You are on page 1of 2

2S-VE17 – SISTEMA NG PAGPAPAHALAGA AT SIKOLOHIYANG PILIPINO

PADUA, Reynold Luke David T.

BVE II-12

Week 6: Values Mapping

A.) Sa aking palagay, ang aking mga naitalagang mga konspeto ng pagpapahalaga ay bunsod
ng aking mga karanasan sa buhay. Napakalaking bagay para sa akin ang edukasyon sapagkat
hindi lahat ng aking kapamilya ay ayayaan ng oportunidad na makapagtapos sa pag-aaral.
Gayundin ang sarili at pamilya na siyang kasangga ko sa kahit na ano pang hamon ng buhay.
Maging ang pilosopiya, lawak ng pang-unawa at ambag sa lipunan na siyang napatunayan kong
malaking tulong upang mas makilala ko ang aking sarili at pagpahalagahan ang mga taong
nakapaligid sa akin.

B.) Concept map


C.) Makikita sa concept map na ito na may mga pagpapahalaga ang aking mga mahal/kakilala
sa buhay na nauugnay sa aking mga pinahahalagahan gaya nalamang ng sarili, pamilya, at
edukasyon.

D.) Dora at Dan – Itinuturing kong Hindi ibang tao (HIT) dahil sila ay aking pamilya. Sila ang
kasama ko sa pangaraw araw na pamumuhay at kaagapay sa mga personal na problema.

Regine, Isalyn, at Kim – Itinuturing kong Ibang tao (IT) dahil sila ay aking mga kaibigan lamang
at may limitasyon pa rin ang aming pagsasama. Madalas ay hindi ko pinapakita ang kahinaan ng
aking pagkatao sa kanila bunsod ng aking pakikisama at pagpresenta ng aking sarili.

E.) Sa ganang akin, may pagkakalapit ang kaibigan at pamilya sa teorya ni Enriques na
pakikipagkapwa. Bagamat ipinapamalas natin ang kagandahang loob sa ating pamilya at mga
kaibigan alang-alang sa pakikipagkapwa sa kanila. Ang pananampalataya naman ay pawang
kahalintuald ng konseptong Bahala na sapagkat ipinapakita rito ang ating matinding
pananampalataya o pananalig sa plano ng tadhana para saatin. Samantala, ang mental health
ay sa tingin kong may koneksyon sa pakiramdam. Marahil ito ay nagtatagpo sa persepsiyon at
paniniwala ng isang tao sa kung paano tumatakbo ang buhay at kung paano tutugunan ang
pakikiisa sa lipunan.

Sa kabilang dako, kung ako man ay may idadagdag na pagpapahalaga sa Teorya ng Kapwa,
ito ay ang kritikal na pag-iisip at lawak ng pang-unawa. Kritikal na pag-iisip dahil hindi dapat
natatapos ang pakikipagdiskurso sa ating kapwa sa mababaw na paraan lamang. Marapat na
may layon ang pakikipagdiskurso gaya ng pagresolba ng iba’t-ibang suliranin gaya ng
kamangmangan. Lawak ng pang-unawa naman upang mas maging bukas ang bawat isa sa
pakikisalamuha sa iba ng walang pag-aalinlangan. Malaking halaga ng lawak ng pang-unawa
upang maging maingat ang tao sa pagdedesisyon at pakikipag kapwatao. Sinusuri ng lawak ng
pang-unawa ang kakayahan nating umintindi ng sa gayon ay mas matanggap at mapagnilayan
natin kung saan nanggagaling ang mga danas ng mga taong nakapalibot sa atin.

You might also like