You are on page 1of 2

1.

Sinabi ni Schumacher (2006) na malamang nakuha ni Rizal ang kopya ng manifesto ng 1864
mula kay __________________, na bukas sa mga liberal na ideya ni Burgos.

2. Ayon kay Schumacher (199), ginawa ni Fr. Jose Burgos na isang usaping panglahi ang
sekularisayon matapos ang kamatayan ni Fr. Pelaez sa pamamagitan ng paggigiit na hindi
mababa ang mga indio sa mga Espanyol at nararapat na maging kura parako. TRUE

3. Bakit nabaligtad ang patakaran ng sekularisayon sa Pilipinas simula ng 1820s bunga ng mga
digmaang pangkalayaan sa mga kolonyang Espanyol sa Amerika, particular sa Peru at Mehiko?

4. Ginamit ni Guillermo Agudo, ang procurador ng mga Recoleto sa Madrid ang kanyang mga
kakilala sa pamahalaang Espanyol para makakuha ng mga parokya ayon sa direktong royal ng
1861, subalit higit na makabuluhan ang Audencia de Manila,na nagdesisyong ibigay ang
Antipolo, ang ‘perlas ng mga parokya’ dahil itinuring itong sanktwaryo ng Nstra Snra da la Paz y
Buenviaje. TRUE

5. Sinabi ni Blanco (2010) na bilang unang pinunong creole na humawak ng makabuluhang


posisyon sa simbahan, ang mataas na edukasyon ni Pelaez, ang kanyang pamamaraan ng
pagtatrabaho, ang pagiging matatag sa paninindigan, at ang kanyang pagpapahalaga sa sarili
ang nagbunga ng ilang uri ng MGA KAPARIAN kaysa sa mga isinilang sa kapuluan na
kapantay ng mga DAMDAMING MAKABAYAN.

6. Ipinapahiwatig ang nasyonalismong creole, sinabi ni Schumacher (2006) na nagsimulang


idalumat ang mga clerigong “Filipino” ang sarili, lalo na ang pumirma sa manifesto ng 1864,
bilang Anak ng Bayan na ipinanganak sa bansa at may pagkakakilanlan dito, maging creole,
mestisong Tsino o Espanyol, Indio. TRUE

7. Sa bias ng Patronato Real na ibinigay ng Vatican noong huling bahagi ng ika 15 at unang
bahagi ng ika 16 dantaon, sinuportahan ng korona ng Espanya ang pagpinansya ng mga
misyon, kapalit ng ganap na control sa katolikong simbahan sa mga kolonya ng Espanya.
TRUE

8. Sa halip na tawaging mutin, sinabi ni Schumacher (2011) na isang bigong separatistang


REBOLUSYON/HIMAGSIKAN ang tinatawag na Mutin sa Cavite dahil nanatiling tapat sa
Espanya ang mag-aaklas na katutubong sundalo.
9. Ayon kay Blanco (2010), ang “pinakamalapit na panahon” para kay Pelaez at ang mga paring
diocesano ay ang pagpapalabas ng kautusang royal ng 1861 na naguutos na bayaran ang mga
Heswita sa mga parokya ng Kabite na pinanghahawakan ng mga paring katutubo, kapalit ng
mga parokya sa Mindanao na ipapasa sa mga Rekoleto. FALSE

10. Noong 1760s, nagtatag si Arsbp. Basilio Sancho de Santa Justa ng “crash program” na
nagbunga ng mga katutubong paring secular na hindi gaanong handa, at sa susunod na
dantaon pa lamang magkakaroon ng pag-unlad ng pagsasanay ng mga katutubong prayle.
TRUE

11. Ayon sa opisyal na bersyon ng pamahalaan, dalawa ang layunin ng rebelyon sa Cavite: (1)
magtatag ng probinsyonal na pamahalaan sa ilalim ng Fr. Burgos; at (2)
__________________________

12. Tumutukoy ang kontrobersya sa visitacion sa tunggalian ng mga paring regular na igiit ang
kalayaan sa pagkilos laban sa kagustuhan ng MGA OBISPO na igiit ang kapangyarihan sa
pamamahala ng mga dioceses.

13, Naganap ang pag-aresto kay Burgos at iba pang pari bilang patunay na kasangkot sila sa
mutin ng Cavite, subalit hindi ipinakita sa Arsobispo ng Maynila ang mga patunay, at hindi
pinayagan ng huli na alisan ng abito ang mga pari bago sila bitayin. FALSE

You might also like