You are on page 1of 1

Pangalan: Stephanie M.

Sia
Petsa: Nobyembre o5, 2022
Kurso: BSED ENGLISH 1B

Noong ako ay nasa hayskul ako ay isang dyornalist bilang Editorial Cartoonist
sa paaralan ng Betis High School at marami akong natutuhan na kaalaman na moral
mula sa aking mga guro. Dahil ako ay bahagi ng paggawa ng dyaryo o publikasyon
sa ekswelahan ay kinakailangan na magbasa ng libro upang magkaroon ng sapat na
kaalaman at ideya upang maihanda ang sarili sa nalalapit sa kompetesyon. Sa aming
paghahanda, ako ay inatasan na magbasa-basa patungkol sa paghahasa sa mga
abilidad at talento. Habang ako ay naghahanap ng aklat na babasahain ay dali-dali
kong kinuha ang aklat na ito at ang titulo nito ay “Pagpapaunlad ng ating mga
Talento” o developing our talents. Ang libro na ito patungkol sa kung paano natin
mapapalago o mapapaunlad ang ating mga talento at kung ano ang mga kasanayan
na dapat isaalang-alang upang patuloy na mahasa ang ating abilidad. (1) Kailangan
muna natin tuklasin ang ating mga talento, mga kakayahan at kahinaan. (2)
Kinakailangan magkaroon tayo ng tiyaga, sapat na oras at effort. (3) Kinakailangan
may pananampalataya tayo at komunikasyon sa Diyos upang tayo’y bigyan ng moral
gabay upang magkaroon ng magandang kinalabasan ang ating gagawin. (4)
Kailangan natin sumali sa mga organisasyon o club na naglalayon na mahasa ang
ating mga talento. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga motivational quotes na
ating maisasanuhay at isa na rito ay ang “Hindi kailangan itago ang ating mga talento
bagkus ito kusang lalabas at kailangan lamang itong palaguin”. Isa ang librong ito
na talaga naman na tumatak sa aking isipan dahil sa kalagitnaan ng aming
pageensayo, ako ay nawalan ng kompyansa sa sarili. Malaki ang naitulong nito sa
aking pagiging dyornalist at artist at base sa katotohanan ang mensahe ng aklat na
ito.

You might also like