You are on page 1of 1

Sa Aking Mga Kababata ni Dr.

Jose Rizal repleksyong journal

Sa akdang ito ni Rizal ay ipinakita ang pagmamahal sa sariling wika. Isinaad rin dito ni Rizal na
ang bawat wika ay pare-pareho lamang at ako ay lubos na sumasangayon dito. Ang kapansin
pansing hambingan sa tulang ito ay ang paggamit ni Rizal ng ibon sa kalayaan. Kung ang ibon
nga naman ay ikinulong, gugustuhin nitong lumaya dahil noon ito ay malaya, tulad ng bayan na
dating malaya na noong panahong iyon ay kinokontrol ng mga dayuhan. Mapapansin din na
sinasabi ni Rizal na ang wikang Tagalog ay kapantay din ng iba't ibang wika. Dahil ito ay ibinigay
sa atin ng Diyos, tulad ng sinabi na ang lahat ng tao at bagay ay magkakapantay dahil ito ay
ginawa ng Diyos. At dahil ginawa ito ng Diyos na malaya, dapat ito ay malaya at walang sinuman
ang may karapatang manghari o mag angkin nito kundi ang Diyos lamang. Sa ganito ding edad,
makikita ang pagmamahal ni Rizal sa bayan, sa pagsabi pa lamang na "Ang hindi magmahal sa
kanyang salita, mahigit pa sa hayop at malansang isda," sa murang edad niyang ito, nandoon na
ang pagiging makabayan niya.

Makikita rin sa tula ang pagtutugma-tugma ng huling pantig ng mga taludtod na hindi pilit ang
pagpapantig at hindi rn pilit ang pagtutugmaan. Sa kasalukuyang panahon, maisasabuhay ang
mga mensahe ng mg akdasa buhay sa paraan na laging tandaan ang mga ito at gawing
inspirasiyon sa pang-araw araw na buhay. Ang isa sa mga pwedeng maisabuhay sa mga
natutunan ay dahil sa mga akda ni Rizal ay ang maging makabayan. Ang ating bayan ay siyang
tanging lugar kung saan tayo magiging kung sino tayo, kung saan nabibilang ang ating pagkatao,
hindi ko tinutukoy na hindi tayo magiging Pilipino sa ibang bansa, bagkus ay ang Pilipinas ang
s’yang tahanan ng Pilipino at kahit saan tayo makarating ay dadalhin ng ating ngalan ang ngalan
ng ating bansa at ang kalagayan nito. Tulad ng wika natin. Ang wika natin na siya dapat nating
tangkilikin at igalang.

Tayo lamang ang bansa na gumagamit ng tagalog at dapat itong ipagmalaki.At pinaka-
importante sa lahat, dapat ay bigyan natin ng halaga ang ating buhay dahil sa kalagayan na tayo
ay maswerte na kumpara sa kalagayan ng mga Pilipino dati. Tayo ay maswerte na dahil sa
panahon ngayon, hindi na tayo inaapi, inuulila at hindi na tayo nasa ilalim ng mga Kastila. Tayo
ay nasa ilalim ng mabuting gobyerno at dapat rin ay magingb masaya tayo dahil sumusunod
tayo sa demokrasiya. Kaya’t gamitin nating inspirasyon ang akdang ito ni Rizal sa pagpapakota
ng pagmamahal sa bayan at wikang meron tayo.

You might also like