You are on page 1of 6

Paaralan Unson E/S Baitang  

5
LESSON EXEMPLAR Guro RANELYN A. TUDTUD Asignatura  MAPEH
WEEK 5 Petsa Markahan Ikalawa
Oras Bilang ng Araw araw
Learning Area MAPEH 5
Learning Delivery Modality Progressive Face to Face Learning

MUSIC – Masabi mo ang mga pinakamababa at pinakamataas na mga nota


I. LAYUNIN sa isang awitin, makaawit nang may wastong tono at masukat ang agwat ng
mga nota sa isang awitin.

ARTS - Maipaliwanag ang halaga ng mga magagandang tanawin sa bansa,


maipagmalaki ang mga magaganda at maksaysayang lugar at makaguhit ng
gamit ang mga complementary colors.

HEALTH – Matatalakay ang mga negatibong epekto sa kalusugan at mga


paraan upang maiwasan ang mga pangunahing isyu tulad ng maaga at di-
inaasahang pagbubuntis

P.E.- Maipapaliwanag ang uri at pinanggalingan ng mga laro, mailalarawan


ang mga kakayahang kakailanganin para maglaro, maipamamalas ang
kakayahang kailangan sa paglalaro, at makikilala mo ang kahalagahan ng
paglahok sa mga pisikal na aktibidad.
A. Pamantayan Pangnilalaman MUSIC – Masabi kung buo o kalahating tunog ang pagitan ng mga nota sa
iskala

ARTS- Makaawit nang may wastong tono at masukat ang agwat ng mga
nota sa isang awitin.

HEALTH - Matatalakay ang mga negatibong epekto sa kalusugan at mga


paraan upang maiwasan ang mga pangunahing isyu tulad ng maaga at di-
inaasahang pagbubuntis

P.E.- Makikilala mo ang kahalagahan ng paglahok sa mga pisikal na


aktibidad.
B. Pamantayang Pagganap MUSIC - Maipakita ang pagpapahalaga sa pag-awit nang may wastong tono

ARTS – Makaawit nang may wastong tono at masukat ang agwat ng mga
nota sa isang awitin.

HEALTH – Matatalakay ang mga negatibong epekto sa kalusugan at mga


paraan upang maiwasan ang mga pangunahing isyu tulad ng maaga at di-
inaasahang pagbubuntis

P.E.- Mailalarawan ang mga kakayahang kakailanganin para maglaro,


maipamamalas ang kakayahang kailangan sa paglalaro,
C. Pinakamahalagang Kasanayan MUSIC - Masabi mo ang mga pinakamababa at pinakamataas na mga nota
sa Pagkatuto sa isang awitin, makaawit nang may wastong tono at masukat ang agwat ng
(MELC) mga nota sa isang awitin.

1
ARTS - Maipaliwanag ang halaga ng mga magagandang tanawin sa bansa,
maipagmalaki ang mga magaganda at maksaysayang lugar at makaguhit ng
gamit ang mga complementary colors.

HEALTH - Matatalakay ang mga negatibong epekto sa kalusugan at mga


paraan upang maiwasan ang mga pangunahing isyu tulad ng maaga at di-
inaasahang pagbubuntis

P.E.- Maipapaliwanag ang uri at pinanggalingan ng mga laro, mailalarawan


ang mga kakayahang kakailanganin para maglaro, maipamamalas ang
kakayahang kailangan sa paglalaro, at makikilala mo ang kahalagahan ng
paglahok sa mga pisikal na aktibidad.

D. Pagpapaganang Kasanayan
II.NILALAMAN MUSIC – Ang Agwat o Range ng Isang Awitin

ARTS - Ang Komplementaryong Kulay

HEALTH - Negatibong Epekto sa Kalusugan ng Maaga at Di-inaasahang


Pagbubuntis

P.E. Mga Larong Pinoy


III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Learners packet o LEAP
b. Mga Pahina sa Kagamitang MAPEH 5
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan mula sa


Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo para Activity Sheet, Lesson video
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Panimula MUSIC
Ang Melodic Range ay tumutukoy sa layo o agwat ng mga nota sa pagitan ng
pinakamataas na tono at ng pinakamababang tono sa isang awitin. Malawak
ang Range o Agwat ng piyesa kung Malaki ang pagitan ng mga tonong
pinakamataas at tonong pinakamababa. Ganun din naman, maliit ang Range
kung maliit lamang ang pagitan ng pinakamataas sa pinakamababang nota.
Kalimitan kapag “Narrow Range” kakaunti ang mga nota sa pagitan ng
pinakamataas sa pinakamababang tono. At “Wide Range” kapag maraming
nota sa pagitan ng pinakamataas na tono at pinakamababang tono.

2
ARTS
Taglay ng ating bansa ang pagkakaroon ng maraming likas na tanawin na
nagpapayaman sa pagiging Pilipino at maipagmamalaki sa buong mundo.
Ang mga ito ang naging inspirasyon ng mga Pilipinong pintor sa kanilang
pagpipinta ng iba’t ibang mga dibuho. Ito’y lalo pang pinatingkad ng
paggamit nila ng komplementaryong kulay. Balikan natin ang larawan ng
color wheel.
Ang mga kulay na direktang magkakaharap ay tinatawag na
komplementaryong kulay (complimentary colors). Pag hinalo ang
komplementaryong kulay, makakabuo ng kulay abo, puti o itim. Pero kung
gagamitin natin ito na kumbinasyon sa pagkukulay, ito ay makakagawa ng
isang kakaibang ganda lalo na at mamamalas pa ang proporsyon na isa sa
mga prinsipyo sa paggawa ng likhang sining

HEALTH
Isa sa mga nakaaalarmang nangyayari sa mga kabataan ngayon ay ang
maagang pagbubuntis o teenage pregnancy. Ang pagbubuntis nang maaga
ay maaaring magdala ng komplikasyon sa kalusugan ng batang ina na
puwedeng humantong sa iba pang medikal na kondisyon at pag kamatay ng
ina at kaniyang sanggol. Bukod sa mga masamang epekto sa kalusugan tulad
ng maaaring pagkakaroon ng sakit o impeksiyon, ang pakikipagtalik ng isang
nagdadalaga sa isang nakatatanda (18 taon at pataas) ay labag sa batas at
may karampatang parusa para sa nakatatanda.

P.E.
Sa paglalaro ng mga invasion games, ang iyong kagalingan sa pagtakbo at
pag-iwas ay masusubukan. Ang iyong lakas, koordinasyon at pagiging alerto
ay makikita sa larong ito. Ang pagpapahusay ng iyong health-related at skill-
related components ay makatutulong sa pag-iwas sa sakit, pagdadagdag ng
stamina, at pagsasaayos ng iyong timbang.
B. Pagpapaunlad MUSIC
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tandaan
Pag-aralan ang awit sa ibaba. Hanapin ang pinakamataas na nota. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel. Hanapin din ang pinakamababang nota.

3
ARTS
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng slogan tungkol sa mga
komplementaryong kulay.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

HEALTH
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Punan ang graphic organizer tungkol sa mga
epekto ng maaga o di-inaasahang pagbubuntis.

P.E.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong tungkol sa larong
Agawang Sulok. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Alam mo ba ang larong Agawang Sulok?
2. Ano sa tingin mo ang mga katangian na dapat taglayin ng bawat
manlalaro sa paglalaro nito?
3. Ano-ano ang mga maaaring problema na maranasan sa
paglalaro ng Agawang Sulok?
4. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga panuntunang pangkaligtasan?
5. Ano ang mahahalagang leksiyon ang matutuhan sa paglalaro ng
larong ito?
C. Pagpapalihan MUSIC
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Subukan mong awitin ang Babagto. Maaari
kang patulong sa mga kasama mo sa bahay para maawit mo yan nang may
tamang tono.

ARTS
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pagtambalin ang mga kulay na
komplementaryo sa isa’t isa. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa
iyong kwaderno.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Dilaw a. Berde
_____ 2. Asul b. Orange
_____ 3. Pula c. Violet

HEALTH
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa loob ng pakpak ng paru-paro ang mga
pamamaraan upang maiwasan ang maaga at di-inaasahang pagbubuntis.

4
P.E.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Kumpletuhin ang mapa ng konsepto sa iyong
kuwaderno. Isulat sa loob ng kahon ang mga bagay na nalaman mo tungkol
sa larong “Agawang Sulok.”

D. Paglalapat MUSIC
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Awitin mo ang mga sumusunod na awit at
isulat sa sagutang papel ang agwat (Range) ng awitin. Isulat ang W(wide)
kung malawak ang range at N(narrow) kung maliit ang range ng awit.
1. Lupang Hinirang
2. Are you Sleeping
3. Pilipinas Kong Mahal
4. Bayan Ko
5. Sitsiritsit

ARTS
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Kumpletuhin ang pahayag batay sa
natutuhan sa aralin.
Natutuhan ko
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Magagamit ko ito
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

HEALTH
Lagyan ng masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng wastong paraan ng pag-iwas sa maaga at di-inaasahang pagbubuntis at
malungkot na mukha kung hindi. Sagutan ito sa iyong kuwaderno.

5
________1. Makinig sa mga payo ng magulang.
________2. Makipagtipan o makipagrelasyon lamang kapag nasa wastong
gulang na.
________3. Ipaalam sa magulang ang mga lugar na pupuntahan.
________4. Gugulin ang oras sa pag-aaral at pag-papaunlad ng sarili.
________5. Madalas na paglaanan ng oras o panahon ang barkada.

P.E.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Gawin ang mga warm-up exercise bago
magsimulang maglaro.
1. Iyuko ang ulo paharap, patalikod, pakanan, pakaliwa. 16 bílang
2. Side lunges (kanan, kaliwa). 8 bílang bawat isa
3. Unatin ang braso pakanan, pakaliwa. 8 bílang bawat isa
4. Tumakbo sa puwesto. 16 bílang
5. Tumakbo paabante, paatras. 8 bílang bawat isa
6. Inhale, exhale 8 bílang
V.Pagninilay MUSIC/ ARTS/HEALTH/P.E.
Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon
gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na _________________________________.
Nabatid ko na _________________________________________.
Naisasagawa ko na ____________________________________.

Prepared by:

RANELYN A. TUDTUD
Teacher
Checked by:

MAURO P. ABELLA, JR.


Principal III

You might also like