You are on page 1of 1

Ang Huling Timawa

Ang Ang Huling Timawa (1936) ay umiinog sa pakikibaka ng isang pamayanan upang lumaya
sa di-makatarungang sistema ng kasike at bulok na pamamalakad sa pamahalaan. Inilahad sa
nobela ang napipintong pag-aaklas ng pangkat ng Kolorum na nasa kabundukan ng Baritan.

Si Mateo de la Cruz ang pinuno, na itinangging inihahasik ng kaniyang pangkat ang kaguluhan,
bagkus nagsisikap lamang na pabutihin ang kalagayan ng mga magsasaka. Kalaban ng pangkat
niya ang gaya nina Braulio de los Santos at Don Procopio, na pawang naghahasik ng lagim sa
pamamagitan ng mga armadong bataan. Tinangkilik naman ng mga tao ang Kolorum, at
kabilang dito si de la Cruz na mula sa angkan ng panginoong maylupa.

Si Ricardo Pilares na matapang na editor at mamamahayag. Si Jose Romero na estudyante sa


unibersidad at si Tenyente Ventura na nagsikap na unawain ang kalagayan ng mga magsasaka
at kasama.

Itatampok sa nobela ang pag-iibigan nina Jose Romero at Adela, na anak ni de los Santos.
Magtatagumpay ang pangkat sa kanilang pakikibaka, at magwawakas ang nobela sa
pagpapanibago ng kanilang pamayanan at pagbabagong-loob ng kasike.

Ang buod ng maikling halimbawa ng nobela ay mula sa worthpoint.com.

You might also like