You are on page 1of 7

SAN CARLOS COLLEGE

FOUNDED 1946 (PIEAS)


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
S.Y. 2020 – 2021

Modyul sa Sibika at Kultura


sa Kindergarten
(Setyember 14-19, 2020)

AKO AY NATATANGI

ni

Beverly Ann C. Barte


Guro

0
Panimula
Ang modyul na ito ay naglalayong maimulat sa murang isipan ng mga
mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili at pamilya. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral na maipamalas ang kakayahan sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa na magiging pundasyon sa paglinang ng
kanilang kamalayan.

Paano Gamitin ang Modyul


Para sa Mag-aaral:
1.Basahin at sundin ang panuto.
2.Gamitin ang nakalaang oras sa pagsagot ng mga gawain.
3.Sagutan ang pagsusulit matapos pag-aralan ang modyul.

Para sa Magulang/ Tagapag-alaga:


Maaring tulungan at gabayan ang inyong anak sa kanilang aralin.
Salamat po. ☺

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay:
✓ Natutukoy ang mga natatanging mamamayan ng ating bayan.
✓ Nasasabi ang mga katangian ng bawat isa.

Talasalitaan

Maykapal- isa pang katawagan sa Panginoon; ang lumikha ng lahat


ng bagay
Likha- ginawa
Biniyayaan- pinagkalooban o binigyan

Ang Modyul na ito ay pagmamay-ari ni:

Pangalan: ______________________________________________________

Tirahan: ________________________________________________________

1
Gawaing Pagkatuto
Mga Natatanging Mamamayan

Masuwerte tayo sapagkat binigyan tayo ng mga natatanging mamamayan na


maipagmamalaki natin sa buong mundo. Ginagamit nila ang kanilang talino at
kakayahan upang maipakita ang kanilang galling.
Araw ng Sabado, tinulungan ko si Nanay na magligpit ng mga kinainan.
Tinulungan ko rin siya sa pag-aayos ng mga aklat sa
silid-aklatan.

Dito ko napansin ang mga magagandang


larawan. Tinanong ko si Inay at ipinaliwanag naman
niya ang mga ito.

Ang unang larawan ay si Lea


Salonga. Siya ay kilalla sa buong mundo
dahil sa galling niyang umawit at umarte sa
“Miss Saigon”.

Ang ikalawang larawan ay si


Rafael “Paeng” Nepomuceno. Siya
ay kinikilalang magaling na manlalaro
ng boling.

2
Ang ikatlong larawan ay si
Efren “Bata” Reyes. Siya ay may
natatanging kakayahan sa paglalaro
ng bilyar.

Ang ikaapat na larawan ay si


Manny Pacquiao.Kilala siya bilang
mahusay na boksingero sa buong
mundo.

Lahat sila ay natatangi at magagaling na mamamayan. Sila ay nagsikap nang


husto, nagsipag, o nagtiyaga hanggang sa mapagbuti nila ang kanilang kakayahan.
Katulad nila, ang mga batang tulad natin ay maari ding maipagmalaki dahil sa kabutihan
at katangian.
Maari nating umpisahang ipakita ang ating kakayahan sa paaralan. Sa ganitong
paraan, magiging magandag halimbawa tayo sa iba pang mga batang tulad natin.

3
Pagsusuri sa Sarili

Kilalanin ang mga larawan.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. a. Efren “Bata” Reyes

b. Gng. Corazon Aquino

c. Lea Salonga

2. a. Rafael “Paeng” Nepomuceno

b. Lea Salonga

c. Liza Macuja

3. a. Rafael “Paeng” Nepomuceno

b. Efren “Bata” Reyes

c. Gabriela Silang

4. a. Manny Pacquiao

b. Liza Macuja

c. Mohammad Ali

4
Panlinang na Gawain

Lagyan ng ang kung ang salita ay nagsasabii ng katangian ng


isang mabuting mamamayan.

1. Mabait

2. Masikap

3. Magaling

4. Mabagal kumilos

5. Masipag

6. Matalino

7. May kakayahan

5
Pagtataya
May mga natatanging miyembro din sa ating pamilya. Sino-sino ang ating
mga itinatangi?
Iguhit o idikit ang kanilang mga larawan sa kahon.

Sanggunian: Peña, Elizabeth F., Sibika at Kultura,Neo Asia Publishing, Inc.2016

Isulat sa ibaba ang mga nararanasang problem sa pag-aaral ng modyul na ito.


Maraming Salamat po.

1._________________________________________________________________

2._________________________________________________________________

3._________________________________________________________________

4._________________________________________________________________

5._________________________________________________________________

You might also like