You are on page 1of 6

Pangalan:JOHN DANIEL B.

AGUILAR
Region: CAR
Dibisyon: ABRA
text type:Impormatibo
baiting: 10
number of content words 320
ABAL-ABAL

Pagsapit ng dapit-hapon, Naghahanda na kami para manghuli ng Abal-abal o salugubang.


Dala-dala ang flashlight, galon ng mineral water o basyo ng tubig. Magsisilabasan kasi ang mga
ito tuwing sasapit ang tag-ulan. Masaya at kakaibang karanasan ang panghuhuli ng Abal-abal.Ito
ang magsisilbing hapunan namin. Masarap itong kainin.

Noong una, nandidiri ako at takot ako sa mga insekto. Isang araw, niyaya ako ng aking
ama upang harapin ang takot ko at nalagpasan ko ito. Pagkatapos, lagi na akong isinasama ng
aking ama sa panghuhuli nito. Pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay ng aking mga
magulang. May pagkakataon na hirap at kami. Isa lang ang malimit na sabihin ng aking mga
magulang “maging maparaan kayo anak.” “Mag-aral kayong mabuti para sa inyong magandang
kinabukasan”. Gusto kong tulungan ang aking mga magulang. Sa pagtulong sa aking ama sa
paghuli ng Abal-abal ay nakita ko ang hirap at pagod para sa aking inaasam-asam na pangarap.

Paano ba ang paghuli ng ganitong insekto? Papakiramdam mo muna. Maya-maya lalabas


ang ito sa kanilang lungga at ito’y huhulihin. Asahan na mag-uunahan ang lahat sa paghuli nito.
Parang pista sa dami ng tao. Kanya-kanyang galon na lagayan para sa mahuhuling Abal-abal.
Minsan nag-uusap kami ng aking ama kung sino ang makakapuno ng galon ay siyang unang
uuwi. Masaya ang panghuhuli sa ganitong uri ng insekto.

Pritong Abal-abal ang paborito kong luto nito. Halos nakakarami ako ng kain tuwing ito
ang aming ulam. Paano nga ba lutuin ito? Tanggalin muna ang mga paa nito at pakpak. Sa Dami
nito, tiyak gugutomin ka talaga. Pagkatapos nito, handa ng lutuin sa kawali.Maaari mo rin itong
lagyan ng pampamsarap na pampalasa. Siguraduhin lamang na malinis ito bago lutuin.Bukod
dito, maraming iba’t ibang luto ng ganitong insekto.

Hindi madali ang buhay. Marami ka munang pagdadaanang pagsubok bago makuha ang
tagumpay na iyong inaasam. Parang sa paghuhuli ng Abal-abal. Mahihirapan ka muna sa paghuli
nito bago matikman ang sarap at linamnam ng insektong ito.

Tanong:
Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan
ng pagpili ng tamang letra ng inyong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Likas sa mga Pilipino ang maparaan upang mabuhay. Batay sa texto, ano ang ginagamit nila
sa panghuhuli ng Abal-abal?_____________. REMEMBERING -LITERAL
a. gloves at supot
b. sako at pampatulog na kemikal
c. lata at de kuryenteng bagay
d. Flashlight at basyo ng tubig
Pangalan:JOHN DANIEL B. AGUILAR
Region: CAR
Dibisyon: ABRA
text type:Impormatibo
baiting: 10
number of content words 320
2. Anong panahon kadalasan lumalabas ang ganitong uri ng insekto?
REMEMBERING -LITERAL

a. Tag-ulan
b. Taglamig
c. Tagtuyot
d. Tag-araw

3. Sa pahayag na “Isa lang ang malimit na sabihin ng aking mga magulang “maging maparaan
kayo anak.” “Mag-aral kayong mabuti para sa inyong magandang kinabukasan”.” Mahihinuha sa
pahayag ng mga magulang sa kanyang anak na _______________. UNDERSTANDING-
(INTERPRETASYON)

a. Pagpapatawad sa di-kanais-nais na gawa ng anak.


b. Pangangaral ng mga magulang sa kanilang anak tungo sa magandang kinabukasan nito.
c. Pagbibigay at pagpapahalaga ng oras ng magulang para sa kanilang anak.
d. Pagbabawal sa pagwawaldas ng pera at gamitin ito sa pag-aaral ng kanilang anak.

4. Sa pahayag na “Noong una, nandidiri ako at takot ako sa mga insekto. Isang araw, niyaya ako
ng aking ama upang harapin ang takot ko at nalagpasan ko ito.” Ito ay isang halimbawa ng
tunggalian na _______________. UNDERSTANDING- (MAPANURING PAGBASA)

a. Tao laban sa tao


b. Tao laban sa lipunan
c. Tao laban sa kalikasan
d. Tao laban sa sarili

5. Sa binasang texto, ito ang pagkasunod-sunod o hakbang kung paano ang panghuhuli ng Abal-
abal. APPLICATION (MAPANURING PAGBASA)

I. Asahan na mag-uunahan ang lahat sa paghuli nito


II. Papakiramdam mo muna
III. Maya-maya lalabas ang ito sa kanilang lungga at ito’y huhulihin

a. III, II, I
b. II, III, I
c. I, II, III
d. II, I, III
Pangalan:JOHN DANIEL B. AGUILAR
Region: CAR
Dibisyon: ABRA
text type:Impormatibo
baiting: 10
number of content words 320

6. Batay sa tekstong binasa, sino ang nagkuwekuwento sa kuwento? ANALYZING


(MAPANURING PAGBASA)

a. kapatid
b. tatay
c. nanay
d. anak

7. “Pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay ng aking mga magulang. May pagkakataon na


hirap at kami.” Anong panghalip ang ginamit sa pangungusap. APPLICATION
(APLIKASYON)

a. pagkakataon
b. magulag
c. na.
d. kami

8. Ang salitang Abal-abal ay mula sa anong lenggwahe? ANALYZING (MAPANURING


PAGBASA)

a. Ilokano
b. Ilonggo
c. kapampangan
d. bisaya

9. “Hindi madali ang buhay. Marami ka munang pagdadaanang pagsubok bago makuha ang
tagumpay na iyong inaasam. Parang sa paghuhuli ng Abal-abal. Mahihirapan ka muna sa paghuli
nito bago matikman ang sarap at linamnam ng insektong ito. Ano ang nais sabihin ng
pangunahing tauhan sa pahayag na ito? ANALYZING (MAPANURING PAGBASA)

a. Paghahanda para sa mga pagsubok na darating sa buhay


b. Magtrabaho para sa pangarap para sa mahal sa buhay.
c. Magsumikap sa buhay para sa hinahangad na maginhawang buhay
d. Pakikipagsapalaran sa hirap ng buhay.

10. Naghahanda na kami para manghuli ng Abal-abal o salugubang. Dala-dala ang flashlight,
galon ng mineral water o basyo ng tubig. Magsisilabasan kasi ang mga ito tuwing sasapit ang
tag-ulan. Masaya at kakaibang karanasan ang panghuhuli ng Abal-abal.Ito ang magsisilbing
hapunan namin. Masarap itong kainin. Ang pangunahing paksa at ideya batay sa pahayag ay
______________________ APPLICATION (APLIKASYON)
a. flashlight, galon ng mineral water o basyo ng tubig
b. Abal-abal o salugubang
Pangalan:JOHN DANIEL B. AGUILAR
Region: CAR
Dibisyon: ABRA
text type:Impormatibo
baiting: 10
number of content words 320
c. tag-ulan
d. at kakaibang karanasan.

Kasanayan sa BLOOMS TAXONOMY DIMENSYON NG


Pagbasa PAGBASA

R U An Ap E C L I M A P

1. Nagagamit ang ✓
angkop na mga
1
hudyat sa
pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari

2. Nakapagbibigay 2 ✓
ng mga halimbawang
pangyayari sa tunay
na buhay kaugnay ng
binasa

3. Naipaliliwanag 3 ✓
ang ilang
pangyayaring
napakinggan na may
kaugnayan sa
kasalukuyang mga
pangyayari sa daigdig

4. Natutukoy ang
tunggalian sa akdang
4

binasa.
Pangalan:JOHN DANIEL B. AGUILAR
Region: CAR
Dibisyon: ABRA
text type:Impormatibo
baiting: 10
number of content words 320

5. Nagagamit ang 5 ✓
angkop na mga
hudyat sa
pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari

6. Naibabahagi ang
sariling opinyon o
6

pananaw batay sa
napakinggan

7. Nagagamit ang
angkop na mga
7

panghalip bilang
panuring sa mga
tauhan

8. Naipaliliwanag
ang kahulugan ng
8

salita batay sa
pinagmulan
nito(epitimolohiya)

9. Naibibigay ang
sariling interpretasyon
9

sa mga kinaharap na
suliranin ng tauhan

10. Mitolohiya: 10 .
Nailalahad ng mga
pangunahing paksa at

ideya batay sa
napakinggang
usapan ng mga tauhan
Pangalan:JOHN DANIEL B. AGUILAR
Region: CAR
Dibisyon: ABRA
text type:Impormatibo
baiting: 10
number of content words 320

You might also like