You are on page 1of 4

2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Mga Tungkulin sa Pangangalaga ng
Kapaligiran
ARALIN 1: MGA TUNGKULIN SA PANGANGALAGA NG
KAPALIGIRAN

Napakasayang tignan ang isang maganda at malinis na


kapaligiran. Ang lahat ng ating nakikita sa ating paligid ay ibinigay sa
atin na dapat ingatan. Kaya upang manatili ang kagandahan at
kalinisan nito kailangan nating kumilos. Ang bawat isa sa atin ay may
tungkulin na dapat gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Suriin

Ang kapaligiran ay ang lahat ng nakikita ng iyong mga mata sa


labas ng iyong bahay. Kasama sa kapaligiran ang mga gusali, tao,
bagay, hayop, mga halaman at iba pa.

Bawat tao ay may tungkulin na dapat gawin upang


mapangalagaan ang ating kapaligiran. Ilan sa mga tungkulin na
dapat nating gawin ay ang mga sumusunod:

1. Maglinis ng kapaligiran
2. Magtapon ng basura sa tamang lalagyan
3. Magtanim ng mga puno at halaman
4. Pagrerecycle ng mga hindi nabubulok na basura
5. Gamiton ng wasto ang tubig at huwag mag-aksaya

Ang pangangalaga sa kapaligiran ay napakahalaga. Dito


tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan upang mabuhay.

1
Pagyamanin
Gawain 1
PANUTO:PANUTO:
LAGYAN Gumuhit ng kung
NG TSEK (/) . Kulayan
bilogAng angayaynagpapakita
larawan nangangalaga
ngsa
bilog ng saberde
pangangalaga kung
kapaligiran kapaligiran
ang(X)
at ekis kung hindiat.
larawan pula naman kung hindi.

____2.
___1.

Si nanay ay nagsunog Tinapon ng bata ang


ng mga basura. bote ng kanyang inumin
sa basurahan.

___3. _____4.

Si Maya ay nagtanim Gumamit ng lambat na may


ng bagong puno. malalaking butas si Mang
Gardo sa pangingisda.

___5.
Naglinis ng kapaligiran ang mga bata.

SUSI SA PAGWAWASTO: 1. X 2. / 3. / 4. / 5. /

2
Gawain 2
PANUTO: Gumuhit sa sagutang papel ng masayang mukha kung sang-ayon
ka sa pangungusap at malungkot na mukha naman kung hindi.

_____1. Ang kapaligiran ay ang lahat ng nakikita ng iyong mata sa


labas ng iyong bahay.
_____2. Sa paglilinis ng kapaligiran tayo ay makakaiwas sa sakit
gaya ng Covid-19.
_____3. Ang pagtatanim ng mga puno at halaman ay
makakatulong sa pangangalaga ng kapaligiran.
_____4. Ang mga tao ay may tungkulin na dapat gawin
upang mapangalagaan ang kapaligiran.
_____5. Ang pagtatapon ng basura ay maaaring gawin kahit saang
lugar.

SUSI SA PAGWAWASTO: 1. 2. 3. 4. 5.

Tayahin
PANUTO: Pumili ng sagot sa loob ng kahon at isulat ito
sa sagutang papel.

tao pagtatanim
paglilinis kapaligiran
paggamit tamang lalagyan

Ang mga 1. ______________ ay may mga tungkulin na dapat


gawin para mapangalagaan ang 2. ____________. Kahit sa simpleng

paraan ay makakatulong tayo sa pangangalaga ng kapaligiran. Gaya


na lang ng pagtatapon ng basura sa 3.______________, 4.
______________ ng kapaligiran, 5._____________ ng puno at
halaman at marami pang iba.
SUSI SA PAGWAWASTO: 1. tao 2. kapaligiran 3. tamang lalagyan
4. paglilinis 5. pagtatanim

You might also like