You are on page 1of 3

Northwestern University

Laoag City
College of Teacher Education

Prelim na Pagsusulit

Dalumat ng/sa Filipino

I. Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay makatotohanan at MALI kung hindi
makatotohanan. Isulat ang sagot bago ang bilang.

1. Ang pagdadalumat ay nakatuon lamang sa pagbasa at pagsulat sa Filipino sa iba’t ibang


larang.
2. Ang pagdadalumat ay nangangailangan ng malalim na pag-iisip, samakatuwid hindi na
kailangan ang pagsasagawa ng interpretasyon.
3. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa pagdadalumat para
makaimbento ng bagong salita.
4. Ang ambagan ay makatutulong sa pagpapayaman sa kultura ng mga iba’t ibang rehiyon.
5. Masasabi ring makapagpapalago ng bokabularyong Filipino ang ambagan.
6. Ang ambagan ay isang pagpapalawak at pagpapatatag ito ng pagkilala at pagpapahalaga
sa ating kulturang pambansa.
7. Ang mga dalubhasa at mga guro sa wika lamang ang maaaring makilahok sa ambagan.
8. Ang mga mahirang na salita ng taon ay hindi dumadaan sa proseso ng pagpipili.
9. Ang pagdadalumat o pagteteorya sa Filipino ay maaring ibatay sa mga dayuhang
konsepto na akma sa konteksto ng komunidad.
10. Ang sawikaan ay bunga ng pagiging dinamiko ng wika at impluwensya nang makabago
at patuloy na pag-unlad ng teknolohiya.
11. Bilang aplikasyon ng dalumat, mahalagang kilalanin ang pinagkukunan ng dalumat o
teorya.
12. Ang kakayahan sa pagdadalumat ay nagpapakita rin ng kaalaman sa mapanuring
pangangatuwiran.
13. Hindi kailangang maging dalubhasa sa lingguwistika upang maging karapat-dapat na
kalahok sa sawikaan.
14. May malaking impak din sa kalagayang panlipunan ang nahirang na salita ng taon.
15. Nililinang din ng pagdadalumat o pagteteorya ang kakayahang pangkomunikatibo ng
isang mag-aaral.
16. Ang Iloko ay maituturing na isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas.
17. Ang maingat na pagpili ng mga salita upang makabuo ng isang konsepto o ideya sa
pagdadalumat ay hindi na kailangan pang isaalang-alang.
18. Sa pamamagitan ng ambagan, nakikilala ang mga salita ng mga iba’t ibang rehiyon.
19. Sa pamamagitan ng ambagan, nakikilala ang mga salita ng mga iba’t ibang rehiyon.
20. Ang mga salita ng taon ay yaong mga may kinalaman sa mahahalagang isyu sa lipunan.
II. Pagpili: Basahin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

21-22. Ang salitang maaaring ituring na “Salita ng Taon” ay ...


A. Bagong salin
B. Lumang imbento
C. Bagong imbento

23-24. Isang masinsinang talakayan upang piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa
diskurso ng sambayanang Filipino sa nakalipas na taon.
A. Sawikaan
B. Ambagan
C. Liknayan

25-26. Kumperensiyang nakatuon sa mga ambag na salita sa iba’t ibang wika sa Pilipinas para sa
pag-unlad ng wikang pambansa.
A. Sawikaan
B. Saling-wika
C. Ambagan

27-28. Ang Ambagan ay ginaganap kada, ilang taon?


A. Dalawang taon
B. Tatlong taon
C. Taon-taon

29-30. Ito ay paggamit ng wika sa lalong mataas na antas ng pagteteorya.


A. Pagsasaling-wika
B. Modernisasyon
C. Dalumat-salita

31-32. Konsepto o ideya na nagpapaliwanag ng relasyon ng mga bagay-bagay, sanhi at bunga ng


pangyayari, at penomenong malaki ang saklaw o epekto sa tao, kalikasan, kultura at lipunan.
A. Teorya
B. Kaisipan
C. Pananaw

33-34. Ang proyektong Ambagan ay proyekto ng ...


A. Filipinas Institution of Translation
B. Filipinas Institute of Translation
C. Institute of Filipinas Translation

35-36. Siya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.


A. Ponciano Pineda
B. Michael Coroza
C. Virgilio Almario
37-38. Alin ang hindi maaaring itampok bilang Salita ng Taon?
A. Patay na salitang muling binuhay
B. Luma ngunit may bagong kahulugan
C. Lumang hiram mula sa katutubo o banyagang wika

39-40. Ang tawag sa paliwanag o pananaw na nabuo bunga nang malalim o masusing pag-iisip.  
A. Konsepto
B. Kahulugan
C. Teorya

III. Pagpapaliwanag: Ipaliwanag o ibigay ang iyong ideya.

41-50. Ipaliwanag kung paano makatutulong ang pagdadalumat sa paglinang ng kakayahan mo


bilang mag-aaral sa malikhain o kritikal na pag-iisip.

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

MARIECRIS D. ABELA Prof. JUAN JOEBELLE S. JUAN


Instraktor Acting-Dean, CTE

You might also like