You are on page 1of 1

REBYU PATUNGKOL SA: ANG MGA

KAIBIGAN NI MAMA SUSAN


Ito ay isang kuwento na isinulat ni Bob Ong. Kuwentong sa pamagat, ay di mo aakalaing puno
din pala ng misteryo sa loob ng kuwento. Nakasulat ang libro sa paraang pag binasa ay parang
tayo mismo ang nakararanas nung pangyayari. Umiikot ang kuwentong ito sa lalaking, labing-
anim na taong gulang, na si Galo. Sa kuwentong ito, siya’y gumawa ng kaniyang diary o journal
entry at dito inilalagay niya ang kaniyang mga gawain o napagdaanan sa isang araw. Ginawa
niya ito dahil isa ito sa ipinapagawa ng kaniyang guro na ang ngalan ay Lao. Ngunit kahit na
natapos na at naipasa niya na ang ipinapagawa ay hindi niya pa din itinigil dahil nagustuhan
niya na rin ang pagsusulat. Kaya nagpatuloy s’yang mag sulat tungkol sa mga nararamdaman
niya sa kaniyang pamilya, sakit na mula sa pagmamahal niya at kung ano-ano pang tinitiis niya
sa buhay. At mula doon nagpatuloy sa pagkaranas ng mga katakot-takot at kahabag-habag na
mga pangyayari.

Nalaman at nabasa ko ang istoryang ito sa pamamagitan ng pagiging isang proyekto sa isa
naming kurso. Sa simula, ang paningin ko sa kuwentong ito ay masayahin at madali lamang
basahin. Pero nabigo ako ng unang impresyon na iyon dahil hindi pala magiging ganoon ang
mararanasan ko. Halo-halo ang naramdaman ko habang binabasa ito. Mga hindi maintindihan
na sitwasyon, nakakagulo ng pag iisip, sa kung ano ang mga salitang hindi maintindihan. At
ang kutob na naramdaman ko ng makaabot sa bahaging may mga ibang salita na ang
naidadagdag sa kaniyang journal entry. Kutob kung saan ay tama pala hanggang sa huli ng
aking pagbabasa.

You might also like