You are on page 1of 1

“Midst of Everything”

By: Eunice Vicencio

Sa mundong kay gulo,


Isama mo na ang mga mapanghusgang tao.
Ano nga bang saysay ng buhay ko?

Madaming masasakit na nangyare,


Na kahit ako ay di ko na mawari,
Isipan ko’y di mapakali,
Saan ba ako nagkamali?

Nakakapagod na,
Pede bang tama na?
Kung maaari ko lang maibalik ang nakaraan,
Kung saan tayo’y masaya pa.

Di ko mapagtanto saan tutungo ang buhay ko,


Ngunit nagpag-isip isip ko na ang lahat ng ito ay nakaplano,
Na balang-araw ang lungkot ay mapapalitan ng saya,
Ngiting makikita sa iyong mga mata at tila pa’y abot hanggang tenga.

Magtiwala ka lang sakanya,


Isang tawag mo lang ay makikinig na agad siya.
Di mo man marinig ang boses niya,
Wag kang mag-alala dahil ang lahat ay naaayon sa plano niya.

You might also like