You are on page 1of 2

Pagbasa

Tekstong Naratibo – tinatawag din na pagsasalaysay

- Nagpapahayag ng pakwento
- Karaniwang nasa kronolohikal na ayos o nakabatay sa pagkakasunod sunod

Dalawang Uri:

 Naratibong Piksyom – mga akdang nakabatay sa malawak na imahinasyon ng isang manunulat o


di kaya’y gawa gawa lamang at di makatotohanan ang pangyayari sa kwento

Halimbawa ng mga akdang piksyon:

o Nobela – mg akdang binubuo ng maraming kabanata


o Maikling Kwento/Kwentong Bayan
o Mito/Mitolohiya – mga akdang base sa Diyos at Diyosa
o Epiko – mga akdang tumatalakay sa kabayanihanat supernatural na pangyayari
o Alamat - kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
o Pabula – mga akdang ang mga tauhan ay mga hayop na nag aasal tao
o Parabula – mga akdang halaw sa bibliya
 Naratibong Di-Piksyon – mga akdang nangyayari sa totong buhay ang mga pangyayari. Maaring
tumatalakay sa totoong buhay

Halimbawa ng Di-Piksyon:

o Ulat o Balita – nagbibigay impormasyon at mapaglilibangan


o Talambuhay – anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao ango sa mga
tunay na tala, pangyayari, at impormasyon

Elemento ng Tekstong Naratibo:

Tauhan – mga gumaganap sa isang kuwento

- Nagpapatingkad ng mga pangyayari sa kwento


- Nagbibigay buhay sa isang kwento

Iba’t Ibang Uri ng Tauhan:

*Karaniwang Tauhan

o Pangunahing Tauhan – bida; sakanya nakasentro ang kwento


o Katunggaling Tauhan – kontrabida
o Kasamang Tauhan – kaibigan o sidechick

*Uri ng Tauhan

o Tauhang Lapad – di nagbabago ang karakter sa kwento


o Tauhang Bilog – nagbabago ang karakter batay sa mga takbo ng mga pangyayari sa kwento

Tagpuan – ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nangyari ang mga pangyayari sa kwento
- Maaring kasama nito ang oras, panahon at petsa

Banghay – ito ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Karaniwang Banghay – ipinapakita ang daloy ng bawat pangayayari

Karaniwang Banghay:

Simula – Pagpapakilala sa mga tauhan sa kwento

Suliranin – pagpasok ngproblemang kahaharapin ng bida sa kwento

Saglit na Kasiglahan - aksyong ginawa ng bida sa kanyang problema

Kasukdulan – resulta ng aksyong ginawa ng bida sa kaniyang problema

Kakalasan – tulay sa katapusan

Wakas – katapusan ng kwento

Paksa o Tema – Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kwento

- Maaari ang paksa nito ay tumatalakay sa lipunan, paaralan, pamilya, kaibigan, pag-iibigan ng
dalawang tao
- Maaring ang tema nito ay trahedya, aksyon komedya, romansa, horror, sci-fi

Diyalogo – pakikipagtalastasan ng mga tauhan sa kwento

Iskrip – naglalaman ng mga usapan ng mga tauhan

Tekstong Deskriptibo – paglalarawan ng isang tao, bagay, lugar, hayop, pangyayari, at damdamin ng
isang tao

Tayutay – isang salita o pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang kaisipan o damdamin

Simili o Pagtutulad – tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang salita na ginagamitan ng


mga salitang naghahambing. Tulad, gaya, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, katulad

Metapora o Pagwawangis – tumutukoy sa tuwirang paghahambing kung kaya’y di na ginagamitan ng


mga salitang naghahambng

Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng ga katangiang pantao sa mga bagay na


abstrakto o walang buhay

Hayperbole o Pagmamalabis – tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya’t hindi na


nagging literal ang pagpapakahulugan

Onomatopeya o Paghihimig – tumutukoy sa paggamit ng mga salitangmay pagkakatulad sa tunog ng


mga bagay na inilalarawan nito

Tekstong Prosedyural – anyo ng paglalahad na nagbibigay ng direksyon o tuntunin upang maisagawa ang
isang bagay o Gawain

You might also like