Professional Documents
Culture Documents
Lakambini
Lakambini
sainyong lahat
Narito po ang pangkat isa
Nandito tayo upang ating alamin
Pakinggan natin ang mga saloobin
Ng mga mambabalagtas sa ating usapin
Ako po muna ay magpapakilala
Tatayong lakambini sa ating paksa
Francine kaye Cruz po aking pangalan
Hadlang tumimbang ng mga katwiran
Tungkol sa pagibig sadyang kay tamis
Anong pipiliin sa katuwang damdamin
Puso ba o Isip,alin Ang susundin
Nang ating makamit ang layunin?
Alin ang susundin anong dapat ang una
Puso ba o isip alin sa dalawa.?
Pakinggan natin ang damdamin ng puso at isip.
Mambabalagtas:
Isip:
Minsan, puso, ika’y mapanlinlang
Minsan mo na akong dinaya sa iyong mga nararamdaman
Ngayong may pagkakataong ihayag ko ang aking mga ideya
Di ko na hahayaang masaktan pa sya
Sapagkat, ikaw puso, at sya na ating pagkatao,
ay nais kong maging masaya.
Puso:
Isang beses lamang ako nagkamali, isip
Sa dinami dami ng ating pinagdaanan
Hindi mo ba hahayaang ang ating mahal na pagkatao ay tuluyang maging
maligaya?
Isip:
Sa isang pagkakamali mo, puso
Natutunan kong maging malakas
Natutunan kong unahin muna ang sarili ko
Sa bawat pagkakamali na nagawa mo
Hindi lang ikaw ang nasasaktan, pati ako
Sa bawat pagkakamali mo, lagi mong tatandaan
Ang aking mga natutunan ang syang magbibigay
direksyon sa iyong tatahaking daanan
Puso:
Tama ka, isip, hahayaan kitang mag-isip
Pero hindi mo mapipigilan, aking nadarama kahit isang saglit
Pag-ibig na syang kakaiba
Alam mo namang hinahanap-hanap ko na
Isip:
Mas makabubuting hindi tayo magtalo
Bagkus, hayaan natin sya sa kanyang mga plano
Kung may balanse sa iyong damdamin at sa aking ideya
Sigurado, pag-ibig na wagas at tunay, kanya nang madarama.
Pareho dapat pinaiiral ang utak at puso sa lahat ng bagay. Utak para
magabayan ang puso sa pagpili ng mga desisyon sa buhay maging sa
buhay pag-ibig. Hindi kasi maganda kung masobrahan ang paggamit ng
puso sa mga desisyon kung hindi naman pinag-iisipan ang mga bagay-
bagay.
Sauulitin,