You are on page 1of 11

10

Araling
Panlipunan
Quarter 1 – Module 4:
DISIPLINA AT KOOPERASYON:
PAHALAGAHAN NATIN!
Araling Panlipunan – Ikasampu na Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: DISIPLINA AT KOOPERASYON: PAHALAGAHAN
NATIN!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad Assistant


Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Kristine P. Ursabia

Editor: Ulysses A. Valera II

Tagasuri: Noel A. Aban Belen M. Jazul Evelyn B. Lee


Donna D. Relova

Tagaguhit: Em Jhun A. Fajel

Layout Artist: Yrroprem O. Yanson


ARALIN 1
Pamagat ng DISIPLINA AT KOOPERASYON: PAHALAGAHAN NATIN!
Kagamitan/
Panimula
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kahalagahan ng pagkakaroon ng
disiplina at kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa
panahon ng kalamidad.

Mga Layunin Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

1. Natalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon


sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad.
2. Napahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagitan
ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

Talahulugan Bigyang pansin ang mga sumusunod na salita.

Disiplina - kasanayan na nagpapaunlad sa pagkontrol sa sarili, karakter at


kasinupan o ito ay nagsasaad nang maayos na pag-uugali.

Kooperasyon - ito ay tumutukoy sa pakikipagtulungan ng isang


indibidwal o grupo ng mga tao sa isa pang grupo ng mga indibidwal para sa
isang mahalagang dahilan.

Mamamayan - ito ay tumutukoy sa tao o sa grupo ng tao sa isang yunit ng


pamayanan.

NGO - Non-governmental Organization.

Pamahalaan - isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at


magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo.

Programa - tumutukoy sa aktibidad o gawain na nakaplano na; sa


pamamahala, ito ay nangangahulugan na mga gawaing nakabatay sa

1
masusing pagpaplano at may sinusunnod na kalendaryo bago ipinatutupad o
implementasyon.

Sektor - tumutukoy sa isang grupo o pangkat na namamahala sa isang


grupo o ito ang natatanging bahagi ng lipunan o ekonomiya ng isang bansa.

Panimulang Sagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa mga pangyayari nang
Pagsubok
tumama ang Bagyong Ambo sa Pilipinas. Seguraduhing ang iyong sagot ay
hindi bababa sa tatlong pangungusap.

1. Paano naipapakita ang pagmamalasakit ng mga Pilipino sa mga


nagiging biktima ng bagyong Ambo?

2. Nakita ba ang disiplina sa panahon ng pamamahagi ng relief-


goods?

3. Nakipagtulungan ba ang pamahalaan sa mga biktima?

4. Mayroon bang pagsasamantala na nangyari sa pagitan ng mga


biktima at sa pamahalaan?

2
Mga Gawain
sa Pagkatuto

Disiplina at Koopersayon sa Panahon ng Kalamidad

 Sa kasalukuyan maraming seminar na isinagawa ang gobyerno at mga


non-governmental organization (NGO) upang magbigay- kaalaman
kung paano maging handa sa paparating na kalamidad.
 Dahil sa karanasan, marami tayong napupulot na aral kung paano
maiiwasan o malilimitahan ang mga pinsala.
 Naging mas alerto ang mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan.
Marami na ring mga non-governmental organization ang tumutulong
sa paghahanda.
 Ngunit lahat ang adhikain ng gobyerno, maging ng mga NGO ay hindi
magiging matagumpay kung hindi makikipagtulungan ang mga
mamamayan.
 Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago,
tuwing, at pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang kaligtasan at
mapadali ang pagpapatupad ng mga plano.
 Sa disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan, maraming buhay at
ari-arian ang maaaring mailigtas.

3
Mga
Pagsasanay

Pagsasanay 1

Magbigay ng masusing pagpapaliwanag tungkol sa mga sumusunod na


katanungan.

1. Ano ang maaaring kahihinatnan ng nga tao kung walang disiplina at


kooperasyon sa oras ng kalamidad?

2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagitan


ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad?

Pagsasanay 2: Web Organizer

Kumpletuhin ang organizer ng iyong mga karagdagang mungkahi kung


paano mapanatili ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagitan
ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

4
DISIPLINA
AT
KOOPERASY
ON

Pagsasanay 3: Me and My Journal

Itala sa iyong kuwaderno ang natutunan mo sa araling ito.

Ang aking natutunan ay

5
Pangwakas na Gumawa ng sanaysay na naglalaman ng hindi bababa sa 50 salita na may
Pagsubok
pamagat na:

“Displina at kooperasyon Susi Tungo sa Kaunlaran ng isang


Pamayanan.”

Rubrics sa Gawain
1. Nilalaman 5
2. Organisasyon 5
3. Kawastuhan 5
Kabuuan 15

Karagdagang Gumupit ng 5 larawan mula sa mga lumang pahayagan o magasin na


Gawain
nagpapakita ng pagkakawang gawa, kooperasyon sa pagitan ng mga
mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kagipitan at ipaskil ito sa
kwaderno. Lagyan ng deskripsyon ang bawat larawan.

6
SUSI SA PAG WAWASTO

Panimulang Gawain
1. Sa mga pangyayaring dulot ng bagyong Yolanda noong 2013, kapansin-pansin ang
aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa
Visayas. Naipapakita ng mga mamamayang Pilipino ang likas na pagkamatulungin sa kapwa
sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansyal at pagbibigay ng mga pangunahing
pangangailangan sa mga biktima ng bagyo.

2. Oo

3. Oo

4. Oo

Pagsasanay 1
1. Ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan ang susi sa isang
mapayapa at matiwasay na bansa. Kung ang mga tao ay walang disiplina ta kooperasyon sa
oras ng kalamidad ang lahat ay maaaring mapahamak. Nagdudulot ito ng malaking problema
na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

2. Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at pagkatapos


ng kalamidad upang mapanatili ang kaligtasan at mapadali ang pagpapatupad ng mga plano.

Pagsasanay 2
Mga posiblen sagot na isulat sa Web Organizer:

1. pagiging positibo
2. pagpapanatili ng komunikasyon
3. Bigyang pansin ang mga babala
4. pagkakaroon ng access sa mga plano ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad

7
5. Bumuo ng ugnayan
6. pagiging handa sa lahat ng oras
7. Alamin at magpapatuloy sa pag-update

Pagsasanay 3
1. Nakakatulong ito para mabawasan ang masamang pwdeng mangyari sapagkat ang
kalamidad ay walang pinipiling tao at lugar at ano amang sitwasyon.

2. Magbigay ng karagdagang mungkahi kung paano mapanatili ang pagkakaroon disiplina at


kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

8
For inquiries or comments, please contact:

You might also like