You are on page 1of 14

Sangay ng mga Paaralang Lungsod Maynila

Mataas na Paaralan ng Tondo


Daang Quezon, Bo.Magsaysay, Tondo, Maynila
Telepono: 254-55-58

PLANO NG NEGOSYO

PRODUCT NAME: SECRET EYEGLASSES

1
Sangay ng mga Paaralang Lungsod Maynila
Mataas na Paaralan ng Tondo
Daang Quezon, Bo.Magsaysay, Tondo, Maynila
Telepono: 254-55-58

TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA 1: EHEKUTIBONG BUOD
A. Layunin
-Likas na Katangian ng Negosyo
-Kahalagahan ng Pag-aaral
B. Misyon
C. Kasaysayan ng Kumpanya
-Logo ng Kumpanya
-Lugar o Lokasyon ng Kumpanya
-Pang-organisasyong Tsart ng Kumpanya

KABANATA 2: PRODUKTO
A. Tatak
B. Kalidad
C. Paglalarawan sa Produkto
D. Disenyo ng Pakete
E. Talaan ng Presyo

KABANATA 3: BUOD NG PAGSUSURI SA MERKADO


A. Pagkakahati ng Merkado
-Awdyens
-Sangkot sa Pagmemerkado
-Natatanging Panukala sa Pagbebenta
-Demograpikong Katangian
B. Pagsusuri sa Katunggali
-Tuon
-Kalakasan
-Kahinaan
C. Inaasahang Pangangailangan
D. Inaasahang Panustos
E. Pagsusuring SWOT

KABANATA 4: BUOD NG ESTRATEHIYA AT IMPLEMENTASYON


A. Estratehiya sa Pagpepresyo
B. Promosyon
C. Inaasahang Resulta ng Programang Pang-promosyon
D. Tsanel ng Pamamahagi
E. Badyet

KABANATA 5: PLANONG PAMPINANSYAL


A. Pinagmulan ng Puhunan
B. Inaasahang Gastos

2
C. Iskedyul ng Pagbili at mga Kagamitin
D. Inaasahang Pasok ng Kita
E. Pagbabadyet

DAHONG DAGDAG

3
KABANATA 1: EHEKUTIBONG BUOD

A. Layunin

Likas na Katangian ng Negosyo

Ang aming panukala sa negosyo ay gumagawa ng eyeglass na


makakatulong kung nahihirapan kang makakita ng malinaw, malapit man
o nasa malayo. Mayroon din itong maliit na camera na makakatulong sa
iyo upang kunan ang anumang bagay, isang mikropono na maaari kang
magsalita sa tuwing may hahanapin ka at mayroon ding GPS upang
mahanap o matukoy kung nasaan ang isang indibidwal. Ang espesyal na
produktong ito ay mabuti para sa isang pulis/chief o isang lihim na
ahente na aming ibinebenta sa isang maliit na tindahan na may isang
lihim na kwarto.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang pagiging posible


ng operasyon ng aming Eyeglasses sa isang tindahan pagdating sa
pamamahala at kakayahang pinansyal. Ang layunin ng negosyong ito ay
upang matugunan at masiyahan ang bawat pagnanasa ng mga malalabo
ang mata, lihim na ahente o isang pulis/chief sa isang matalinong
paraan. Ang Forger’s Eyewear ay sasabak sa kabila ng mahigpit na
kumpetisyon sa mga nangungunang inkorporasyon at kumpanya at
upang ipakilala ang aming makabagong pagkakaiba ng salamin na
angkop sa mga may kamalayan sa malalabo ang mata at upang
makatulong sa mga pulisya o lihim na ahente. Sa katunayan, ang aming
Secret Eyeglasses ay isang uri ng salamin na napakaespesyal at hindi
namin basta bastang ibinebenta lamang. Sa ngayon, ang ilang mga
produkto ay hindi kapani-paniwala gaya ng ganito. Ang paksang ito ay
pinili ng mga negosyante dahil ang pag-aaral ay magbibigay ng
pahiwatig at benepisyo sa lahat ng mga tao lalo na sa mga taong may
kamalayan sa kalusugan sa mata, lihim na ahente at pulisya. Gumamit
ang mga mananaliksik ng isang maliit na tindahan upang madaling
maghatid at magbenta ng mga produkto sa mga customer; ito ay
maaaring magbigay sa kanila ng mga benepisyo tulad ng hindi pagkuha
ng mahabang biyahe o paglalakad para lamang magkaroon ng salamin sa
mata at kakaibang salamin dahil ang ibang sangay ng tindahan ay
itatayo sa isang lugar kung saan ang mga tao ay karaniwang
namamasyal. Ang salamin ay isang pangkaraniwang produkto na
mabibili sa maraming bahagi ng Pilipinas. Sa Pilipinas, ang pagkakaroon
ng salamin ay isang karaniwang bagay na kailangan ng mga malalabo
ang mata upang mas luminaw ang kanilang makita kung saan man sila
magpunta. Ang ating mata ay mahalaga kaya dapat itong ingatan.

4
B. Misyon

1. Upang mas luminaw ang paningin ng mga malalabo ang


mata.
2. Upang matulungan ang mga lihim na ahente o pulis sa
kanilang mga misyon.
3. Upang matunton kung nasaan ang eksaktong lugar kung
may nawawala man.
4. Upang makuhanan ng litrato ang mga bagay-bagay kung
wala ka man dalang camera.

C. Kasaysayan ng Kumpanya

Logo ng Kumpanya

Lugar o Lokasyon ng Kumpanya

1002 Muralla Street Intramuros City of Metro Manila

Pang-organisasyong Tsart ng Kumpanya

5
CEO

MANAGER

OIC
Option Industry Informant Seller
Council

KABANATA 2: PRODUKTO

A. Tatak

Ang pangalan ng kumpanya ay nagmula sa isang patuloy na serye ng


anime na kung tawagin ay Spyxfamily. Ang negosyo ay aming ini-ugnay
rito, sa aming pangunahing produkto na kakaibang salamin ay
pinalamutian namin ng mikropono, camera, at gps na angkop para sa
mga pulis o liham na ahente. Mayroon din kaming normal na salamin
para sa mga taong malabo ang mata na nangangailangan nito. "Masdan
kung ano ang mundo", nagpasya ang mga negosyante na gumawa ng
tagline dahil ang mga salamin ngayon ay wala masyadong gamit bukod
sa malabo ang mata. Nais naming magbigay ng kakaiba at hindi kapani-
paniwalang produkto na a-angkop para sa mga liham na ahente, pulis o
body guard.

B. Kalidad

Ito ay isang kakaiba at bihirang produkto lamang na naglalaman ng mga


materyales na siguradong matibay at maaasahan.
C. Paglalarawan sa Produkto

Ang bagong inobasyon ng mga salamin na ito ay isasama namin ang


mga sangkap sa bawat produkto partikular na ang Secret Glasses.

6
Secret Glasses
• Titanium ang mga frame ay napakatibay, magaan at lumalaban sa
kaagnasan.
• Monel ay pinaghalong metal.
• Beryllium mas mura kaysa sa titanium, at napakagaan at matibay.
• Stainless ang mga steel frame ay magaan at matibay, ngunit hindi
kasing tulad ng titanium.
• Flexon, gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ay isang napaka-flexible
na materyal.
• Aluminum minsan ay ginagamit sa mga high-end na frame.
• Pabilog na uri ng lenses.
• Isang 30mm lens ng camera
• May maliit na mikropono
• GPS

Normal Glasses
• Zyl (zylonite, o cellulose acetate) ay mura at magaan, at may
maraming kulay.
• Cellulose acetate propionate ay isang magaan, nylon-based na plastic
na hypoallergenic.
• Blended nylon frames ay matibay at magaan, at isang sikat na
pagpipilian para sa mga sports o safety frame.
• Optyl ay isang tatak ng epoxy resin.
• Pabilog at cylindrical na uri ng mga lenses.
• Fused silica, Silicon
• Anti radiation glasses
• Sunglasses
• Fashion Glasses

D. Disenyo ng Pakete

Ang pakete ng produkto mismo ay idinisenyo upang protektahan ang produkto


mula sa pagkasira at magbigay ng kalinisan. Gumagamit ito ng isang case na
nakaloob ang salamin sa mata, ang mga frame ng salamin ay nakabalot para sa
karagdagang seguridad at sa loob din ng case ay may isang maliit na tela
upang maiwasan ang mga lenses mula sa pagkagasgas. Meron din itong kahon
na ilalagay ang case mula rito para sa karagdagang proteksiyon, at paper bag
upang mas madaling mabitbit ang produkto.

7
E. Talaan ng Presyo

Secret Glasses P 10,000


Normal Glasses (for blurry vision) P 3, 000
Fashion Glasses P 2, 000
Anti-Radiation Glass P 1, 000
Sunglasses P 1, 000

KABANATA 3: BUOD NG PAGSUSURI SA MERKADO

A. Pagkakahati ng Merkado

Awdyens

Ang aming pangunahing target ay ang mga nagtatrabaho bilang isang


pulis, isang lihim na ahente, at mga taong malabo ang paningin o mga
taong mahilig lamang sa fashion sa isang lugar sa tabi ng istasyon ng
pulisya kung saan madaling mahanap ng mga tao.

Ang aming pangunahing target ay ang mga sumusunod:


1. Pulis/Sundalo/Hepe
2. Liham na ahente
3. Imbestigador
4. Espiya
5. Mga taong malabo ang mata
6. Modelo
7. Pamilya
8. Studyante

Sangkot sa Pagmemerkado

• PRODUKTO

Ang aming produkto ay iba't ibang mga uri ng salamin sa mata ngunit ang aming
pinakaespesyal na produkto ay ang aming Secret Glasses.

• PRESYO

Ito ang aming presyo para sa mga uri ng salamin sa mata.

8
Secret Glasses - P 10,000
Normal Glasses (for blurry vision) - P 3,000
Fashion Glasses - P 2,000
Anti Radiation Glass - P 1,000
Sunglasses - P 1,000

• POOK

Ang aming lokasyon ay matatagpuan sa isang lugar katabi lamang ng himpilan ng


pulis. Ito ay sa bandang Muralla Street Intramuros.

• PROMOSYON

Kami ay magsasagawa ng isang pampublikong sulatin upang ipagpaalam sa


maraming tao ang aming bagong negosyo. Sa unang pagbubukas nito ay magbibigay
kami ng diskwento na 40%.

• PEOPLE

Ang mga kasangkot sa produkto naming ito ay nagsimula sa aming CEO kasunod ay
Manager at ang aming OIC o Option Industry Council, Informant at Seller na isa ring
Optalmologist. Ang mga tao na maaring makinabang ng aming produkto ay ang mga
police, secret agent, taong malalabo ang mata, at mga ordinaryong tao na hilig
magsuot ng salamin sa mata.

• PISIKAL NA EBIDENSYA

Ang aming mga pisikal na ebidensiya ay ang mga sumusunod:

- Seller
- Decoration
- Company logo
- Product packaging
- Style
- Design

• PROSESO

Ang unang proseso ay pagsusuri sa mata, pagkatapos ay ipapapili ng mga salamin na


kanilang natipuhan at ito'y aming ipapasubok sa kaniya. Sumunod ay ibabalot ang
kanilang napiling salamin at kami ay mayroong delivery para sa hindi makakapunta
sa aming lokasyon.

Natatanging Panukala sa Pagbebenta

9
Sa bawat tao na bibili ng aming salamin ay magbibigay kami ng libreng
keychain para sa kanila. Ang aming tagline ay “Masdan kung ano ang
mundo”

Demograpikong Katangian

Ang target na merkado ay ang mga taong may edad na 15-70 bilang
pangunahing inaasam-asam na mamimili na maaring mga studyante,
taong malalabo ang mata, isang pulis at liham na ahente o mga taong
mahilig sa fashion.

10
11
12
13
14

You might also like