You are on page 1of 1

Mga Rehiyon Sa Asya

S a mga pitong kontinente sa buong mundo, ang kontinente ng Asya ang


pinakamalaki sa sukat man ng lokasyon o sa bilang ng mga taong naninirahan dito. Ang
sukat ng rehiyon ng Asya ay umaabot sa 43,810,582 kilometro kwadrado o 17,159
milya kwadrado at may kabuuang bilang ng populasyon na 4.44 bilyon noong 2016.
Limampu’t isang bansa ang bumubuo sa rehiyon sa Asya, at dahil dito sila ay mayaman
sa iba’t-ibang uri ng sining, musika, lutuin at maging sa panitikan at mga natatanging
kultura ang bawat rehiyon. May kanya-kanyang istorya ang mga bansang ito, kahit
umano magkadikit na bansa sa Asya ay hindi magkakapareho ang kani-kanilang mga
lengguwahe.

Limang parte ng Asya


Ang rehiyon sa Asya ay nahahati sa lima. Una ay ang Hilagang Asya, ito ay binubuo ng
mga bansang Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, Uzbekistan. Ito ang
mga bansang kabilang sa tinatawag na sentral continental. Mahabang taglamig at
maikling tag-init ang nararanasang klima sa mga lugar na ito. Ang malaking bahagi sa
rehiyong ito at kilala sa tawag na Russian Asia o Asian Russia.
Pangalawa ay ang Timog Asya o ang Katimugang Asya. Ito ay binubuo ng mga bansa
sa timog ng Himalaya. Kabilang dito ay ang Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India,
Maldives, Nepal, Pakistan at Sri Langka. Kasama rin ang Burma at Tibet sa rehiyon na
ito. Lugar ng Mystisimo ang tawag sa mga katimugan Asya, dahil sa kanilang mga iba’t-
ibang relihiyon gaya ng Hinduism, Buddhism, Jainism at Sikhism.

Pangatlong parte ng Asya ay ang Kanlurang Asya. Ito ay binubuo ng mga bansang Saudi
Arabia, Lebanon, Jordan, Iraq, Kuwait, UAE, Yemen, Omar, Qatar, at Bahrain. Judaism,
Kristiyanismo at Islam ang relihiyon ng mga naninirahan dito. Disyerto ang lugar na ito kaya
mainit at kaunti lamang ang ulan. Mayaman sa krudo at langis ang rehiyon na ito.
Ang pang-apat ay ang Silangang Asya. Ito ay kinabibilangan ng bansa ng People’s
Republic of China, Hilagang Korea, Timog Korea, Mongolia, Japan at Taiwan.
Ang mga bansang kabilang dito ay natatangi sa larangan ng ekonomiya sa buong
mundo. Gaya ng mga ibang bansa sa Asya, sila ay mayaman din sa kultura at may
iba’t-ibang paniniwala sa relihiyon at pilosopiya na humubog at bumago sa kaisipan at
gawi sa pagdaan ng panahon.
Ang pang-lima ay ang Timog-Silangang Asya. Binubuo ito ng Pilipinas, Indonesia,
Thailand, Malaysia, Vietnam, Singapore, Myanmar, Cambodia, Laos, Brunei, East
Timor. Mainit sa mga lugar na ito at sagana sa mga natural na kagandahan ng mga
paligid, mas mura ang bilihin dito kumpara sa mga ibang parte ng bansa kaya
dinudumog ng mga turista ang Timog-Silangang Asya. Mayaman sa kultura at mababait
ang mga tao.

You might also like