You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Ikatlong Markahanag Pagsusulit

Test 1: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga moral na katangian o pag-uugali na nagbibigay ng mabuting epekto sa
tao at sa lipunan?
A. Isip
B. Birtud
C. Dignidad
D. Kilos-loob
2. Ano-ano ang mga uri ng birtud?
A. Isip at Puso
B. Pasya at Kilos
C. Moral at Amoral
D. Intelektuwal at Moral
3. Anong uri ng birtud ang may kinalaman sa isip ng tao na kilala rin sa tawag na gawi ng kaalaman o habit of
knowledge?
A. Katatagan
B. Moral na Birtud
C. Pagkakawang gawa
D. Intelektuwal na Birtud
4. Alin sa mga sumusunod na uri ng Moral na Birtud ang tumutukoy sa pangangalaga ng karapatan ng isang indibidwal?
A. Pagtitimpi
B. Pag-unawa
C. Katarungan
D. Maingat na Paghuhusga
5. Kailan masasabi na ang mabuting katangian o pag-uugali ay naging isang ganap na birtud na sa pagkatao ng tao?
A. Kapag ang mabuting katangian o pag-uugali ay paulit-ulit nang ginagawa
B. Kapag ang mabuting katangian o pag-uugali ay isang beses palang nagagawa
C. Kapag ang mabuting katangian o pag-uugali ay tatlong beses sa isang linggo ginagawa
D. Kapag ang mabuting katangian o pag-uugali ay palaging ginagawa ngunit inihintong gawin
6. Si Nelson ay nagtatrabaho sa tindahan ng mga motor. Isang araw ay inaya siya ng kanyang mga kaibigan na tumakas sa
oras ng trabaho upang tumambay sa paborito nilang lugar. Dahil alam ni Nelson na mali ang umalis sa oras ng trabaho,
hindi siya sumama sa kanyang mga kaibigan at sinabing susunod na lamang siya sa mga ito. Alin sa mga uri ng
intelektwal na birtud ang ipinakita ni Nelson?
A. Sining
B. Agham
C. Pag-unawa
D. Karunungan
7. Dahil sa kahirapan ng buhay, si Anna ay pinakiusapan ng kanyang mga magulang na huminto muna sa kanyang pag-
aaral upang makatulong sa kanilang pagtitinda sa palengke. Sa iyong palagay, paanong paraan kaya pinaka maipapakita
ni Anna ang pagiging matatag sa kabila ng problema ng kanilang pamilya?
A. Pagsabayin ang pag-aaral at pagtulong sa kanyang mga magulang sa pagtitinda
B. Huwag pakinggan ang pakiusap ng kanyang mga magulang at ipagpatuloy lamang ang pag-aaral
C. Tahimik na sumunod sa kanyang mga magulang at isiping mahalaga mas mahalaga ang pamilya kaysa
edukasyon
D. Ipaalala sa kanyang mga magulang na Karapatan ng bawat batang katulad niya ang makapag-aral at
makapagtapos upang makakuha ng magandang trabaho
8. Si Mateo ay isang masugid na mag-aaral sa baiting 7. Sa gitna ng pagtatalakay ng kanilang guro ay tumabi sa kanya
ang kanyang kaibigan upang makipagkwentuhan. Dahil dito, hindi niya masyadong maunawaan ang paksang pinag-
aaralan. Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ni Mateo sa bagay na ito?
A. Bigyang tuon ang sinasabi ng kaibigan at makipagkwentuhan
B. Pagsabihan ang kaibigan at painis na lumipat ng upuan
C. Sabihing wala siyang pakialam sa kwento dahil mas mahalaga ang matuto
D. Kausapin nang maayos ang kaibigan at sabihing mamaya na sila magkwentuhan
9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay ng isang bagay?
A. Moral
B. Birtud
C. Dignidad
D. Pagpapahalaga
10. Anong uri ng pagpapahalaga ang tumutukoy sa pangkalahatang katotohanan o universal truth na tinatanggap ng tao
bilang mabuti at mahalaga?
A. Pagpapahalaga Para sa Lahat
B. Ganap na Pagpapahalagang Moral
C. Pagpapahalaga ng Kultura at Tradisyon
D. Pagpapahalaga ng Kultural na Panggawi
11. Alin sa mga sumusnod ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang nakabase sa pansariling pananaw ng isang indibidwal o
pangkat?
A. Pagpapahalaga Para sa Lahat
B. Ganap na Pagpapahalagang Moral
C. Pagpapahalaga ng Kultura at Tradisyon
D. Pagpapahalaga ng Kultural na Panggawi
12. Paano nagkakaugnay ang Birtud at ang Pagpapahalaga?
A. Ang Pagpapahalaga ng tao ay walang kinalaman sa moral na aspeto ng Birtud.
B. Ang Birtud ang nagsisilbing batayan ng tao upang mahubog ang kanyang sariling Pagpapahalaga.
C. Ang Birtud ay nagsisilbing layunin ng tao, samantalang ang Pagpapahalaga ay ang mabubuting kilos sa
pag-abot ng personal na pagpapahalaga.
D. Ang Pagpapahalaga ang nagsisilbing layunin ng isang tao, samantalang ang Birtud ay nagsisilbing
mabuting kilos ng tao upang abutin ang pansariling pagpapahalaga o layunin.
13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kauganayan ng Birtud at Pagpapahalaga?
A. Si Andres ay palaging nagsisimba dahil doon lamang siya nagkakaroon ng katahimikan
B. Pinapahalagahan ni Joros ang kanyang pag-aaral, kaya naman pinapakoya niya ang kanyang mga
kamag-aral ng takdang-aralin
C. Pinapahalagan ni Raniel ang kanyang kaibigan, kaya naman palagi magkasama silang kumakain nang
masusutansyang pagkain
D. Si Nena ay pinapahalagahan ang kanyang pamilya, kaya naman palagi siyang naglalaan ng oras sa
kanyang mga kapatid at magulang
14. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang tumatalakay sa mga pamantayan ng pagpapasya sa antas ng pagpapahalaga?
A. Order of the Heart
B. Depth of Satisfaction
C. Hirarkiya ng Pagpapahalaga
D. Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga
15. Sino sa mga sumusunod ang sumulat ng Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga at nagpakilala ng Hirarkiya
ng Pagpapahalaga?
A. Max Weber
B. Max Collins
C. Max Scheler
D. Dr. Manuel Dy
16. Anong konsepto ang naglalarawan sa pagkakasunod-sunod ng kahalagahan o halaga ng mga bagay, ideya, o prinsipyo
ng isang tao o lipunan?
A. Hirarkiya ng Pagpapahalaga
B. Bahagdan ng Pagpapahalaga
C. Mataas na Antas ng Pagpapahalaga
D. Tulay Tungo sa Mataas na Pagpapahalaga
17. Ang salitang latin na Valore ay may dalawang kahulugan, ang “pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay” at
“pagiging malakas at matatag”. Ano sa iyong palagay ang pagkakaugnay ng dalawang kahulugan na ito?
A. Madaliang pagsuko sa pag-abot ng mga pagpapahalaga dahil sa hirap ng buhay
B. Pagiging mahina sa pag-abot ng pansariling pagpapahalaga, sa kabila ng mga posibleng hadlang
C. Pagiging malakas at matatag sa pag-abot ng pansariling pagpapahalaga, sa kabila ng mga posibleng
hadlang
D. Walang kaugnayan ang dalawang kahulugan
18. Anong antas ng pagpapahalaga ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing
lamang na luho?
A. Banal na Pagpapahalaga
B. Pambuhay na Pagpapahalaga
C. Pandamdam na Pagpapahalaga
D. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga
19. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga Ispiritwal na Pagpapahalaga?
A. Ito ay ang pinakamataas na antas sa lahat ng pagpapahalaga
B. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng halaga para sa kabutihang panlahat
C. Ito ay tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapabuti ng kalagayan ng buhay
D. Ito ay tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang na
luho
20. Si Kryshna ay nagsisimula nang magdalaga. Dahil dito mas nauunawaan niya na ang mga bagay na makapagpapabuti
sa kanya, tulad nang pagkain ng masusustansyang pagkain at pagtulog sa tamang oras upang maiwasan ang
pagkakaroon ng sakit. Alin sa mga sumusunod na antas kabilang ang mga bagay na pinapahalagahan ni Kryshna?
A. Banal na Pagpapahalaga
B. Pambuhay na Pagpapahalaga
C. Pandamdam na Pagpapahalaga
D. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga

Test 2: Tukuyin kung anong uri ng Moral na Pagpapahalaga ang sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Katatagan
B. Katarungan
C. Pagtitipimpi
D. Maingat na Paghuhusga

_______ 21. Hindi na ako makikipag-away.


_______ 22. Igagalang ko ang kasarian at pagkatao ng ibang tao.
_______ 23. Sa bawat hamon sa buhay na nararanasan ko ay mananatili akong matatag.
_______ 24. Kahit kamag-anak ko ay hindi ko kukunsintihin basta may maling nagawa.
_______ 25. Iisipin ko ang aking hinaharap kaysa sa mga pansamantalang bagay na aking kinakahiligan.

Test 3: Tukuyin kung anong antas ng pagpapahalaga ang inilalahad ng sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Banal na Pagpapahalaga
B. Ispiritwal na Pagpapahalaga
C. Pambuhay na Pagpapahalaga
D. Pandamdam na Pagpapahalaga

_______ 26. Matutulog ako sa tamang oras para sa aking kalusugan.


_______ 27. Si Jerico ay palagiang tumutulong sa mga batang lansangan
_______ 28. Kapag nakaipon ay bibili ako ng mga bagay na gusto kong bilhin.
_______ 29. Palagi kong iisipin ang kabutihan ng nakakarami kaysa pansarili lamang.
_______ 30. Magdadasal ako bilang pasasalamat sa mga biyaya na aking natatanggap.
_______ 31. Ako ay kakain nang masusustansyang pagkain para makaiwas sa mga sakit.
_______ 32. Kahit na maraming gawain, tinitiyak ni Daisy na siya ay laging makapagsimba tuwing araw ng Linggo.
_______ 33. Laging binabantayan ni Dinah ang kanyang mga kinakain upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.
_______ 34. Tuwing bibigyan ng pera ng kanyang magulang, si Brian ay bumibili ng mga laruan kaysa mga gamit sa
paaralan.
_______ 35. Kahit na si Ella ang president ng kanilang klase, hinihingi niya muna ang opinyon ng kanyang kamag-aral bago
gumawa ng isang desisyon.

Test 4: Tukuyin kung sa anong antas ng pagpapahalaga kabilang ang bawat salita. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam

_______ 36. Pagdarasal _______ 41. Kalayaan


_______ 37. Pag-eehersisyo _______ 42. Karapatan
_______ 38. Sapat na Tulog _______ 43. Pagkain ng masustansya
_______ 39. Pagsisimba _______ 44. Bahay
_______ 40. Gadgets _______ 45. Damit

Test 5: Tukuyin ang halaga ng sumusunod na mga salitang nasa kahon ayon sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheller.
Pagsunud-sunurin ito mula sa bilang 46 (pinakamababang antas) hanggang 50 (pinakamataas na antas).

Kotse Pagsisimba Katarungan

Katotohanan Pagpapahinga

46.
47.
48.
49.
50.
Key to Correction:
Test 1

1. B 46. Kotse
2. D 47. Pagpapahinga
3. D 48. Katarungan o katotohanan
4. C 49. Katotohanan o katarungan
5. A 50. Pagsisimba
6. D
7. A
8. D
9. D
10. B
11. D
12. D
13. D
14. D
15. C
16. A
17. C
18. C
19. B
20. B

Test 2

21. C
22. B
23. A
24. A
25. D

Test 3

26. C
27. B
28. D
29. B
30. A
31. C
32. A
33. C
34. D
35. B

Test 4

36. A
37. C
38. C
39. A
40. D
41. B
42. B
43. C
44. D
45. D

Test 5

You might also like