You are on page 1of 1

Hindi ko alam kung paano ko to sisimulan

kasi ang totoo wala naman talaga tayong nasimulan

kasi kung ikukumpara ito sa libro,

hindi mo naman talaga binasa ang buong kwento

kase sa sobrang pagmamadali mo siguro,

synopsis na lamang ang binasa mo

para lang masabi mo kung ano nga ba ang laman ng kwento.

Tulad sa kwentong ating binuksan, Tinapos mo agad ang istorya

Ang masakit lang don, kase nauna kang nagbasa sa ating dalawa

Habang ako andito pa rin nagbabasa kahit na ako nalang mag isa

habang ikaw naisara mo na ang huling pahina

Sana lang, sa susunod na magbabasa ka

Basahin mo na ng buo yung libro

Para mabasa mo yung mga importanteng parte

At malaman mo din ang buong detalye

Nang sa ganon masabi mo kung panget ba o maganda ang kwento

At pwede ba? Kung may kasabay kang magbabasa,

Hintayin mo siya sakanyang pagbabasa

kase kung sabay kayo nagbukas ng libro

dapat sabay din kayong magsasara ng huling pahina

Hindi yung iiwan mo nalang siya bigla.

You might also like