You are on page 1of 6

FILIPINO SA PILING LARANG (SINING AT DISENYO)

MODYUL 10: SINING NG PAGTATANGHAL SA UNIVERSITY OF MAKATI


TEATRO: IMPROBISASYON, COSPLAY AT HIGHER SCHOOL NG UMAK
MONOLOGO

Oras ng Pagsisimula : ___________


Oras ng Pagtatapos : ___________

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:

• natutukoy ang mahahalagang elemento ng mahusay na sulating pansining na


pinanood tulad ng shadow play, puppet show, cosplay at monologo at
• naitatanghal ang monologo bilang awtput sa larangan ng sining panteatro.

PANIMULA
Sa simula, pinaniniwalaan na ang mga teatro sa
Pilipinas ay itinayo lamang ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng ilang piraso ng kahoy at mga
dahon ng saging na nagsisilbing kisame.
Itinatanghal sa ganitong sinaunang tanghalan ang
mga dulang Tagalog at adaptasyon ng mga
komedya at moro- moro na isinusulat batay sa lokal
na karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop.

PANGUNAHING NILALAMAN
Ang isang genre ng sining na may mga kilos at
mga salita bilang pangunahing elemento nito. Mga galaw lamang, mga salita lamang ang
naitatag. Malapad na pagsasalita, maaari itong magsama ng mga pelikula,
pagsasahimpapawid, musika, sayawan, libangan at iba pa. Sa makitid na kahulugan,
ginagamit ito bilang isang theatrical form ng pagganap kabilang ang drama (script), o
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
SINING NG PAGTATANGHAL

bilang isang konsepto na tumutol sa pag-play (drama) bilang isang pampanitikang anyo.
Sa pangkalahatan, ang mga aktor, madla, teatro ay tinutukoy bilang tatlong pangunahing
elemento, ngunit kung minsan ay nagdaragdag kami ng mga pag-play at dramatika
(dramatulgy) bilang performans na gumanap.

• Iskit
Isang uri ng dula na may layuning makalikha ng karikatura ng isang tao. Maituturing
din itong estilo ng pagsulat o paraan ng pagkakaganap at pagbibigay inter-
pretasyon ng isang karakter. Maihahalintulad din ito sa isang parodiya. Maituturing
din itong maikling dula.

• One-Act Play
Dulang ang istruktura ay binubuo ng isang yugto lamang (Casanova, 1984). Maikli
at madali itong itanghal. Hindi nangangailangan ng malaking gastos sa produksiyon
dahil sa iilan lamang ang artista, kagamitan, at iba pang kailangan sa palabas.

Ang larawang ito ay halimbawa ng One-Act Play na itinanghal ng dulaang UP

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


SINING NG PAGTATANGHAL

• Monologo
Isang taong nagsasalita mag-isa. May manonood man o wala. Karamihan sa mga
dasal, lirika, at lahat ng lamentasyon ay pawang monologo. Monolohista ang
tawag sa taong nagsasagawa ng monologo na posibleng nagsasalitang mag-isa,
solong nakikipag-usap sa manonood ng isang palabas gaya ng dula, nagsasalita sa
dula na hindi nakikita ang manonood.

Larawan ng pagtatanghal ni Nora Aunor sa monologong pinamagatang Lola Doc

• Cosplay
Ito ay pinagsamang salitang Hapon na kosupre
na nangangahulugang kasuotan (kosu) at play o
pagtatanghal o pure. Sa cosplay, karaniwang
ginagaya ang mga tauhan sa anime, computer
game, manga at tokusatsu. Sa gawaing ito, sama-
sama ang mga cosplayer sa pagrampa at pang-

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


SINING NG PAGTATANGHAL

gagaya sa mga karakter ng manga at anime sina-


samahan din ito ng pagsasadula at pagtatanghal gamit ang ilang mga patok na
linya o tagpo sa istorya. Isang pagkakataon din ito upang hikayatin ang madla
sa pamamagitan ng pag-eendorso ng mga produkto ng mga cosplayers.

• Improbisasyon
Isang paraan ng pagbuo ng eksena, diyalogo, aksiyon o buong dula na ang mga
miyembro ng pangkat pandulaan mismo ang lumilikha ng mga ito. Biglaan at walang
iskrip. Hamon ang talas ng isip, pandama, at husay at galing bilang kabuuan. May
mga pagkakataong nililikha rin ang mga awitin, tunog, musika at maging mga
kasuotan at mga props na aangkop sa uri ng dula o produksiyong binubuo.

Bagaman ang sining na ito ay may ideya mula sa ibang bansa, makabuluhang pag-aralan
din ang ginagawa nilang restriksiyon sa paggamit ng mga dayuhang konsepto at pagta-
tampok ng kanilang sariling pananamit. Balangkasin din natin ang kanilang pambansang
agenda sa pagtatangkilik sa larangang ito na hindi lamang ikinukulong bilang libangan
bagkus isang kapaki-pakinabang na tradisyon sa pagsusulong ng pambansang
pagkakaisa na puno’t dulong lohika sa pag-usbong nito.

GAWAIN
GAWAING PAGGANAP BILANG 8: MONOLOGO
Panuto: Sumulat ng sariling monologo na pumapaksa sa pagkawala ng Pilipinong
identidad sa kasalukuyang panahon. Kabisaduhin ang piyesa ng monologo, paghandaan
ang kasuotan at itanghal sa klase. Tatayain ang itatanghal na monologo batay sa mga
pamantayan ng pagpapakilala, pagkakabisado o kilos, emosyon at diksiyon. Inaasahan
na ang monologo ay hindi lalagpas ng walong minuto at hindi rin bababa sa limang minuto
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
SINING NG PAGTATANGHAL

ang presentasyon sa monologo sa pamamagitan ng video. Maaaring pumili sa sumusunod


na mga uri ng monologong isasagawa batay sa kakayahan ng mag-aaral:
a. realistikong karakter
b. pantastikong karakter
c. historikal na karakter
d. hindi tauhang karakter

Pamantayan ng Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Pagpapakilala- Malinaw na naipakilala 10
ang karakter, buo at may sapat na lakas
ng loob at makatawag pansing panimula
Pagkakabisado- lahat ng linya ay wasto, 10
madulas na daloy at may kontrol sa takbo
ng monologo.
Pagsasatao- Angkop at wastong pagpili 10
ng eskpresyon, makabuluhang diyalogo at
pagganap
Kilos- Tiyak at angkop ang kilos batay sa 10
hinihingi ng karakterisasyon at monologo
Emosyon- tumutugon sa kapani- 10
paniwalang karakterisasyon, pagsasadula,
at estilo.
Tinig at Diksyon- May sapat na lakas ang 10
tinig, malinaw at buo. Nagtataglay ng
iba’t ibang varayti ng tunog at wastong
pagbigkas ng mga salita upang madaling
maunawaan ang monologo.
Kabuuan 60

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


SINING NG PAGTATANGHAL

SARILING PAGTATASA/ KABATIRAN


Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Paaano itinatanghal ang cosplay at monologo sa kulturang Pilipino? __________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

TAKDANG-ARALIN
Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod.

• Hanapin ang mga sumusunod na salita

a. editorial cartoon
b. graphic novel
c. komiks
• Paano nagsimula ang produksiyon ng komiks sa Pilipinas?
• Ano-ano ang mga kadalasang tema ng editorial cartoon na inililimbag sa Pilipinas?

MGA BATAYAN/ SANGGUNIAN


Flores, P. at Sta. Maria Dela Paz, C. (2000). Sining at Lipunan. Sentro ng Wikang Filipino. Unibersidad ng
Pilipinas, Diliman. Lungsod ng Quezon.

Garcia, F. at Geronimo, J. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Sining at Disenyo). Rex Bookstore Publishing
Inc. Sampaloc, Lungsod ng Maynila

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT

You might also like