabukasan. Ang kanilankabataanang siyang estado
kung saan nila hinahasaangkanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay nakailangannilasakanilang
pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagigindaansa isang tao upang magkaroon ng mga
kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga
kaisipatungo saisangtagumpayn amundo na kailangan ng bawat Isa upang ubusang mapakinabang an ang
daigdig at malaman ang mga layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapatna
edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pomal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito
ang kanilang magiging armas upang manarap nia ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging
kinabukasan at dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng
edukasyon na kailangan nla upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Miga
Sanaysay sa Flipino. Alam niyo bang may iba't ibang klase ng kaibigan? Eto ang ilan sa halimbawa: ikaw ba
ang uri ng kaibigan na binansagan nang NBS o National Bookstore 7 Naging supplier ka a dahil sa dami ng
lyong mga dalang gamit sa araw-araw. Sa iyo na nga ang papel, pati ballpen, sa iyo na rin galing. Masyado
Ka namang mabait kung ganito Ka. di ka man lang nagrereklamo kahit na nagagalit ang magulang mo sa
mabilis na pagkaubos ng isang pad ng yong papel. En, ikaw naman ba ang uri ng kaibigan na ang pagkain
mo ay pagkain na rin ng lahatr Nakatatawa mang isipin ngunit dahil dito, nauso ang salitang buraot. Pero
nakaiinis din namang isipin na sa iyo na nga iyong pagkain, iyong kalat o basura ng pinagkainan ay ibabalik
pa sa iyo. Nakahihiya naman, 'di ba?Hephep! 'di pa ako dyan matatapos. Mayroon pa akong mga
babanggitin. Ikaw naman ba ang klase ng kaibigan na sa sobrang sipag gumawa ng assignments,
nagkakaroon ng kumpulan sa iyong upuan pagkapasok mo pa lamang? Mayroon din namang uri ng kaibigan
na kung makagamit at makahiram ng pag-aari ng iba ay inaakalang sa kanya na ito. Kung ito ma'y ibabalik
na, maaaring may sira o ubos na ang laman. Sa gallery ng cellphone, mukha mo na ang kadalasang makikita.
lyong tipong gumawa ka na ng album
ISABELASTATE ng selfie mo sa cellphone ng kaibigan o kaklase mo at siya na rin ang
UNIVERSITY
ginawa mong taga-upload nito. May uri din ng kaibigan na puro panlalait lang alem at akala mo naman ay
napakaperpekto. Mayroon din namang pangangantyaw o pambu-bully ang ginagawa. May mga mayayabang
din na makaasta ay parang hari o reyna ng daan. lyong tipo mong ipagyabang ang lahat ng bagay na mayroon
ka o bigay sa iyo ngunit 'di mo naman pinaghirapan. O, ikaw, ikaw naman ba iyong kaibigan na ang hlig ay
magyaya sa yosi o inuman? ° di kaya naman ang laging sinasabi mo ay "Tara, gala tayo." Sa sobrang bait at
matulungin mo ding kaibigan, ang kaklase mo'y pinapakopya mo rin sa exam. Pero, bakit kaya may mga
taong kilala ka lang kapeg may kailangan7 Lumalapit at kinakaibigan ka lang para sa sariling kasiyahan at
kapakanan. Mayroon din namang pagkatalikod mo, sinasaksak ka na pala o sinisiraan. Eh, alam mo naman
ba kung ano ang tunay na kaibigan? Ang tunay na kaibigay ay isang taong mamahalin ka nang walang pag-
aaliniangan. Anumang distasya sa pagitan ninyo, alam mong lagi siyang handang umalalay. Ang tunay na
ding kaibigan ay 'di kinukunsinti ang kopahan sapagkat alam niyang di ka niya natutulungan. Bagkus,
tinuturuan ka lamang niya ng katamaran at kadayaan. Kung kaya't hinahayaan ka niyang matuto at
tutulungan ka lang kung talagang kailangan. Siya ay inspirasyon mo sa paggawa ng tama. Hindi rin niya
tinitngnan ang yaman o estado mo sa buhay, byong tipong kinakaibigan ka Iamang dahil sa pera. Hindi niya
ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat nating maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito
ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pomal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at
mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging
buraot pero nakaiinis lumaban magsumikap at magtagumpay!
Inihanda ni;
Bb. CLARIES AGRA AGCAOIL
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Cauayan Campus

PINAL NA PAGSUSULIT SA
GEC 12 PANITIKANG PANLIPUNAN
PANGALAN: JONATHAN VALIENTE LAGDA: ISKOR:
KURSO AT SEKSYON: BSEd 1-1 PETSA: MAY, 04, 2020 ORAS:

PAGSUSULIT NA MORSE (50 aytems)


PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin at itiman
ang napiling kasagutan.
A kung ang dalawang pahayag ay tama;
B kung ang dalawang pahayag ay mali;
C kung ang unang pahayag ay tama at ang ikalawa ay mali;
D kung ang unang pahayag ay mali at ang ikalawa ay tama.

1. [A] [B] [C] [D] 26. [A] [B] [C] [D]

2. [A] [B] [C] [D] 27. [A] [B] [C] [D]

3. [A] [B] [C] [D] 28. [A] [B] [C] [D]

4. [A] [B] [C] [D] 29. [A] [B] [C] [D]

5. [A] [B] [C] [D] 30. [A] [B] [C] [D]

6. [A] [B] [C] [D] 31. [A] [B] [C] [D]

7. [A] [B] [C] [D] 32. [A] [B] [C] [D]

8. [A] [B] [C] [D] 33. [A] [B] [C] [D]

9. [A] [B] [C] [D] 34. [A] [B] [C] [D]

10. [A] [B] [C] [D] 35. [A] [B] [C] [D]

11. [A] [B] [C] [D] 36. [A] [B] [C] [D]

12. [A] [B] [C] [D] 37. [A] [B] [C] [D]

13. [A] [B] [C] [D] 38. [A] [B] [C] [D]

14. [A] [B] [C] [D] 39. [A] [B] [C] [D]

15. [A] [B] [C] [D] 40. [A] [B] [C] [D]

16. [A] [B] [C] [D] 41. [A] [B] [C] [D]

17. [A] [B] [C] [D] 42. [A] [B] [C] [D]

18. [A] [B] [C] [D] 43. [A] [B] [C] [D]

19. [A] [B] [C] [D] 44. [A] [B] [C] [D]

20. [A] [B] [C] [D] 45. [A] [B] [C] [D]

21. [A] [B] [C] [D] 46. [A] [B] [C] [D]

22. [A] [B] [C] [D] 47. [A] [B] [C] [D]

23. [A] [B] [C] [D] 48. [A] [B] [C] [D]

24. [A] [B] [C] [D] 49. [A] [B] [C] [D]

25. [A] [B] [C] [D] 50. [A] [B] [C] [D]
ISYUNG PANGKAT MINORYA
1. Ang PANGKAT ay tawag sa sector ng lipunan; samantalang ang MINORYA ay maliit na bahagi ng populasyon
na kadalasan ay nakararanas ng diskriminasyon o marginalisasyon.

2. Ang katutubo o minorities ay salitang madalas gamitin, upang ilarawan ang mga pangkat etniko na naninirahan sa
isang lungsod o lugar na samasama.

3. Matatagpuan ang mga pangkat minorya sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at may tinatayang 15 hanggang 20
milyong Indigenous Peoples na kabilang sa 210 grupo ng ethno-linguistic.

4. Ang mga Pangkat Minoryang ito ay pangunahing nakatuon sa Mindanao (67%) at Hilagang Luzon (Cordillera
Administrative Region, 33%) kasama ang ilang mga grupo sa Visayas; na ayon ito sa datos ng United Nations
Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, isang organisasyong nagsusulong na itaguyod at protektahan
ang mga karapatan ng mga katutubong mamamayan.

5. Hindi maikakaila ang ambag ng mga katutubo sa ating kultura at tradisyon ; isa na rito ang sistema ng paglikha ng
mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces dahil sa natatanging istruktura nito, mga ipinamanang kasuotan na
sumasalamin sa sinaunang kultura, at marami pang iba.

6. Ayon sa pananaliksik ng United Nations Development Program noong Marso, isang organisasyong sumusuporta
sa kaunlaran ng bansa’t pagtupad ng Millennium Development Goals nito, kadalasa’y mga minorya ang biktima
ng karahasan at benepisyong pampubliko; dahil karamihan sa kanila’y nakatira sa malalayong lugar na hindi
gaanong abot ng kabihasnan.

7. Ayon sa Human Rights Watch Organization , isang organisasyon na naglalayong palawakin ang mga minorya,
marami ang nakasaksi sa pagpatay ng mga hinihinalang paramilitar sa mga Lumad; sinundan pa ng madugong
pagtugon ng kapulisan sa protestang ginanap ng mga katutubo sa harap ng embahada ng Amerika at marami
pang iba.

8. Republic Act 8317 o Indigenous People Rights Act; ay naglalayong protektahan at imulat sa modernong mundo
ang mga katutubo at ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan

9. Naninirahan sa mga lalawigan ng Ifugao at Benguet ang mga Ifugao. Sila ay matatalino at matitiyaga,
pinatunayan ito ng kanilang nilikhang pay-to o ang hagdan-hagdang palayan sa Banaue.

10. Matatagpuan sa Abra, Benguet, Ifugao, at Mountain Province ang mga Bontoc. Mahalaga sa kanila ang
edukasyon, maarami sa kanila ang pansamantalang lumilisan upang mag-aral.

11. Hanggang sa ngayon ang mga Kankanai na kalalakihan ay nakabahag; samantalang ang mga babae ay
nagsusuot ng palingay o tapis at kaba o blusa.

12. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang katapangan . Ang kanilang mga ninuno ay handang pumatay para sa
ikararangal ng kanilang tribu, pinupugutan nila ng ulo ang kanilang mga kaaway.

13. Matatagpuan sa Benguet at Mountain Province ang mga Kalinga. Kapuna-puna ang kanilang makukulay na mga
kasuotan.

14. Sa Timog Benguet at Mountain Province naninirahan ang mga Inibaloi o Ibaloi. Sila ay may matibay na
pananampalataya sa mga espiritu.

15. Ang mga Isneg ay tahimik at magagalang. Ang kanilang pisikal na kaanyuan ay tulad ng isang Indones.

16. Matatagpuan ang mga Ita o Baluta sa mga bundok ng Zambales at Sierra Madre. Nasa itaas ng mga puno ang
kanilang mga bahay upang mapangalagaan ang kanilang sarili sa mga mababangis na hayop sa gubat.

17. Sa Palanan, Isabela naman naninirahan ang mga Agta. Ang kanilang mga bahay ay matatagpuan malapit sa
baybayin na tinatawag nila itong lean-to na hugis Kwadrado.
18. Ang mga Ati Negros at Ati Panay ay tinagurian silang mga Pintados dahil sa mga tattoo nila sa katawan.
Kapuna-puna rin ang agara nilang pamumugot ng ulo kapag may nagawa o nakagawa sa kanila ng kasalanan.

19. Ang mga Mangyan ay Lubhang kahanga-hanga dahil sa angkin nilang talino . May sarili silang alpabeto na
hanggang ngayon ay kanila pa ring ginagamit, ang kanilang mga akda ay nakaukit sa mga kawayan.

20. Ang mga Tausug ay labis ang kanilang pagpapahalaga sa katayuang panlipunan . Kung kaya mahalaga sa kanila
ang edukasyon at lubos ang kanilang pagmamalaki sa kanilang mga tradisyon.

21. Ang mga Maranao ay palay ang pangunahin nilang produkto, mula rito, gumagawa sila ng alak . Gayun din sila ay
masining at malikhain din sila kahanga-hanga ang mga disenyong ukit nila sa kahoy at maging ang mga gamit na
yari sa tanso at pilak, mahuhusay silang maghabi, lalung-lalo na ng mga makukulay na malong.

22. Ang mga Badjao ay kilala bilang mga Marinong dagat o Sea Gypsies. Pangingisda at paninisid ng perlas ang
pangunahin nilang gawain dahil dito, tinawag din silang tao ng agos.

23. Ang mga T'boli ay maayos sa kanilang sarili at sa tahanan . Marami silang kaalaman sa pagpapaganda gaya ng
pagpupulbos ng apog sa pisngi at pagpapapula ng labi sa pamarnagitan ng isang uri ng bunga, mahilig din silang
magsuot ng hikaw, singsing at pulseras sa braso.

24. Nabibilang sa Pangkat Etniko sa Luzon ang mga Ifugao, Aeta, Tingguan, Tagbanua, Kalinga, Ivatan, Gaddang,
Kankana-ey, Ilongot, Ibaloi, Isneg at iba pa. Samantalang sa Mindanao ay nabibilang ang mga pangkat etnikong
Maranao, T’boli, Tausug, Badjao, Cuyunon, Bagobo, Yakan, Subanon at iba pa.

25. Kahit na napakaraming pangkat etniko dito sa Pilipinas na iba iba ang pinagmulan, pananalita at maging pisikal
na kaanyuan; ay maituturing parin na tayo ay iisang LAHING PILIPINO.

ISYUNG PANGMIGRASYON
26. Nang dahil sa nagbabadya ang malakas na pagputok ng bulkang Mayon sa Albay ay napilitang lumipat ng tirahan
sa Maynila ang pamilya nina Aling Marta ang sitwasyong ito ay PUSH FACTOR; Kaugnay nito ay naging
maganda ang kapalaran ng pamilya ni Aling Marta sa Maynila nagkaroon silang mag-asawa ng magandang
trabaho at kabuhayan kung kaya sila’y nagdesisyong huwag ng bumalik sa Albay ang sitwasyon namang ito ay
PULL FACTOR.

27. Si Joy ay nagtapos ng pagiging Nurse, noong una ay nais niyang makapaglingkod sa kanyang sariling bansa
ngunit dahil sa kakulangan ng oportunidad nang isang nurse sa kanyang bansa ay napilitan siyang mangibang
bansa at magtrabaho bilang isang Domestic Helper sa bansang Hong Kong na iba sa propesyong natapos niya ang
tawag sa sitwasyong ito ay IRREGULAR MIGRANT; samantalang si Nestor naman ay nagtapos din ng pagiging
isang Nurse at agad niyang nagamit ang kanyang propesyon sa bansang Mongolia ang sitwasyon naman ni Nestor ay
matatawag na TEMPORARY MIGRANT.

28. Ang MIGRASYON ay salik na humihikayat sa tao na mandayuhan sa ibang lugar ; samantalang ang MIGRANTE
ay ang tawag sa taong lumilipat ng lugar.

29. Ang MIGRANT ay mga mamamayang naninirahan sa isang bansa ng pansamantala lang; samantalang ang
IMMIGRANT ay mga mamamayang naninirahan sa isang bansa ng pampermanente.

30. Si Jhong ay nagtapos bilang guro sa Pilipinas ngunit siya ngayon ay naghahanapbuhay sa bansang South Korea
bilang isang Factory Worker, malaki ang sahod at maganda ang kanyang trabaho rito, ang sitwasyong ito ay
tinatawag na BRAIN DRAIN; ngunit lingid sa kaalaman ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya ay nagtapos na
ang palugit ng paninirahan niya sa bansang ito ng mahigit isang buwan gayun din ang kanyang mga dokumento
sa sitwasyon naman niyang ito ay PUSH FACTOR.

31. Ang kasunduang BOLOGNA ACCORD ay naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang
nakapagtapos na kurso sa isang bansa ay madaling matanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man
ay magnanais na lumipat; samantalang ang WASHINGTON ACCORD ay kasunduang napagdesisyunan ng pang
internasyunal sa pagitan ng international accrediting agencies na naglalayon iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa ibat ibang kasaping bansa.

32. Ang mga REGULAR MIGRANTS ay mga nagtutungo sa ibang bansa na may kaukulang permit at papeles upang
magtrabaho at manirahan ng may takdang panahon samantalaang ang mga IRREGULAR MIGRANTS ay mga
nagtutungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit o tinatawag na overstaying sa bansang
pinupuntahan
33. Ang mga PERMANENT MIGRANTS ay mga overseas Filipino na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay
hindi lamang magtrabaho kundi ang permanenteng paninirahan dito; at magiging PERMANENT MIGRANT din
ang isang tao kung siya ay makikipag-asawa sa taong mamamayan ng isang naturang bansang kanyang
pinaglilingkuran.

34. Si Vanessa ay isang MIGRANT na nagtatrabaho sa bansang Dubai bilang isang Sekretarya talagang binibigay
niya ang kanyang makakaya nang sa gayon ay makabalik siyang muli kapag nagtapos na ang kanyang kontrata ,
dahil sa magandang katangian niya ay di inaasahang mahulog sa kanya ang kanyang Boss at gayun din siya,
kung kaya sila’y nagpakakasal, at naging REGULAR MIGRANT na si Vanessa sa bansang Dubai.

35. Nang dahil sa magandang pangako ng agency kay Trina na magkakaroon ng tripleng sahod sa pagiging nurse
sa Bansang Japanay pumayag siyang mangibang bansa (PULL FACTOR) , lingid sa kanyang kaalaman ay hindi
pala siya magiging nurse sa bansang iyon bagkus ay magiging isang babaeng bayaran (PUSH FACTOR).

36. Kaugnay nito ay nais na niyang makabalik sa kanyang bansa ngunit hindi siya makabalik sapagkat itinago ang
kanyang pasaporte at ibinaon rin siya sa utang (FORCED LABOR) kaya kahit labag sa kanyang kagustuhan ay
napipilitan siyang magtrabaho kahit sobra-sobra na sa oras (SLAVERY).

37. Nagtapos si Aldrin ng pagiging Engineer sa bansang Pilipinas at nais niyang magtrabaho sa bansang Japan (OFF
SHORING) ngunit siya ay bumabalik sa Pilipinas sapagkat hindi akma ang taon ng kanyang pag-aaral
kinakailangan niyang mag-aral muli sa bansang nabanggit nang sa gayon ay makapagtrabaho siya ng tuluyan
dito. (BOLOGNA ACCORD).

38. Isang kaugnay na isyu sa katiwalian ang migrasyon. Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng panirahan ng
tao, malimit para sa mas masaganang buhay.

39. Dahilan din ng migrasyon ang pang-aabusong political at ang pagnanais na makabalik sa pinanggalingang bansa.
Sa kabilang banda, ang nilipatang bansa naman ay maaaring makaranas ng paglobo ng populasyon at kawalan
ng hanapbuhay ng lokal na populasyon.

40. Ang migrasyon ay maaaring magdulot ng BRAIN DRAIN ; o pagpapanatili ng propesyunal at skilled na mga
manggagawa mula sa isang larang o bansa na nais niyang pagtrabahuan.

41. Ang migrasyon din ay ang paglilipat ng tao mula sa isang pook ; patungo sa ibang pook upang doon na
manirahan nang panandalian o pangmatagalan.

42. Tumutukoy din ang migrasyon sa proseso ng hindi paglisan mula sa isang lugar o teritoryong political; patungo sa
iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

43. Ayon sa Commission on Filipino Overseas Organization, ay may tinatayang 9.6 milyong mga Pilipino noong
2009 ang naninirahan sa iba’t ibang bansa.

44. Ang mga TNT o Tago Nang Tago ay maituturing na IRREGULAR MIGRANTS; samantalang ang mga immigrant
naman na kinuha ng kanilang mga pamilya ay maituturing na TEMPORARY MIGRANTS.

45. Halos 121 milyong tao ang biktima ng ng forced labor; 111.4 milyon dito ay mga kababaihan at 9.6 milyon naman
ay kalalakihan.

46. Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong indibidwal at mga kompanya, at lagpas sa
10 milyon naman ng mga rebeldeng grupo.

47. Si Capite Patalym ay isang IRREGULAR MIGRANT sa bansang China siya lamang ang inaasahan ng kanyang
pamilya kung kaya napilitan siyang sumanib sa rebeldeng grupo na kung saan ang paglunok ng droga ang
kanyang naging hanap-buhay; kahit na wala siyang kaukulang dukumento siya’y nag-Cross Country at ipinunta
sa Canada upang idala ang drogang nasa loob niya ang tawag kay Capite Patalym habang siya’y nasa Canada
ay isang TEMPORARY MIGRANT.

48. Ang pasaporte na ngayon sa bansang Pilipinas ay pwede nang gamitin sa loob ng sampung taon, at sapat na ito
upang makapunta ka sa mga bansang nais mong puntahan basta’t hindi pa lumipas ang pagkabalido nito.
49. Sa mga biktima ng IRREGULAR MIGRANTS; ay tinatayang mayroong 4.5 milyon na biktima ng eksploytasyong
Sekswal.

50. Ayon sa kantang “Walang Natira” Ang liriko nitong “Lupa kong sinilangan ang pangalan ay Pinas”, “ Ngunit bakit
parang puno na ang prutas ay pitas” ; ay nangangahulugang mas pinipili na nang mga mamamayang Pilipino ang
maghanap buhay sa ibang bansa.

You might also like