You are on page 1of 40

Modyul sa SINING

ELEMENTARYA
Unang Markahan 3
MAPEH – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Writers: PAULINA A. LACBONGAN


Teacher II, Pilar Village Elementary School
MEDARDO E. DILIG
Master Teacher II, Pilar Village Elementary School
Validators/Consolidators:
ALEX G. CORPORAL
Master Teacher I, CAA Elementary School
GEORGEN G, AGBAY
Master Teacher I, Almanza Elementary School
NILO MAGADA II
Master Teacher I, Camella Elementary School
Mildred T. Tuble- PSDS Elementary MAPEH
3

SINING
Unang Markahan

1
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH 3 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Araling Sining.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-


aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,


makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan

2
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob
sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MAPEH 3 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Sining.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.

3
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

4
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

5
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

6
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


maunawaan ang mga uri ng linya at iba pang gamit sa pagguguhit.

• Aralin 1– Iba’t ibang Laki ng Tao sa Larawan


• Aralin 2– Ilusyon ng Espasyo
• Aralin 3 – Teksturang Biswal
• Aralin 4 – Pagguhit ng Tanawin
• Aralin 5 – Tekstura at Hugis
• Aralin 6 – Pagguhit ng Disenyong Geometric
• Aralin 7 – Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali

Matapos ang mga aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikita ang pagkakaiba – iba ng laki ng mga tao sa larawan
upang malaman ang distansiya sa tumitingin.
2. Naipakikita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga bagay
at mga tao na may iba’t ibang laki o sukat.
3. Napahahalagahan na ang isang pintor ay nakalikha ng
teksturang biswal gamit ang mga linya, tuldok, at kulay upang
bigyang buhay ang kaniyang likhang sining.
4. Nasasabi na sa isang larawan ng tanawin, ang harapang
bahagi ang pinakamalapit: ang mga bagay na kasunod nito
ang gitnang bahagi, at ang bahagig likuran ang pinakamalayo.

7
5. Nakaguguhit ng halaman, bulaklak, o puno na nagpapakilala
ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat bahagi gamit ang
lapis o itim na krayola o bolpen.
6. Nakalilikha ng disenyong geometric sa pamamagitan ng
paggamit ng dalawang uri ng linya ayon sa katangian ng mga
ito
7. Nakaguguhit ng larawan ng makasaysayang bahay o gusali
gamit ang foreground, middle ground at background.

Subukin

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1. Ang linya ay may dalawang uri, Ito ay ang at


A. tuwid at pakurba C. Tuldok at putol- putol
B. Makapal at manipis D. Pataas at pahilis
2. Ito ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng pagiging
malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay.
A. Geometric C. Still life Drawing
B. Balance D. Pointillism
3. Sa pagguhit, mahalaga ang , dahil ito ay
naipapakita sa larawan sa pagkakaroon ng harap, gitnang
bahagi, at likuran ng larawan.
A. Linya C.Background
B. Balance D. Geometric

8
4. Ito ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na iyong nakikita
sa paligid.
A. Tekstura C. Pointillism
B. Still life drawing D. Sketching
5. Ito ay tinatawag na bahaging likuran ng isang larawan.
A. Background C. Foreground
B. Middle Ground D. Pointillism

9
Iba’t-ibang Laki ng Tao sa Larawan
Aralin

1 Competency: Distinguishes the size of persons in the


drawing, to indicate its distance from the viewer.

Balikan

Sa araling ito ay matutuhan mo ang iba’t ibang laki ng tao sa


larawan, upang malaman ang distansiya nito sa tumitingin.

Tuklasin

Pagmasdan ang larawan.

10
1. Ano-ano ang nakikita sa larawan?
2. Magkakapareho ba ang laki ng tao sa larawan?
3. Bakit hindi magkakatulad ang laki ng tao sa larawan?

Suriin

Ang laki ng mga tao ay magkakaiba. Ipinakikita nito ang


distansiya ng tumitingin. Maliit tingnan kung ito ay malayo sa
tumitingin at malaki naman kung ito ay malapit.
Sa pagguhit ng tao sa larawan nararapat na tandaan lamang
ang layo o lapit ng taong tumitingin.
1. Iguhit nang malaki ang larawan ng tao kapag ito ay malapit
sa tumitingin.
2. Iginuguhit nang maliit ang larawan ng tao kapag ito ay
malayo sa tumitingin.

11
Pagyamanin
Panuto: Iguhit muli ang larawang nasa ibaba. Ulitin ito
nang papalayo sa iyo.

Isaisip
Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay iginuguhit
nang malaki at maliit naman kung ito ay malayo.

12
Isagawa
Panuto: Lagyan ng (/) ang patlang sa bawat bilang kung ang
larawan ay nagpapakita ng laki ng tao at (X) naman kung hindi.

1. 2.

3. 4.

________5.

Sanggunian
➢ Music. Art, Physical Education and Health (MAPEH 3) pahina 112-
115
➢ https://aralinnatin.com/wpcontent/uploads/2020/08/arts3_q1_
mod1_ibatibanglakingtao_FINAL07182020.pdf
➢ https://www.youtube.com/watch?v=-ZOkMbEBIPE

13
Ilusyon ng Espasyo
Aralin
2 Competency:
• Shows the illusion of space in drawing the
objects and persons in different sizes.

Balikan
Paano iginuguhit ang iba’t ibang laki ng tao sa larawan batay
sa layo ng tumitingin?

Tuklasin

Pagmasdan ang larawan.

1. Ano ang nakikita sa larawan?


2. Ilarawan ang laki ng tao sa larawan?
3. Bakit malaki at maliit ang tao sa larawan

14
Suriin
Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o
teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansiya, lalim, at
lawak sa kaniyang likhang-sining. Kung malayo sa tumitingin ang
isang bagay, maliit itong tingnan. Malaki naman kung ito’y
malapit sa tumitingin.
Pagyamanin
Lagyan ng (/) ang patlang sa bawat bilang kung ang
larawan ay nagpapakita ng ilusyon ng espasyo at (X) naman
kung hindi nagpapakita ng ilusyon ng espasyo.

______1. _____2.

______3. ______4.

______5.

15
Isaisip

Ilusyon ng espasyo ay isang paraan o teknik ng pintor


upang maging makahulugan ang isang likhang sining. At
ipinapakita ang layo o distansiya, lalim at lawak sa kaniyang
likhang sining.
Sa pagguhit, kailangang maiguhit nang malaki ang mga
bagay na malapit sa tumitingin at maliit naman kung ang ito ay
malayo sa tumitingin.

Isagawa

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI sa sagutang papel.


____1. Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o teknik
ng pintor upang ipakita ang layo o distansya.
____2. Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay iginuguhit nang
malaki at maliit naman kung ito ay malayo.
_____3. Sa pagguhit ng tao, maliit tingnan kung ito ay malayo sa
tumitingin at maliit naman kung ito ay malapit.
_____4. Ginagamit ng isang pintor ang ilusyon ng espasyo upang
ipakita ang kahulugan ng isang larawan.
_____5. Sa paggamit ng ilusyon ng espasyo, tiyaking maiguhit nang
mas malaki ang mga bagay na malapit sa tumutingin kaysa sa
mga bagay na malayo sa tumitingin.
Sanggunian
Music. Art, physical education and health (MAPEH 3) pahina 116- 120

16
Aralin Teksturang Biswal
Competency: Explains that artist create visual textures
3
by using a variety of lines and colors.

Balikan

Ano ang isang paraan o teknik ng pintor upang ipakita ang layo
o distansiya, ilalim at lawak sa kaniyang likhang-sining?

Tuklasin

Pagmasdan ang larawan.

1. Ano ang napapansin sa larawan?


2. Anong prutas ang nasa larawan?
3. Ano ang tawag sa paraan ng pagguguhit ito?

17
Suriin
Ang still life drawing ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng
pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay.
Nakalilikha ang isang pintor ng teksturang biswal gamit ang cross
hatch lines at pointillism upang maging makatotohanan ang tekstura
ng kaniyang likhang-sining. Ang cross hatch lines ay tanda ng dalawa
o higit pang intersecting parallel lines. Ang pointillism naman ay ang
paglalagay ng maliliit na tuldok upang makabuo ng larawan.

Pagyamanin
Gumuhit ng isang bagay gamit ang pointillism at cross hatch
lines. Gawing batayan ang rubriks.

RUBRIK SA PAGGUHIT
Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod Hindi
pamantayan sa nakasunod
nang higit sa pamantayan sa
inaasahan subalit may Pamantayan
(3) ilang (1)
pagkukulang
(2)
1.Nakagawa ng
orihinal na disenyo.
2.Naipahayag ang
kaisipan at
damdamin sa
pagguhit.
3. Naipakita ang
pagiging
malikhain.

18
Isaisip
➢ Ang Teksturang Biswal ay mapapansin lamang sa
pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay. Hindi ito
nahihipo o nararamdaman.
➢ Ang Still life drawing ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng
pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang
buhay.
➢ Ang Cross hatch lines ay mga tanda ng dalawa o higit pang
intersecting parallel lines.
➢ Ang Pointillism naman ay ang paglalagay ng maliliit na tuldok
upang makabuo ng larawan.

Isagawa
Panuto: Piliin ang mga salitang nasa itaas at isulat ito sa mga
tamang kahon.

Pointillism Texturang Biswal Still Life Drawing


Intersecting Parallel Lines Cross Hatch Lines

1.

2.

3.

19
4.

5.

Sanggunian

➢ Music. Art, Physical Education and Health (MAPEH 3) pahina 123-


126

20
Pagguhit ng Tanawin
Aralin
4 Competency: Discusses what foreground, middle
ground, and background, are all about in the context
of a landscape.

Balikan

Sagutan:
1. Ano ang tawag sa paraan ng ng pagpapakita ng pagiging
malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay?
2. Ano ang tawag sa tanda ng dalawa o higit pang intersecting
parallel lines?
3. Ano naman ang tawag sa paglalagay ng maliliit na tuldok
upang makabuo ng larawan?

Tuklasin

Pagmasdan ang larawan.

1. Ano ang napapansin sa larawan?

21
2. Saan ang unang bahagi ng larawan? Ito ba ay malaki o maliit
tingnan?

3. Ano ang tawag natin sa bahaging maliit ang nakikita?


4. Bakit may maliit at malaking bahagi ng bagay ang nakikita sa
larawan?
5. Ano ang tawag sa pagpapakikita ng larawan sa pagkakaroon
ng harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan?

Suriin

Napalalaki o napaliliit ng isang pintor ang mga bagay sa


larawan ayon sa kanilang kinalalagyan o layo sa tumitingin.
Ang mga bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin ay
malalaki samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang dahil
malayo ito sa lugar ng tumitingin. Ang iba pang mga bagay ay nasa
pagitan ng harapan at likuran.
Ang balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng
harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.

22
Pagyamanin
Panuto: Isulat ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng
larawan.

Isaisip
Ang Balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng
harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.
Ang mga bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin
ay malalaki samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang
dahil malayo ito sa lugar ng tumitingin.
Ang Foreground ay ang unahang bahagi ng larawan.
Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay
dito ay mukhang malaki.
Ang Background naman ay ang bahaging likuran ng isang
larawan.
Ang Middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground
at background ng tanawin.

23
Isagawa
Panuto: Gawin ang mga sumusunod sa isang bondpaper.
Gawin batayan ang rubriks sa pagguhit.
1. Isipin ang magandang tanawin sa inyong lugar na nais mong
iguhit.
2. Pag-isipan kung ano-ano ang mga bagay na dapat mong
isama sa iyong iguguhit.
3. Iguhit ang tanawin na nagpapakita ng harapan, gitna, at
likuran.
4. Iayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang
balance na kaayusan ng larawan.
5. Kulayan ang iyong iguguhit at lagyan ito ng pamagat.

RUBRIK SA PAGGUHIT
Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may Pamantayan
inaasahan ilang (1)
(3) pagkukulang
(2)
1.Nakagawa ng
orihinal na disenyo.
2.Naipahayag ang
kaisipan at
damdamin sa
pagguhit.
3. Naipakita ang
pagiging malikhain
Sanggunian
➢ Music. Art, Physical Education and Health (MAPEH 3) pahina 127-
129

24
Aralin Disenyong Geometric
5 Competency: Creates a geometric design by contrasting
two kinds of lines in terms of type or size.

Balikan

Napag-aralan natin ang tungkol sa pagguhit ng isang tanawin.


1. Bakit may maliit at malaking bahagi ng bagay ang nakikita sa
larawan ng isang tanawin?
2. Ano ang tawag sa pagpapakikita ng larawan sa pagkakaroon
ng harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan?

Tuklasin
Pagmasdan ang larawan.

1. Ano–ano ang mga nakikita sa larawan?


2. Anong mga linya ang ginamit sa larawan?

25
Suriin

Ang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na pinagkabit


o pinag-ugnay. May dalawang uri ng linya, tuwid at pakurba. Ang
tuwid na linya ay maaaring pahiga, pataas, pahilis, at putol-putol.
Ang pakurbang linya ay maaaring paalon-alon at paikot. Ang isang
linya ay maaaring makapal, manipis, malawak, at makitid.
Ang mga disenyong geometric ay mula sa simpleng hugis na
parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya.

Tingnan ang larawan sa Tuklasin.


1. Ano ang dalawang uri ng linya?
2. Ano ang tawag sa nagsimula sa simpleng hugis na parihaba,
tatsulok, bilog, at tuwid na linya?
3. Paano nagsisimula ang linya?

Pagyamanin
Gumuhit ng limang (5) bagay gamit ang dalawang uri ng linya
sa isang malinis na bondpaper. Gawing batayan ang rubriks sa
pagguhit.

RUBRIK SA PAGGUHIT
Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan pamantayan nakasunod
nang higit sa subalit may sa
inaasahan ilang Pamantayan
(3) pagkukulang (1)
(2)
1.Nakagawa ng orihinal
na disenyo.
2.Naipahayag ang
kaisipan at damdamin
sa pagguhit.
3. Naipakita ang
pagiging malikhain.
26
Isaisip

Ang Linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na


pinagkabit o pinag-ugnay. At ang isang linya ay maaaring
makapal, manipis, at malawak.
Dalawang uri ng linya:
• Tuwid na linya ay maaaring pahiga, pataas, pahilis, at
putol-putol.
• Pakurbang linya ay maaaring paalon-alon at paikot.
Disenyong Geometric ay mula sa simpleng hugis na
parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya.

Isagawa
Panuto: Pag-aralan ang mga hugis sa larawan.
Kulayan ng PULA ang mga hugis na ginamitan ng pakurbang
linya at DILAW naman sa hugis na ginamitan ng tuwid na linya.

Sanggunian

➢ Music. Art, Physical Education and Health (MAPEH 3) pahina 112-


115.

27
Aralin Tekstura at Hugis
Competency: Sketches on-the-spot outside or near
the school to draw a plant, flowers or a tree showing
6 the different textures and shape of each part, using
only a pencil or black crayon or ballpen.

Balikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang dalawang uri ng linya?
2. Paano nagsisimula ang isang linya?
3. Ano ang tawag sa nagsimula sa simpleng hugis na
parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya.?

Tuklasin
Pagmasdan ang larawan.

1. Ano ang napansin sa larawan?


2. Paano iginuhit ang nasa larawan?
3. Ano ang tawag sa isang elemento ng sining na naglalarawan
ng bagay at tao ayon sa kaniyang katangiang pisikal?
4. Ano ang tawag sa mabilis na pagtatala ng mga bagay na
iyong nakikita sa paligid at hindi kongkretong likhang sining?

28
Suriin
Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na iyong
nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay kadalasang simple ngunit
maganda. Samantalang ang pagpipinta o drawing ay kalimitang
tapos at nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o paksa at
nangangailangan ng maraming biswal na detalye.
Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis ay mahalaga.
Ang tekstura ay isang elemento ng sining na naglalarawan ng bagay
at tao ayon sa kaniyang katangiang pisikal. Ang hugis naman ay
naglalarawan sa pisikal na porma ng isang bagay.

Pagyamanin

Panuto: Bilugan ang larawan kung ito ay ginamitan ng


sketching.

1. 2. 3.

29
4. 5.

Isaisip
Ang Sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na
iyong nakikita sa paligid at hindi kongkretong likhang-sining. Ito
ay nagsisilbing gabay ng isang pintor para makabuo ng isang
kongkretong likhang-sining.
Ang Tekstura ay isang elemento ng sining na naglalarawan
ng bagay at tao ayon sa kaniyang katangiang pisikal.
Ang hugis ay naglalarawan sa pisikal na porma ng isang
bagay.

Isagawa
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salita.

1. s t c h i n g k e =
2. s t u t a r e k =
3. g u i s h =
4. w r i n d g a =
5. k k o r e t o n g =

Sanggunian
➢ Music. Art, Physical Education and Health (MAPEH 3) pahina 130-
132

30
Pagguhit ng mga Makasaysayang
Aralin Bahay at Gusali
7 Competency: Designs a view of the province/region with
houses and buildings indicating the foreground middle
ground and background by the size of the objects

Balikan

Batay sa napag-aralan noong nakaraang araw,


1. Ano ang tawag sa paraan ng pagpapakita ng pagiging
malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay?
2. Ano ang tawag sa tanda ng dalawa o higit pang intersecting
parallel lines?
3. Ano naman ang tawag sa paglalagay ng maliliit na tuldok
upang makabuo ng larawan?
Tuklasin
Pagmasdan ang larawan.

1. Ano ang napapansin sa larawan?


2. Bakit mayrong malaking larawan na makikita sa larawan?
At mayroong ding maliit?

31
Suriin

Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis sa


pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan ang
paggamit ng foreground, middle ground, at background. Ang
foreground ay ang unahang bahagi ng larawan. Malapit ito sa
tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay mukhang
malaki. Ang background naman ay ang bahaging likuran ng isang
larawan. Ang middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground at
background ng tanawin.

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung foreground, middle ground,


o background ang itinuturo sa larawan. Isulat sa loob ng kahon ang
sagot.

1.

2.

3.

32
Isaisip

Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t-ibang uri ng linya at


hugis sa pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding
tandaan ang pagguhit ng foreground, middle ground, at
background.
Ang Foreground ay ang unahang bahagi ng larawan.
Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay
dito ay mukhang malaki.
Ang Background naman ay ang bahaging likuran ng isang
larawan.
Ang Middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground
at background ng tanawin.

Isagawa

Panuto: Hanapin at bilugan ang mga sumusunod na salita na


nasa loob ng kahon.

Middle Ground Hugis Background


Foreground Linya

33
Sanggunian

➢ Music. Art, Physical Education and Health (MAPEH 3) pahina 133-


136
➢ En. Wikipedia. Org;Stell-arnaldo.blogspot.com;rizalprovince.php

34
Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng linya, maaring ito ay palon alon at paikot.


A. Tuwid na linya C. Pakurbang linya
B. Pointillism D. Makapal na linya

2. Sa ilusyon ng espasyo, kung ang tumitingin ay malayo ang


isang bagay ay tingnan.
A. makapal C. malaki
B. maliit D. manipis

3. Ito ay ang paglalagay ng maliliit na tuldok upang mabuo ang


larawan.
A. Pointillism C. Cross hatch lines
B. Itersecting lines D. Sketch

4. Ito ay isang elemento ng sining na naglalarawan ng bagay at


tao ayon sa kaniyang katangiang pisikal.
A. Balance C.Linya
B. Hugis D.Tekstura

5. Ano ang tawag sa pagitan ng foreground at background?


A. Middle ground C. Background
B. Foreground D. Balance

35
36
ISAGAWA
1. Cross Hatch Lines
2. Pointillism
3. Intersecting Parallel Lines
4. Still Life Drawing
5. Texturang Biswal
Aralin 3
PAGYAMANIN ISAGAWA
1. / 1. TAMA
2. X 2. TAMA
3. / 3. MALI
4. X 4. TAMA
5. X 5. TAMA
Aralin 2
ISAGAWA
1. /
2. X
3. /
4. /
5. x
Aralin 1
SUBUKIN
1. A
2. C
3. B
4. D
5. A
Susi sa Pagwawasto
37
ISAGAWA
PAGYAMANIN
1. Sketching
2. Tekstura
3. Hugis
4. Drawing
5. kongkreto
Aralin 6
Aralin 5
PAGYAMANIN
1. Likurang bahagi
2. Harapan
3. gitna
Aralin 4
38
TAYAHIN
1. C
2. B
3. A
4. D
5. A
Tayahin
PAGYAMANIN
1. Back ground
2. Middle Ground
3. Foreground
Aralin 7

You might also like