You are on page 1of 6

Ang bahay na ito ay matatagpuan sa Brgy.

San Roque, Alaminos City, Pangasinan na


pagmamay ari ng pamilya Garcia. Nakapanayam ko si lola Lolita Biguas, siya ay
animnaput anim (66) na taong gulang. Sabi ni nanay, ang bahay ay itinayo taong 1952.
Ito ay itinayo ng kanilang magulang bago palang sila ipinanganak kaya si lola at ang
kanyang anim (6) na kapatid ay dito na din isinilang at sabay sabay nang lumaki. Araw-
araw makikita at maririnig mo sa bahay na ito ang tawanan at kwentuhan ng buong
pamilya. Ibinahagi ni lola ang masasayang karanasan at ala-ala nila kasama ang
kanyang mga kapatid at magulang sa bahay na ito.
Tuwing hapon, noong sila’y bata pa, ang magkakapatid ay palaging gumagawi sa harap
ng kanilang bahay upang maglaro ng patintero at habulan. Pagsapit ng ikalima ng
hapon, makikitang papasok sa bakuran ang kanilang ama na galing sa trabaho at
maririnig na din nila ang tawag ng kanilang ina upang utusan na silang maglinis ng
kanilang mga katawan at para sabay na ring kumain.
Ang mag-anak ay masayang-masaya at simpleng namumuhay ng payapa. Sabi ni lola
Lolita, sila ay kontento at masaya na noon kung ano ang meron sila at kung ano ang
nakahain sa kanilang hapag-kainan.
Nabanggit din ni lola na dito nila inalagaan ang kanilang ama at ina noong sila’y nag
kasakit at sa kasawiang palad, sila ay dito na din namalaam.
Pagsapit ng edad dalawaput- apat (24) ni lola Lolita, siya ay nakapag asawa at lumipat
na din ng tirahan, gayundin ang kanyang anim (6) na kapatid.
Kasalukuyang naninirahan rito ang kanilang panganay na kapatid na si lolo Wilfredo
Garcia, 70 taong gulang kasama ang kaniyang asawa na si lola Salome Garcia at isang
anak na si Joseph Garcia na 38 taong gulang na.
Kaya patuloy pa din na nalalagyan ang bahay na ito ng ibat ibang ala-ala.
Kwento ni lola Lolita, saksi ang bahay na ito sa mga ibat ibang uri ng kalamidad tulad
ng bagyo at lindol kaya makikita natin sa litrato na ito ay sobrang luma na at malapit ng
masira. Dahil na din sa kalumaan, ito’y rumurupok at inaanay na.
Nabanggit din ni lola na ang kanilang dating bahay ay isa sa mga matagal ng nakatayo
sa kanilang barangay dahil ang iba ay naayos at napaganda na.
Minsan, nagkakaroon ng pagkakataong nag kikita-kita ang pitong magkakapatid upang
dito matulog.
Sila ay sobrang saya tuwing pinagmamasdan nila ang kanilang dating bahay. Hindi
malilimutan ng magkakapatid ang lahat ng ala-ala ng kanilang pamilya kasama ang
lumang bahay na ito. Kanila daw itong pangangalagaan at mamahalin hanggang silay
nabubuhay pa.

You might also like