You are on page 1of 13

ELE FPSNG

WIKA AT
RELIHIYON
ULAT NI HANNAH QUEVEDO
Ano ang
Relihiyon?
Isang anyo ng pagsamba
Sistema ng relihiyosong mga saloobin, paniniwala, at
gawain
Nagsasangkot ng paniniwala sa
Diyos / mga Diyos
Tao
Bagay
Mithiin
Puwersa
Isang bagay na “indispensable”
Nakaiimpluwensiya rin ito sa isang pamayanan,
lipunan, o maging sa buong bansa

QUEVEDO, HANNAH | ELE FPSNG | OKTUBRE 2022


Mga Relihiyon sa
Bansa
Katoliko
Iglesia ni Cristo
Islam
Protestante
Saksi ni Jehova
Aglipay / Aglipayan
El Shaddai
Rizalista
Mount Banahaw Holy Confederation
at marami pang iba...

OKTUBRE 2022 | ELE FPSNG | QUEVEDO, HANNAH


Ang Pinagmulan ng
Wika sa Katolikong
Konteksto
Ang Maylalang (Creator) ay gumagamit ng wika sa pakikipag-
ugnayan sa tao at iba pang nilalang sa daigdig.

Maliwanag na ipinakikita ito sa ilang mga aklat mula sa Luma at


Bagong Tipan.

OKTUBRE 2022 | ELE FPSNG | QUEVEDO, HANNAH


1 CORINTO 13:1
Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao
at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-
GENESIS 1:1-3 | ANG PAGLIKHA ibig, para lamang akong kampanang

Mula sa
Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit umaalingawngaw o pompiyang na maingay.

at ang lupa. Ang mundo noon ay wala pang


anyo at wala pang laman. Ang tubig na

Bibliya
bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman. Nang likhain ng Diyos ang tao, inilagay Niya
At ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa sa kanila ang isang bokabularyo at ang
ibabaw ng mga tubig. Sinabi ng Diyos, kakayahan na palawakin ito.
“Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon
nga ng liwanag. “Ang pandiwang Sumeriano, taglay ang
iba’t ibang unlapi, gitlapi, at hulapi nito, ay
nagpapahiwatig ng napakasalimuot na
wika.”

QUEVEDO, HANNAH | ELE FPSNG | OKTUBRE 2022


Mula sa Bibliya
Noong mga ika-20 siglo B.C.E. (Before the Era of Christ), ang mga tao ay nagsikap na kontrolin ang lahat ng lipunan sa Kapatagan ng
Shinar, sa Mesopotamia, at nagsimulang itayo ang Tore ng Babel na ukol sa relihiyon.

GENESIS 11:1-9 | ANG TORE NG BABEL


Noon, isang wika lang ang ginagamit ng lahat ng tao sa buong mundo. Habang lumilipat ng tirahan ang mga tao patungo sa silangan,
nakarating sila sa isang patag na lugar sa Shinar, at doon sila nanirahan. Ngayon, sinabi ng mga tao, “Magtayo tayo ng isang lungsod na
may tore na aabot sa langit, para maging tanyag tayo at hindi mangalat sa buong mundo.” Kaya gumawa sila ng mga tisa, at pinainitan
nila ito nang mabuti para tumigas nang husto. Tisa ang ginamit nila sa halip na bato. At aspalto ang ginamit nila bilang semento. Ngayon,
bumaba ang Panginoon para tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore. Sinabi ng Panginoon, “Ang mga taong ito ay
nagkakaisa at may isang wika lang. At ang ginagawa nilang ito ay simula pa lamang ng mga binabalak pa nilang gawin. Hindi magtatagal,
gagawin nila ang kahit anong gusto nilang gawin. Kaya bumaba tayo. Pag-iba-ibahin natin ang wika nila para hindi sila
magkaintindihan.” Kaya pinangalat sila ng Panginoon sa buong mundo dahil hindi na sila magkaintindihan, at nahinto ang pagtatayo nila
ng lungsod. Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel dahil doon pinag-iba-iba ng Panginoon ang wika ng mga tao, at mula roon ay
pinangalat niya sila sa buong mundo.

QUEVEDO, HANNAH | ELE FPSNG | OKTUBRE 2022


Ludwig
isang lexicograpo
Koehler
“Ang pagsasalita ng tao ay isang lihim; ito ay isang banal na
kaloob, isang himala.”

Ang wikang iyan ang ginamit ng Israelitang mga inapo ni “Abram


na Hebreo,” isang tapat na patriarkang na kaapo-apohan
(descendant) ni Sem na anak naman ng limikha ng arko (daong)
na si Noe.

Kung paanong lumaganap sa iba’t ibang panig ng mundo ang


mga taong may iba’t ibang wika ay nakasaad sa Genesis 11:1-9,
matapos ang pangyayari ng lungsod ng Babel.

OKTUBRE 2022 | ELE FPSNG | QUEVEDO, HANNAH


Ano ang Wikang
Pangrelihiyon?
Ayon kay Donovan (1976);
Wikang ginagamit sa pagpapalaganap ng relihiyon
Ngunit sa ganito ay tila nalilimitahan ang sakop ng
paksang religious language.
Paggamit ng mga naka-kontekstwalisa o
espesyalisadong salitang may kinalaman sa relihiyon.

Ayon kay Bloor (2007);


Anumang ordinaryong salita na ginamit nang may
kahulugan
hal.: pronounce

QUEVEDO, HANNAH | ELE FPSNG | OKTUBRE 2022


Bakit pinag-aaralan
ang wika sa
Relihiyon?
Ang pag-unawa sa relihiyon ay nagdaragdag ng ibayong kaalaman sa
wikang kaugnay nito.
hal.: “barmitzvah”
Ang wika ay nakatutulong sa pagpepreserba ng relihiyon at kultura sa
bawat henerasyon.
hal.: panalangin ng mga Muslim at Quran
Ayon sa Imam na si Shafiur Rahman, ang pag-aaral sa wika ng relihiyon ay
makapipigil sa di-wastong interpretasyon ng banal na aklat.
hal.: "homosexuality" sa Bibliya at ang "Milennial Bible"
Ang pag-aaral sa wika ng relihiyon ay pagpapahalaga sa kultura.
hal.: “Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Cañao”ni Simplicio Bisa
Ayon kay David Crystal (2009) , isa itong pagkakataon upang magkaroon
ng malalim na pakikipag-ugnayan sa kultura at paniniwala ng isang tao,
higit na maunawaan ang paksa, ideya, o bagay na higit pa sa salita.
OKTUBRE 2022 | ELE FPSNG | QUEVEDO, HANNAH
Papel na ginagampanan
ng "Banal na Wika" o
"Religious Language"
Saligan ng kapangyarihang makaganyak, makahikayat, at
makapagpabago ng damdamin at pag-uugali.
Pagtatalaga sa pangunahing pinaniniwalaan o sinusunod.
Paggamit ng mga pandiwang “performative” na kung ano ang
sinasabi ay siyang ginagawa.
hal.: ang pagsasabi ng "I do" sa kasal
Gamit sa mga gawaing panrelihiyon na may kaugnayan sa
pagsamba.
Bilang salitang “operatiba” na habang binibigkas ay nagkakaroon
ng agarang epekto.
hal.:“Your sins are forgiven. I absolve you in the name of the
Father, Son and Holy Spirit.”
Paraan upang maipaalala ang Poong Lumikha (salita, simbolikal na
kilos, paraan ng pagpapahayag)

QUEVEDO, HANNAH | ELE FPSNG | OKTUBRE 2022


Papel na ginagampanan
ng "Banal na Wika" o
"Religious Language"
Makikita rin ang mga simbolo o senyas sa mga panlabas o
lantad na kaanyuan gaya ng matutunghayan sa sining ng
arkitektura ng Kristiyanismo.
Gamit upang ipagdiwang, maisa-pormal, at mapag-isa ang
mga tao o bagay.
hal.: mga pangrelihiyong pagtitipon
Maganyak ang mga tao na sumapi sa mga relihiyosong
samahan o kaya ay magbigay-babala sa tao.
Taglay na kapangyarihan ng mga relihiyoso o banal na
kuwento, kasaysayan, dula, panulaan, awit, talumpati at iba
pa.

QUEVEDO, HANNAH | ELE FPSNG | OKTUBRE 2022


Ang Wika ng Relihiyon
ay isang ideolohiya
napasunod ng relihiyon ang kanyang mga nasakupan dahil sa
paniniwala ng mga tao sa kanilang ideolohiya.
ang wika ang instrumento ng ispesipikong relihiyon
nagkakaroon ng tunggalian ang mga relihiyon dahil sa
magkakaiba nilang mga paniniwala
ginagamit ang wika ng relihiyon upang makakontrol sa
kanyang mga nasasakupan

OKTUBRE 2022 | ELE FPSNG | QUEVEDO, HANNAH


ELE FPSNG

WIKA AT
RELIHIYON
ULAT NI HANNAH QUEVEDO

You might also like