You are on page 1of 3

MONICA C.

BURBANO II-BS MATH A


FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

GAWAIN A:
Panuto: Basahin ang kabuuan ng Artikulo at ibigay ang inyong opinyon patungkol dito, kung kayo ba ay
sumasang-ayon o di sumasangayon sa mga pahayag na inilahad at nakasaad.

Wikang Filipino sa Ikasusulong ng Agham at Teknolohiya


ni Tomas U. Santos

Ang wikang Filipino ay salamin ng ating lahi at kultura. Ito ang kinagisnan nating wika simula pa
lamang nang tayo ay musmos. Ito ay ginagamit hindi lamang sa pakikipagtalastasan kundi sa iba’t ibang
larangan tulad ng edukasyon. Ngunit hindi maikakaila na mula elementarya hanggang antas tersyarya,
karamihan sa mga asignatura sa paaralan tulad ng Sipnayan at Agham ay nakasalin sa wikang Ingles.
Ang pag-aaral ng asignaturang Agham tulad ng Kemistri ay nananatiling hamon sa ating sistema
ng edukasyon sapagkat bihira lamang ang mga guro na nagtuturo ng asignaturang ito sa wikang Filipino.
Maliban dito, kulang ang mga materyales tulad ng babasahin at mga librong pang-agham na maaaring
gamitin ng mga estudyante sa pag-aaral. Hindi rin natin maikakaila na hirap pa din tayo sa pagsasalita at
pag-unawa sa mga tuntunin na nakasalin wikang Ingles. Sa aking personal na karanasan, may mga
pagkakataong nahihirapan akong ihayag ang aking pananaw at kaalaman ukol sa mga araling ito kung ang
gagamitin ay wikang Ingles. Ito ay dahil hindi ako matatas sa pagsasalita ng wikang Ingles at mas ninanais
kong gumamit ng wikang Filipino. Sa kabilang banda, naniniwala ang iba na ang paggamit ng wikang
Filipino sa pag-aaral lalo na sa agham ay makakapigil sa pagiging globally competitive ng mga estudyante.
Matatandaan na ang wikang Ingles ang wikang unibersal. Bukod sa kailangan ito para sa mabilis na pag-
unlad, ito rin ang paraan para makakuha ng pinakabagong kaalaman sa agham at teknolohiya. Subalit ako’y
tumututol sa pahayag na ito. Ang pagiging matatas sa wikang Ingles ay may kalamangan subalit hindi dapat
ito gawing basehan upang sukatin ang kakayahan at kaalaman ng mga mamamayan at mag-aaral. May mga
bansang umunlad sa pagtangkilik sa kanilang sariling wika at kultura. Kaya naman, sa aking palagay, kaya
din nating umunlad at makilala sa buong mundo gamit ang ating sariling wika.
Kung tutuusin, mas mapapadali ang pag-unawa natin sa iba’t ibang aralin kung wikang Filipino
ang gagamitin dahil ito ang ginagamit ng karamihan sa pang-araw-araw na buhay. Gayundin ay malaking
bahagdan ng mga mag-aaral ang mas nakakaunawa at nakakapagsalita gamit ang wikang Filipino. Sa
paggamit ng wikang ito sa pagtuturo ng Agham, mas malaya ang pagtatanong at mas buhay ang magiging
talakayan. Mas magiging mahusay at aktibo ang mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase. Mas madali nilang
maiintindihan ang mga konseptong teknikal. Higit na mabisang matututo ang mga mag-aaral at magiging
mas malawak at bukas ang kanilang mga isip sa mga usapin.
Sa kasalukuyan, matindi ang pangangailangan na matuto ng makabagong agham ang mga kabataan.
Ngunit paano? Paano magiging possible ang pag-aaral nito gamit ang wikang Filipino? Ito ay sa
pamamagitan ng pagsasalin ng mga terminong Ingles sa Filipino tulad ng paggamit ng salitang Kastila,
pag-uugnay ng mga katutubong salita para makabuo ng bagong salita, panghihiram sa Ingles at pagsasa-
Filipino ng baybay at paghahalo ng wikang Ingles at Filipino nang walang pagbabago.
Ang pag-aaral ng Agham gaya ng Kemistri ay kailangang nakabatay sa kakayahang intelektwal at
di lamang sa wika. Kung kaya’t dapat nating paunlarin ang ating sariling wika upang tayo ay maging
matatas din sa larangan ng Agham. Hanggat maaari, gumamit tayo ng Filipino sa talakayan, maging sa
klase man o sa pag-uulat ng saliksik sa mga panayam. Bawat isa sa atin ay dapat maging kasangga at
kabalikat sa pagsusulong ng paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng agham at teknolohiya. Ang
wikang Filipino ay hindi lamang para sa pakikipagtalastan kundi kaya din nitong makipagsabayan at
magamit sa pandaigdigang kaunlaran sa larangan ng agham at teknolohiya.

GAWAIN B: Pagbubuod ng Artikulo


Panuto: Humanap ng artikulo sa alinman sa sumusunod na mga journal sa larangan ng Agham,
Teknolohiya, at iba pang kaugnay na larangan: Manila Journal of Science
(www.manilajournalofscience.com.ph) at Philippine Journal of Science (www.philjournalsci.dost.gov.ph).
Ibuod ang artikulo sa pamamagitan ng pagkompleto sa sumusunod na talahanayan.

Ang Pagtatasa ng Pamamahala ng E-Waste na


PAMAGAT NG ARTIKULO Nabuo mula sa Mga Selpon, Laptop, at Personal
na Kompyuter sa Pilipinas
Ni Zeba F. Alam
Pangunahing Paksa/Suliranin/Tanong ng Pamamahala ng e-waste na nabuo mula sa mga
Pananaliksik personal na kompyuter, laptop, at selpon

Mga Tiyak na Paksa/Suliranin/Tanong ng • Tuklasin ang kasalukuyang mga


Pananaliksik pamamaraan ng pagtatapon ng mga e-
waste mula sa mga selpon, laptop at
personal na kompyuter
• Makalikom ng pangunahing datos sa mga
tuntunin ng pagtatapon ng mga e-waste
mula sa tatlong elektronikong gadget sa
loob ng hangganan ng heograpiya ng
Metro Manila at mga lugar sa labas ng
Maynila
• Mahanap ang antas ng kamalayan ng mga
respondente tungkol sa mga panganib ng
e-waste

Paraan ng Pagtitipon at Pagsusuri ng Datos Sarbey

Buod ng mga Pangunahing Kaisipan/Datos Ang populasyon ng Pilipinas ay higit na nag-


iimbak ng tatlong mga elektronikong gadget, lalo
na ang mga selpon, laptop, at personal na
kompyuter sa sandaling ang mga modelo ay
maging luma at lipas na. Ang iba pang
pinakatanyag na pamamaraan ng pagtatapon ay
ang pagbebenta ng mga gadget sa mga junk shop.
Napakababang porsyento ng mga tao ang talagang
nag-rerecycle ng kanilang mga produkto.
Animnapu't siyam na porsyento ng mga
respondente ang umamin na talagang nababahala
sila sa epekto ng hindi wastong pagtatapon ng e-
waste sa kalusugan at kapaligiran ng tao. Ang lahat
ng mga respondente ay inamin na wala silang ideya
tungkol sa huling kahihinatnan ng mga itinapon na
elektronikong gadget. Batay sa mga resulta ng
sarbey, inirekomenda ang isang pagsusuri sa
pangkalahatang pamamahala ng e-waste na nabuo
mula sa tatlong gadget na ito sa Pilipinas. Ang mga
sarbey at datos na ito ay kinolekta upang
makarating sa isang pagtatantya ng e-waste na
nabuo sa pamamagitan ng pagtatapon ng tatlong
gadget na ito pati na rin ang pagtulong sa mga
opisyales at ahensya ng gobyerno na bumuo ng
mga batas at patakaran upang pamahalaan ang e-
waste nang epektibo at mahusay sa Pilipinas.

You might also like