You are on page 1of 6

1

Epekto ng Panloob na
Hangin sa Kalusugan ng
mga Tao
Learner’s Module in Health 1
Quarter 3 ● Module 2

LIZA CLAIRE B. BANSON


Developer

EDEN NOREEN S. NGAOSI


Redeveloped for DepEd LMS
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Subukin
Panuto: Lagyan ng ( ✔ ) ang patlang kung ang
pangungusap ay tama at ekis (X) kung ang
pangungusap ay mali.

_____ 1. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay tungkulin ng


bawat isa.
_____ 2. Ang polusyon sa panloob na hangin sa bahay ay
maaaring maging sanhi ng mga seryosong
karamdaman.
_____ 3. Ang usok ng sigarilyo ay isang sanhi ng polusyon
sa panloob na hangin sa tahanan.
_____ 4. Upang mapanatiling malinis ang panloob na
hangin,maglagay ng maraming basura sa tahanan.
_____ 5. Hindi ligtas ang paligid ng tahanan kung palaging
may nag-aaway.

Suriin

Kailangan mo ang tubig,ilaw,pagkain at hangin upang mapanatiling


malusog ang katawan. Napakahalaga rin ang pagkakaroon ng malinis na
hangin upang huminga. Ang hangin ay kombinasyon ng mga hindi
nakikita at hindi naamoy na mga gas na nasa paligid natin. Tayo ay luma-
langhap ng hangin. Ginagamit din ito ng mga halaman upang mabuhay at
gawin ang kanilang mga tungkulin. Ang isa sa pinamalaking pag-aalala
ay ang kalidad ng panloob na hangin o indoor air. Ang mababang kalidad
ng panloob na hangin ay maaaring humantong bilang isang isyu sa
kalusugan.

Sanhi ng Polusyon ng Panloob na Hangin ( Indoor Air )


1. Usok mula sa paninigarilyo

2
2. Sobrang tubig sa hangin o moisture sa lugar

3. Mga bagay na gumagamit ng gas range

4. Mapanganib na home cleaner at disinfectants

5. Alikabok

Ang mga problemang pangkalusugan o


polusyon sa panloob na hangin (indoor air) sa bahay ay nagmumula sa
iba’t ibang mga mapagkukunan.

Bakit kailangan na malinis ang panloob na hangin?


Dahil maaaring magdulot ito ng iba’t ibang sakit tulad ng problema
sa balat, alerdyi, hika o kahit na kanser sa baga.
3
Paano natin mapapanatiling malinis ang panloob na hangin (
indoor air ) sa tahanan?
1. Maglagay ng mga halamang lumilinis ng hangin.
2. Huwag manigarilyo sa loob ng tahanan.
3. Gumamit ng mga produktong maayos para sa kalikasan.
4. Tingnan kung may amag sa bahay.
5. Regular na maglinis sa tahanan.

Ano ano mga paraan upang mapanatiling malusog ang tahanan?

1.Panatilihing tuyo.
2.Panatilihing maayos ang mga kagamitang pambahay.
3.Panatilihing malayang nakakapasok ang hangin.
4.Panatilihing malaya sa mga peste tulad ng daga at ipis.
5.Panatilihing ligtas ang paligid ng tahanan.
6.Panatilihing maayos at maaliwalas.
7.Itabi sa tamang lalagyan/lugar ang mga kagamitan.
8.Maging maingat sa paggamit ng mga kasangkapan at kagamitan sa
lahat ng oras.
Napakasarap manirahan sa malinis at di-kontamina-dong
kapaligiran. Ang nakatambak na basura ay maaaring maging sanhi ng
pagdami ng ipis, daga, at iba pang mga peste na nagdudulot ng sakit.
May magagawa ka pa ba upang malunasan ang sitwasyon? Oo,
panatilihing malinis at masinop ang iyong tahanan at kapaligiran.

Tayahin (Written Works)


Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Maaaring maging sanhi ng maraming karamdaman sa paghinga ang
polusyon sa _________.
a. tubig

4
b. hangin
c. lupa

2. Ang isang sanhi ng polusyon sa panloob na hangin ay


mula sa ___________.
a. usok ng sigarilyo
b. halaman
c. tuyong mga kasangkapan

3. Ang paggamit ng mga materyal na sumisira sa hangin,


lupa at tubig sa ating paligid ay nagdudulot ng __________.
a. kalinisan
b. polusyon
c. kaayusan

4. Malusog ang isang tahanan kung ito ay may malinis na


__________.
a. hangin at tubig
b. lupa at langis
c. daga at ipis
5. Palaging linisin ang bahay upang maiwasang
_________.
a. tumalino
b. tumaba
c. magkasakit

Isagawa (Performance Task)


Isagawa ang 3 gawain sa pagpapanatili ng kalinisan sa panloob na
hangin ng inyong tahanan (indoor air). Sa tulong ng iyong taga-gabay,
kunan ito ng video na hindi hihigit sa 2 minuto. Ipadala ito sa Messenger
ng guro.

Gawain 1: Paglalagay ng mga halamang lumilinis ng


hangin sa loob ng bahay.
Gawain 2: Paglilinis sa loob at labas ng bahay.
Gawain 3: Pagpupunas ng alikabok sa mga
kasangkapan

5
RUBRIC
1. Naisagawa nang maayos ang tatlong gawain. (10 points)
2. Naisagawa nang maayos ang dalawang gawain. (7 points
)
3. Isang gawain lamang ang naisagawa nang maayos. (4
points)

You might also like