You are on page 1of 2

KHADIJAH MOHAMMAD ISLAMIC ACADEMY, INC.

Dr. Sophia Ampuan –Sharief, Ampuan Street, Madaya Lilod, Marawi City
RETORIKA – MASINING NA PAGPAPAHAYAG
PRELIMINARYONG MARKAHAN

I. PUNAN ANG BAWAT PATLANG


1. Ayon sa kaniya, ang retorika ay pakulti ng pagtuklas ng lahat g abeylabol na paraan ng
panghiikayat sa anumang partikular na kaso.
2. Tumutukoy sa mainaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento para sa gagawing
talumpati.
3. Ayon, sa kaniya, ang retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita.
4. Siya ang kauna-unahang guro ng retorika noong klasikal na panahon.
5. Tawag sa mga guro ng retorika noong klasikal na panahon.
6. Tumutukoy ito sa bahagi na isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto
ng isang talumpati.
7. Ito ay uri ng talata na nagsasaad ng paksa at layunin ng isang pagpapahayag sa isang
malinaw na paraan.
8. Binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay na nagpapahayag ng kabuoan na
maaring kuro-kuro, palagay o paksang-diwa.
9. Kilala rin sa tawag na “Masining na pagpapahayag”.
10. Ayon sa kaniya, ang retorika ay art of winning soul.
II. TAMA O MALI. Isulat ang T kung tama at M kung mali.
1. Nagsimula ang lahat sa tunog.
2. Sa induktibong imbesyon, ito ang pagbuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa
particular na linya ng pangangatwiran.
3. Maaring makapagpakilos ng lipunan ang wika.
4. Sa klasikal na panahon, isa sa tatlong sabjek ng liberal ng sining ang retorika sa mga
unibersidad.
5. Ang panimulang talata ang nagpapaunlad ng mga pangunahing bahagi ng sentral na
ideya.
6. Ang isang mabuting talata ay nagtataglay ng isang diwa.
7. Wika ang pangunahing instrument sa pakikipagtalastasan, pabasa man o pasulat.
III. ENUMERASYON
1. Limang kanon o batas ng retorika.
2. Anim na larangan na may kaugnayan sa retorika.
3. Limang Uri ng talata ayon sa kinalalagyan ng komposisyon
4. Apat Uri ng talata ayon sa paksa o nilalaman
IV. IBIGAY ANG KAHULUGAN NG MGA SUMUSUNOD NA IDYOMA
1. Butas ang bulsa
2. Ilaw ng tahanan
3. Bahag ang buntot
4. Ikurus sa noo
5. Kapilas ng buhay
6. Pantay na ang mga paa
7. Maitim ang budhi
8. Nagbibilang ng poste
9. Maglubid ng hangin
10. Magbatak ng buhangin.

You might also like