You are on page 1of 4

Ynah:

Magandang araw aming madla!

Naway bukas ang inyong puso’t utak upang marinig ang aming mga puna

Ukol sa nararapat, itinitibok ba ng puso o iniisip ng utak.

Halina’t simulan ang harapan sa panig ng Puso(na itinitibok parin ay ikaw, char!)

Ven:

Puso ang dapat sundin

Kung ang tatahakin

Ay ang kaniyang nanaisin

Lubos na sarili ay ang mimithiin

Hindi laging tama ang isip

Paligoy ang maaaring ihip

Komportable ba sa pasya?

Kung ang salungat ay siya?

Landas ito sa kislap

Ng mga matang may pangarap

Ang gusto ay makakamit

Kung ang malayang puso ay isusungkit

Eunice:

isip ay madalas kumakampi sa lohikal na desisyon

kung puso ay gagamitin, maaaring madala sa emosyon

pwede tayong makagawa ng kamalian

matatanto ang desisyong pagsisisihan


direksyon ng ating patutunguhan

kasing-liglig ng hanging amihan

maayos at magandang buhay

puso ay tiyak na mauumay

kaya tila mas mabuti ang paggamit ng isip

desisyon ay siguradong di maiinip

mas madaming bigay na oras

upang tingnan ang lagay ng bukas

Ynah:

(Commentary on the argument & Transition to the other opponent)

Rosa:

Mas maganda kung puso ang pipiliin,

Posibleng maging masaya ka sa iyong desisyon,

Ngunit hindi ka namin pipilitin.

Kapag galing sa puso ang iyong desisyon,

Di pwedeng ikaw lang may gusto, walang ganon.

Kailangan siguraduhin at pakiramdaman,

Hindi panindigan ang taong may pusong walang laman.

Maja:

Totoong puso ang nagbibigkas ng gusto

Ngunit di ito palaging totoo

Makinig ka sakin aking kaibigan

Kung iyong puso’y susundin, meroon ka bang kahahantungan?


Kung di gagamitin ang utak,

Pano magiging tama ang mga desisyon na ibinabalak?

Yong buhay ay magkakawatak-watak

Kung di naman tama ang iyong mga apak

Di bale na ang nararamdaman,

Bagkus yan ay panandalian lamang.

Mas nakakabuti’y magisip,

Dahil ang iyong gagawin ay di isang panaginip.

Venice:

pagsisisi ay maari mong kahantungan

para lamang itong pag-ibig na langgam

maliit ngunit may pasabog na idadaan

Rosa:

Kaya't puso ay dapat sundan

upang hindi tuluyang mag-alinlangan

kung nais maabot ang maliwanag na buwan

Maja:

Paano mo maaabot ang liwanag

Kung ang daanan ay di patag

Eunice:

Tama ka diyan kapatid!

Tumay na utak ang nagbabatid

Ynah:

Hep! (with hand movements) Ihinto ang sagutan,

Bagkus wala tayong mararating diyan.


Nandito kayo para mapunan ang aming katanungan.

Di para magsagutan.

Naway lahat ay makakamit ang gusto (look to the side of utak (maja and Eunice))

Aking payo’y wag rin magpakakuntento (look to the side of puso (venice and rosa))

Naiparating na namin ang aming punto

Maraming salamat aming madla, dito na kami hihinto

You might also like