You are on page 1of 11

Panitikan ng Pilipinas (FILI04)

Program: Bachelor of Science in Computer Topic: Panahon ng mga Amerikano at mga


Engineering Hapones

Course: Panitikan ng Pilipinas Instructor Neriza C. Dela Rosa


:

Code FILI04 Module #: 5 Week #: 5 and 6 # of Pages:

I. Preliminaries
Introduction to the Ang FILIPINO PANTIKAN SA PILIPINAS ay ang pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng literature sa
Module Objective pamamagitan ng pagbasa sa ilang tekstong pampanitikan na hango sa iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinasat sa iba’t-ibang panahon sa kasaysayan ng bansa.

Section Topics Learning Outcomes Assessment/ Modality


Evaluation

Section 1: LEARNING OUTCOMES


Panahon ng mga Amerikano  Paggawa ng Google
1. Naiisa-isa ang mga katangian ng Venn Diagram Classroom
1.Katangian ng panitikan nang
panitikan sa panahon ng mga upang Canvas
panahon ng mga Amerikano
Amerikano at Hapones maihambing
ang mga Social media
2. Ang Panitikang Tagalog 2. Nakapagbabahagi ng platforms
kalagayang pampanitikan ng pagbabago sa
panitikan Pananaliksik
2.1 Ang Dulang Tagalog Pilipinas sa panahon ng mga (online)
bago sa
Amerikano at Hapones panahon ng
2.2 Ang Nobelang Tagalog * Pamamahagi ng
3. Nakapagbibigay ng kuro-kuro Amerikano at
hinggil sa mga pagbabagong Hapones modyul at mga
2.3 Ang Maikling Kwentong
naganap sa Panitikang Pilipino  Paggawa ng nakalimbag na
Tagalog
noong panahon ng mga sanysay na gawain sa aralin
2.4 Ang Tulang Tagalog Amerikano at ng mga Hapones naglalahad at
nagtatalakay
4. Napaghahambing ang iba’t-
sa mga uri ng
ibang uri ng panitikan sa mga panitikan na
panahong ito ambag ng
mga
Amerikano na
isinasagawa
pa hanggang
ngayon sa
sariling
pamilya o
pamayanan.

Section 2:
Panahon ng mga Hapones
1. Ang Mga Tula sa Panahon 1.Nakapagpapalitang kuro-kuro
ng mga Hapones hinggil sa mga pagbabagong
naganap sa panitikang Pilipino
2. Ang mga dula-dulaan sa Pagbubuo ng isa
noong panahon ng mga Hapon
panahon ng mga Hapones sa mga tula sa
2. Napaghahambing ang mga ibaba:
3. Ang mga maikling kwento sa positibo at negatibong bunga sa
panahon ng mga Hapones  May
panitikan nang panahon ng mga
sukat o
Hapon tugma
 Maaring
3. Naipaliliwanang ang iba’t ibang
katulad
uri ng panitikan sa panahon ng ng Haiku
mga Hapon  Maaaring
malayan
g tula

II. Instructions
Keywords and concepts

. Ang Panitikang Tagalog

2.1 Ang Dulang Tagalog

2.2 Ang Nobelang Tagalog

2.3 Ang Maikling Kwentong Tagalog

2.4 Ang Tulang Tagalog

Panitikan sa Panahon ng mg Amerikano

Ninais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila kaya nang dumating ang mga Amerikano sa
Pilipinas noong taong 1898, nagmistulang tagapagsagip sila ng mga Pilipino na nagging daanupang
tuluyangmapabagsak ang mga Kastila.

Kung relihiyon ang naging pangunahing pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang
naging pangunahing ipinaman ng mga Amerikano. Sa panahong ito sumibol ang mga makatang Pilipino na
nagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Ang impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles


bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin sa paglinang sa masining na kamalayan
ng mga manunulat batay sa modernong panitikang dala ng mga mananakop. Kapansin-pansing ang
pagkahilig ng mga mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na
galaw ng buhay-kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa wikang Pilipino kundi pati
na rin sa wikang Ingles.

Sa simula ng pananakp ng mga Amerikano sa bansa, sumusulat pa ang mga Pilipino sa wikang Kastila,
Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Ang panitikan na nasusulat sa wikang Ingles ay umusbong noong
1910 dahil sa mga bagong sibol sa mga manunulat. Ang ilan sa mga manunulat na ito ay sina:

 Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal


 Claro M. Recto na naging tanyag dahil sa kanyang mga talumpati
 Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestarng “Banaag at Sikat” at nagpasimula ng panitikang
sosyalista
 Jose Corazon De Jjesus na may panulat-sagisag na “Huseng Sisiw” dahil sa sisiw na
ipinababayad niya tuwing may magpapagawa sa kanya ng tulang-pag-ibig
 Severino Reyes na sumulat ng immortal ba dulang “Walang Sugat” at tinaguriang “Ama ng
Dulang Tagalog
 Zoilo Galang na pinaka unang nobelistang Pilipino na sumulat ng “A Child of Sorrow”

Sa panahong ito, Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literatura gaya ng malayang taludturan (sa mga
tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay).

Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga “fairy tale” sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong
“Tomasites” sa pagtuturo. Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri ng panitikan gaya ng oda at ang
pinilakang-tabing sa mga pelikula.Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang
mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa
sarsuwela ng Pilipinas. Nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutunggalian Nakasulat sa wikang Katutubo,
Kastila at Ingles Tumatalakay sa pagkamakabayan o kayay mga paksang romantisista

Dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa. Nagsimula ito sa mga artistang gumagalaw lamang at
nagsasalita ng walang tinig o “silent films”. Unti-unti at pansamatalang naisantabi ang dulaang panteatro sa
bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang tahimik.

  Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo. Ito ay ukol sa pagsabog ng


mga bulkan at iba pang kalamidad. Ang iilang dokumentaryo ay bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga
Amerikano sa mga katutubong Pilipino. Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng
bayaning si Jose Rizal at ang kanyang dalawang nobela. Ang pinaka-unang pelikulang Hollywood na
ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ang pelikulang ito ay kauna-unahang pelikulang
Hollywood na may underwater scene.

Katangian ng Panitikang Pilipino sa Panahong Ito

Ang panitikan ay:


 nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o pagpapailalim sa mga Amerikano
 nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o nangongopya ng mga estilong kanluranin
 may hangaring makamit ang kalayaan
 may marubdob na pagmamahal sa bayan
 may pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo

Bakit sa Espanyol pa rin nasusulat ang mga ibang mga katha?

 Dahil may protesta sa pananakop ng mga Amerikano na nagsasalita ng Ingles


 Dahil mas matulain at mas akma sa panitikan ang Kastila kaysa Ingles
 Dahil ayon sa mga Pilipino noon, bibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga unang taon ng
pananakop ng Amerikano
 Espanyol pa rin ang wika ng mga intelektwal noon

Ang Balagtasan Francisco Balagtas

Ang balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Ito ay inimbento noong panahon na
ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pananakop ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng makatang
pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan
ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng
pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan.

Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na mistulang nasa
isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May
gumaganap na fiscal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ang pinakaunang balagtasan ay ginanap
noong 1924. Ang pinakasikat na debate ay ang kina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes,
ngunit ang debateng ito ay scripted lamang. Nang natanto nila na di - gaanong matagumpay ang naging
unang balagtasan, kaagad-agad silang gumawa ng pangalawang Balagtasan, Ito ay hindi na scripted.

Nanalo si De Jesus at pinangalang “Hari ng Balagtasan”. Ngayon, ang titulong Hari ng Balagtasan ay
isang malaking karangalan para sa lahat ng mga makata sa Pilipinas.
Ang Sarswela

Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang
kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig
at kontemporaryong isyu. Ang sarsuela ay impluwensiya ng mga Kastila, ngunit nagbago and istilo sa
panahon ng mga Amerikano. Kung ihahalintulad ang sarsuela sa isang dula, ito ay walang gaanong
kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito.
Kadalasan ang sarsuela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na
tagpo. Ang tunggalian nang sarsuela ay pahaplis at pahapyaw lamang. Magmula pa noong sinaunang
dekada ng ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan, ang sarswela ay itinatanghal na ng mga komersyal na
grupo sa mga teatro sa malalaking siyudad tulad ng Maynila, Iloilo at Cebu o sa mga entablado sa mga
rural na lugar tuwing may kapistahan.

Section 2

PANITIKANG PILIPINO SA PANAHON NG MGA HAPON


1942-1945

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang


GINTONGPANAHON NG PANITIKANG PILIPINO. Ito ay dahil sa higit na malaya ang mga Pilipino sa
pagsulat ng panitikan at pagsasanib ng kultura, kaugalian at paniniwala ng Pilipino sa mga ito.

Kaligirang Pangkasaysayan
Ang bansang Hapon ay malaki ang pagnanais na siyang maghari sa buong Asya
Lihim itong pinalakas ng kanyang sandatahang panlakas, hukbong dagat, katian at
himpapawid
Layunin ng bansang hapon ang maitaboy ang mga bansang kanlurang sumakop sa ibang bansa sa
Asya gaya ng Indonesia, Malaysia, Biyetnam at Pilipinas.
Sa panahong ito nabalam ang umuunlad na panitikang Filipino.
Ang lingguhang Liwayway lamang ng mga Roces ang nagbukas ngunit nasa ilalim ng pangangasiwa ng
hapong si Kin-Ichi Ishikawa na isang manunulat at tagapagsali sa wikang Hapon (1895-1959)
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansang ito dahil ipinagbabawal ng namumunonghapon ang
paggamit ng wikang Ingles. Dahil ditto, itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang
mga katutubong wika ng bansa.
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning
ideya ang panitikang nilikha.
 Ipinasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan ang mga ito
 Nagkaroon ng krisis o kakulangan sa papel kaya di masyadong marami ang mga akdang naisulat sa
panahon ito.

TEMA NG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON


1.Sumesentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda
2.Ugali ng mga Hapon na masipag magtrabaho
3.Sumesentro sa pagka-makabayan, pag-ibig, kalikasan
4.Pananampalataya at sining
5.Ugaling hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkakaroon ng dangal sa sarili at sa bansa

Iba pang mahahalagang kaganapan at epekto sa panitikan ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapones

> Ika-8 Disyembre 1941 - Pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii at ng Clark Air Base sa Pampanga

> Ika-3 Enero 1942 - Pagtatag ng Batas Militar sa Bansa

> Ika-9 Abril 1942 - Bataan Death March

> Ika-14 Oktubre - Itinatag ang Republika ng Pilipinas

> Ipinagbabawal ang Ingles na mga pahayagan at magasin gaya ng Tribune at Free Press.

> Ipinahinto ang pagproseso ng mga pahayagan maliban sa Liwayway.

> Nasa ilalim ng pangangasiwa ang panitikan noon.

> Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles at ibinasura ang mga panitikan na nasa wikang Ingles.

> Umunlad ang sistema ng edukasyon sa panahon ng Hapon.

> Ipinakilala sa mga manunulat ang Haiku at Tanaga.

Ang Haiku ay isang maikling tula na may tatlong taludtod

Ang Tanaga ay maikling tula na may apat na taludtod.

> Napakilala ang iba't-ibang teorya tulad ng Feminismo.

> Sumesentrong Paksa sa mga Akda ay ang buhay sa Lalawigan.

TEMA NG PANITIKAN

MGA ESTILO

> Sumesentro sa Buhay sa Lalawigan o Pagsasaka o Pangingisda.

> Ugali ng mga Hapon na masipag sa trabaho.

> Sumesentro sa pagmamakabayan, pag-ibig, kalikasan, buhay lalawigan, pananampalataya at sining.


*Umunlad ang paggamit ng Katutubong Wika (Tagalog).

*Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino.

*Malaya sa pagsulat ng Panitikan at pagsanib ng Kultura, Kaugalian at mga Paniniwala.

*Nagkaroon ng pag-unlad sa panitikang Filpino at ibinukas ito sa iba't-ibang Estilo at Genre ng Panitikan.

MGA MANUNULAT NOON.

*Jose Ma. Hernandez - Panday Pira

*Francisco Rodrigo - Sa Pula, Sa Puti

*Clodualdo el Mundo - Bulaga

*Julian Criz Balcameda - Sino ba kayo?; Dahil sa Anak; Higante ng Patay.

*Narciso Reyes - Tinubuang Lupa.

*Liwayway Arcio - Uhaw ang Tigang na Lupa.

*NVM Gonzales - Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan

III. Viable and vibrant Activities

Deskripsyon ng mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1:

1. Anu-ano ang mga mahahalagang kaganapan sa panitikan ng Pilipinas noong panahon ng


pananakop ng mga Amerikano?

2. Anu-ano ang mga mahahalagang kaganapan sa panitikan ng Pilipinas noong panahon ng


pananakop ng mga Hapones?

Gawain 2:

Bumuo ng isang tula na hindi bababa sa tatlong saknong, may sukat at may palatunugan (haiku)
tungkol sa anumang tema na napapanahon.
IV. Opportunity to reflect and articulate students’ acquired knowledge.

Purpose of the activity

 Maiisa-isa ang mga katangian ng panitikan sa panahon ng mga Amerikano at Hapones


 Makapagbabahagi ng kalagayang pampanitikan ng Pilipinas sa panahon ng mga Amerikano at Hapones
 Makapagbibigay ng kuro-kuro hinggil sa mga pagbabagong naganap sa Panitikang Pilipino noong
panahon ng mga Amerikano at ng mga Hapones
 Makapaghahambing ng iba’t-ibang uri ng panitikan sa mga panahong ito
 Makagagawa ng sariling kathang tula

Criteria for Evaluation

A. Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay

Pamantayan sa 5 4 3 Nakuhang Puntos


Pagmamarka

Pagkasulat Walang maling Walang maling Hindi nakitaan ng


gramatika, gramatika. kalinawan sa
mahusay at pagpapahayag ng
malikhain ang kaisipan.
paggamit ng salita.

Nilalaman Mainamn at Kainaman ang Kulang sa


makatotohanan nilalaman ng kabuluhan nag
ang mga nilalaman sanaysay. nilalaman ng
ng sanaysay. sanaysay.

Organisasyon Mahusay at Maayos ang Hindi malinaw ang


mabisa ang pagkakasunod- pagkakasunod-
pagkakasunod- sunod ng mga sunod ng mga
sunod ng mga detalyeng inilahad detalyeng inilahad
detalyeng inilahad sa sanaysay. sa sanaysay.
sa sanaysay.

Kalinisan Mahusay at Malinis ang Marumi at nakitaan


malinis ang pagkasulat ng ng pagmamadali
pagkasulat ng sanaysay. sa ginawang
sanaysay. sanaysay.

Pagsunod sa Maayos na Kainamang Hindi nasunod ang


pamantayan ng nasunod ang mga nasunod ang mga mga pamantayan
gawain pamantayan sa pamantayan sa sa gawain.
gawain. gawain.

B. Rubrik sa pagkatha ng sariling tulang napapanahon ang tema

Pamantayan sa 5 4 3 Nakuhang Puntos


Pagmamarka

Pagkasulat Walang maling Walang maling Hindi nakitaan ng


gramatika, gramatika. kalinawan sa
mahusay at pagpapahayag ng
malikhain ang kaisipan.
paggamit ng salita.

Nilalaman Mainam, Kainaman ang Kulang sa


napapanahon at nilalaman ng tula. kabuluhan ang
makatotohanan nilalaman ng tula.
ang mga nilalaman
ng tula.

Kalinisan Mahusay at Malinis ang Marumi at nakitaan


malinis ang pagkasulat ng tula. ng pagmamadali
pagkasulat ng tula. sa ginawang tula.

Pagsunod sa Maayos na Kainamang Hindi nasunod ang


pamantayan ng nasunod ang mga nasunod ang mga mga pamantayan
gawain pamantayan sa pamantayan sa sa gawain.
gawain. gawain.

Summary and Reflection

Tipunin lahat ng gawain sa isang portfolio.

V. Textbooks and other References

Panganiban, J. V. (1995). Panitikan Png Pilipinas. Rex Bookstore, Inc.. (APA)

Panganiban, Jose Villa. Panitikan Png Pilipinas. Rex Bookstore, Inc., 1995. (MLA)

https://www.youtube.com/watch?v=qio18UBXjoQ

You might also like