You are on page 1of 1

Matagal na rin pala, halos mag-iisang taon na ang nakalipas

nang nagsimula ang pandemya, maraming nawalan ng negosyo at


trabaho dahil sa kumakalat na sakit na ito at, nagkaroon ng
mahabang oras at panahon ang mga kabataan na gawin ang nais nila,
ang iba'y ginamit ang oras na ito upang matuto ng bagong kaalaman
at talento, ang iba naman ay ginamit ito upang magpahinga at
maging malapit sa pamilya,

Ginamit ko ang napaka habang oras na ito upang gawin ang


mga gusto kong di ko magawa dati sapagkat wala akong oras,
manood ng "anime" at magbasa ng "manga", tapusin ang mga laro
kong di ko pa natatapos, magkaroon ng rangong "mythic" sa larong
ML, at dahil sa kabagalan ng paglabas ng "manga" natuto aking
magbasa ng "light novel" o bersyon na mauuna at puro salita
lamang, dahil di ko alam kung nasaan ang parte na pinaka bago sa
"manga" ay inunpisahan ko uli ito, natuto ako na napakalakas
gumamit ng oras ang pagbabasa, mahirap din na itigil nalang bigla
sapagkat nakakinis kapag naiiwan mo yung isang magandang parte.

Di maganda ang mga nangyari sa panahon ng pandemya,


marami ang nawalan ng trabaho, nakaroon ng sakit at naghirap
ngunit sa kabila nito ay meron ding pag-asa, ang iba'y nagkaroon ng
trabaho na mas maganda pa kaysa sa nakaraang trabaho nila,
nakadiskubre ng kanilang talento at paraan upang magkaroon ng
negosyo, at katulad ko na nagkaroon nang bagong kaalaman at
kahihiligan.

You might also like