You are on page 1of 1

“Ako ay isang Pilipino, Mahal ko ang aking bansa"

Ako ay isang Pilipino sa puso at diwa, Pilipinong isinilang sa ating bansa na may dugong
Maharlika. Mahal ko ang aking bansa at naipapakita ko ang aking pagmamahal sa pamamagitan
ng pagiging isang masunurin na mamayang Pilipino, may malasakit, pagmamahal sa kapwa at sa
ating bansa. Bilang isang mag-aaral, sa ngayon ang tangi ko pa lamang magagawa ay mag- aral
ng mabuti upang mas lumawak ang aking kaalaman upang mapaunlad ang aking sarili para sa
hinaharap, dahil naniniwala ako kay Dr. Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Dahil
ito ay nagbibigay kahulugan na tayong mga kabataan ay siyang magiging instrumento sa pagpapa-
unlad at patungo sa katagumpayan ng ating sariling bansa. Maipapakita ko rin ang aking
pagmamahal sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga likas yaman, magagawa
ko ito sa hindi pagtapon ng basura kung saan saan upang hindi makapanira sa likas yaman.
Papahalagahan ko din ang sariling wika natin at aking din tatangkilikin ang sarili nating produkto.
Saan man ako mapunta balang araw, aking ipagmamalaki na ako ay isang Pilipino at hindi ko
ikakahiya ang pagiging Pilipino ko.

You might also like