You are on page 1of 2

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Takdang-Aralin 1
Pangalan: Braña, Elaine Myrtle L. Petsa: September 30, 2022
Seksyon: 1BSA-ABM3 Propesor: Delia Carmela Dela Cruz-Mendoza

NEU: Pamantasang nagtataguyod ng Dekalidad na Edukasyon


At Kakaibang Kulturang Kristiyano

Sa pag-aaral ko noong ako ay nasa ika-11 baitang pa lamang sa asignaturang


Organization and Management, natutunan ko na upang malaman ang prinsipyong
itinataguyod ng isang organisasyon o kumpanya, dapat alamin at suriin ang
kasalukuyang misyon at bisyon nito. Kaugnay nito, akin namang ilalahad ang aking
saloobin ukol sa misyon at bisyon ng pamantasan kung saan ako kasalukuyang
nag-aaral, ang Pamantasan ng New Era o mas kilala bilang New Era University.
Ayon sa Society for Human Resource Management o SHRM (nd.), ang
misyon ay nagtatalakay ng layunin ng pagkakatatag ng isang partikular na
organisasyon. Kaugnay ng misyon ng pamantasan, mapapansin na may misyon ang
NEU na magbahagi ng dekalidad na edukasyon na naka-angkla sa
maka-Kristiyanong asal tungo sa pagbibigay kapurihan sa Panginoong Diyos.
(neu.edu.ph, nd.)
Ayon muli sa SHRM (nd.), ang bisyon naman ng isang organisasyon ay
tumatalakay sa ideyal na kalagayang nais marating ng isang organisasyon sa
matagalang aspekto. Kaya naman, kung mapapansin sa bisyon ng NEU, nais ng
pamantasang ito na maging ehemplong unibersidad sa buong mundo na may
kakaibang kulturang Kristiyano na may kahusayan, disiplina at pagpapahalaga sa
kapakanan ng sangkatauhan. (neu.edu.ph, nd.)
Samakatuwid, kung susuriin ang misyon at bisyon ng NEU ay mapapansin na
may iisang kaisipan ang itintaguyod nito: ang pagpapanatili sa pagiging
maka-Diyos bilang pinakamataas na aspekto ng karunungan. Nangangahulugan nito
na hindi tunay na matalino o marunong ang isang tao kung hindi pa niya natatamo
ang pananampalataya, makilala ang tunay na Diyos, at malaman ang mga aral na
itinataguyod Niya.
Para sa akin, ang Pamantasan ng New Era ay may kakaibang misyon at bisyon
sapagkat dito ko lamang nakita ang isang pamantasang naglalayong magtaguyod ng
mga kaisipan at prinsipyong nakaayon sa kinaaaniban kong relihiyon, ang Iglesia
Ni Cristo. Kinikilala ng pamantasang ito ang pangangailangan ng tao ng
pananampalataya upang makapagtaguyod ng maayos at masayang pamumuhay.
Mahalaga man ang kaalamang akademiko at praktikal sa buhay, wala naman tayong
magiging gabay sa paggamit ng mga kaalamang natamo natin sa pormal na
edukasyon.
Mahalaga ang misyon at bisyon ng NEU lalo na sa akin na kaanib sa sinabing
sekta dahil nais kong mapanatili at lumakas ang aking pananampalataya habang
nagsisikhay ng kaalaman dito sa mundong aking ginagalawan na puno naman ng
kurapsyon, temptasyon, at mga kalayawan.
Anim na taon na akong nag-aaral sa nasabing pamantasan. Mula sa pasimula
ng sekundaryang antas o ika-7 baitang hanggang sa kasalukuyan na ako’y nasa
ika-1 antas na sa kolehiyo ay sabik pa rin akong mag-aral at naninindigang manatili
sa sintang pamantasan sapagkat naniniwala akong hindi lamang ako
makakapagtamo ng dekalidad na edukasyon dito sa New Era, higit sa lahat, hindi
napipinsala ang aking pananampalataya bagkus ay lalo pa itong lumalakas dala ng
misyon at bisyong itinataguyod ng pamantasan.

Sanggunian:
What is the difference between mission, vision and values statements? (nd.)
https://www.shrm.org/resourcesandtools/tools-and-samples/hr-qa/pa
ges/isthereadifferencebetweenacompany%E2%80%99smission,visio
nandvaluestatements.aspx#:~:text=A%20mission%20statement%20i
s%20a,customers%2C%20vendors%20and%20other%20stakeholder
s.
Know more about NEU. (nd.) https://neu.edu.ph/main/index.php/about

You might also like