You are on page 1of 2

PAKSA:

The How’s of Us

TEMA: Ang dalawang magkasintahan na nagsama bilang mag-asawa na


sumugal sa kanilang mga pinangarap sa hirap at ginhawa ng kanilang buhay

TAGPUAN:

Pilipinas at Amsterdam

MGA TAUHAN:

 Cathy Garcia-Molina – Direktor

Kathryn Bernardo – bilang Georgina “George”

Daniel Padilla – bilang Primo Alvarez

Jean Garcia – bilang Mama Baby Reyes

Ria Atayde – bilang Awee

Darren Espanto – bilang Yohan Silva

Susan Africa – bilang Lola Leonida

Odette Khan – bilang Mrs. Abellera

Kit Thompson – bilang Darwin

Juan Miguel Severo – bilang Mikko

BUOD NG PELIKULA:

Nagsimula ang kwento sa dalawang mag-aaral na sina Primo at George


na nagkakilala sa isang contest ng gilas-talino. Di kalauna’y naging
magkasintahan ang dalawa at sabay na tumahak sa pagtupad ng mga pangarap.
Si primo ay isang musikero na nagpapakahirap upang magkaroon ng
magandang “Break” sa industriya habang si George naman ay nagsisikap na
mag-aral upang maging isang doctor.

Hindi gano’n kadali par aka Primo ang marating ang hinahangad kaya
nama’y nalugmok ito sa mga problema na bumabalakid sa pangarap niya. Si
George bilang isang kasintahan, liban sa hirap pagsabayin ang pag-aaral at mag-
intindi sa mga illogical na ginagawa ng kasintahan ay hindi pa rin sumusuko sa
relasyon kahit pagod na. Hanggang isang araw, dala ng matinding pagod,
umuwi si Primo nang lasing gaya ng nakagawian na nagpapun sa pagtimpi ng
dalaga kaya’t nakapagsambit na ito ng mga salitang pagod na sa siya at nais
niya nang sumuko. Bilang pagsunod sa kagustuhan ni George ay agad namang
umalis si Primo.

Sa ilang taong paghiwalay, nagkaroon ng pagkakataon si George upang


tapusin ang kursong tinatahak ay gayundin si Primo na pumuntang ibang bansa
upang puntahan ang kanyang ama at hanapin ang sarili. Namatay ang lola ni
George kung saan nakatira noon ang dating magkasintahan at tinuluyan pa rin ni
George hanggang sa ngayon. Samantala, bumalik si Primo galling sa ibang
bansa at pilit na nais manatili sa bahay na iyon dahil sila raw ni George ang
nakapangalan sa last will and testament ng yumao.

Sobrang hirap bago nakuhang muli ni Primo ang pagmamahal at tiwala ni


George habang sila ay nakatira sa iisang bahay, ngunit sa huli ay lumambot na
rin ang puso ni George at nagkaroon sila ng pagkataong magkabalikan at
magsamang muli.

You might also like