You are on page 1of 3

Pagbuo, Pag-uugnay, at Pagbubuod

The Hows of Us

Buod nina:

Kyron Dave Marqueses

Bob Jhae Cañeza

Angelo Paolma

Ang pelikulang “The Hows of Us” ay isang lokal o nagmula sa bansang Pilipinas.
Ito ay nagtataglay ng mga pangyayaring sinusuportahan ng tagapagsalaysalay na isa
ring bida sa pelikula. Nakapagtatakang nagpakita ng pag-aaway ang dalawang bida sa
unang bahagi ngunit ito ay sumasalamin sa kasalukuyang panahong ginabayan ng mga
sumunod na eksena upang ipaliwanag kung bakit humantong sa ganoong sitwasyon.

Si George at Primo ay isang magkasintahang nahulog sa pagmamahalan nang


mahigit pitong taon. Nagsimula ang kanilang kwento mula nang sila ay nag-aaral pa
lamang. Unti-unting niligawan ni Primo si George na nagdala sa puntong pagsagot nito
sa pamamagitan ng paghalik habang kumakanta sa entablado. Ang pagbalik ng
nararamdaman ay nagmula sa katangiang hindi pagsuko, palaging na riyan,
pagkasundo sa pamilya, pagsusumikap para sa ikabubuti, at ang pag-ibig sa kanyang
passion. Nagpatuloy ang pag-iibigang ito hanggang sa mawala ang kanilang Tita Lola.
Sa pamamagitan nito, pinaubaya niya na ang pagmamay-ari ng bahay sa
magkasintahan. Ito ay fifty-fifty na nangangahulugang tig-kalahati ang pagmana.
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon, at unti-unting natatalo ang kanilang estado. Si
George ay nagpatuloy sa pag-aaral upang maging doktor. Samantalang si Primo ay
pinagpatuloy ang kanyang pagtugtog kasama ang kanyang mga kaibigan na sila Bowie,
Axel, at Hiro. Ang kanilang pagsasama ay hindi naging madali sapagkat ito ay
humantong sa pag-aaway, paghihirap, kawalan sa pang tustos ng mga
pangangailangan, at ang paghihiwalayan. Nahirapan si George na ayusin at pagtibayin
ang kanilang relasyon dahil buong suporta ang kaniyang ibinabahagi sa pagtutog ni
Primo habang siya ay nag-aaral para sa National Medical Admission Test. Hindi rin
naging madali ang naging kalagayan ni Primo sapagkat kanyang ipinilit ang
pagpapatuloy ng kanyang passion laban sa pag-alok ng kanyang tatay ng trabaho sa
bansang Italy bilang isang katulong. Nagsimula ang kanilang paghihiwalayan sa
kaarawan ni George nang ito ay inilibas ang kanyang tunay na nararamdaman at
paghihiwatig na siya ay “pagod na”. Nadismaya dahil record label ang iniregalo imbis na
cupcake para sa kanyang kaarawan. Samakatuwid, tunay na umalis at sumuko si Primo
matapos paalisin nito ni George.

Matapos ang dalawang taon, si George ay naka-usbong sa kahirapan at


nagkaroon ng panibagong kaibigan na si Awee, at ng trabahong maglilingkod sa
kanyang pamumuhay. Nagbalik si Primo nang mayroong pagbabago, pagkatanto, at
paninindigan sa bahay nila ni George. Nang dahil sa pagkawala ni Primo,
napagdesisyunan ni George na ibenta ang bahay, ngunit ito ay tinutulan ni Primo. Siya
ay bumalik upang itama ang mga pagkakamali at hangaring maging sila muli ni George.
Tumagal muli ang kanilang pagsasama sa iisang tahanan at unti-unting napapansin ni
George ang mga pagbabago at pagiging mabuti ni Primo sapagkat ito ay sumusulong
sa mga trabahong dati ay hindi kaaya-aya para sa kanya. At humantong muli sa
puntong umikot na naman ang mundo ni George para kay Primo ngunit ito ay tumanggi
at iniwan si Primo papunta sa kanyang kaibigang si Mikko. Siya ang kaibigang doktor at
tagapagpayo sa mga sitwasyong kinahaharap ni George. Kinabukasan, agad na
sumugod si George sa kanyang pamilya dahil sa nalamang pahayag mula kay Primo na
lumala ang kalagayan ng kanyang kapatid na si Yohan. Sa pamamagitan nito, sumang-
ayon na si Primo na ibenta ang bahay upang matulungin ang hangaring makita ni
Yohan ang kanyang ama. Tinulungan at nakamit nila Primo ang ticket papuntang
Amsterdam sa pamamaraang pagbenta nito ng mga naipong record label. Natuloy at
natulungan silang hanapin ang ama nila George dahil sa pinsan ni Primo na si Darwin.
Sa kasamaang palad, nalaman nilang namatay na ang kanilang ama dahil sa
aksidenteng sasakyan. Sa kanilang paglalakbay, nalaman ni George ang naging
karanasan ni Primo sa bansang Italy sapagkat tinulungan nito ang kanyang pamilya
dahil sa kinahaharap na problemang pangkalusugan ng kanyang tatay. Siya ay
nagtapon ng pride nang ito ang sumalo sa hanapbuhay ng kanyang minamahal,
partikular ang pagiging isang katulong o tagapaglinis. Natapos ang kanilang
paglalakbay sa Amsterdam sa pagkita ng magkasintahan ng bukirin ng mga bulaklak.
Hindi man nakita ang pinapangarap na hilig na bulaklak ni George na tulips, nasuklian
naman ito ng mga ibang magagandang taniman ng bulaklak. Sa puntong ito, samu’t-
saring pagtatanto ang ibinahagi ni Primo kay George patungkol sa pagkakamaling
pagsuko nito sa kanilang relasyon. Ang pagtatantong hindi sa lahat ng bagay ay
direktang nakukuha ngunit pinapalitan ng mas mabuting pagkakataon at biyaya.
Pagtatantong pagiging mas mabuting pagkatao at matuto sa mga pagkakamali. At ang
pagtatantong pagiging isa at pagsasama sa daloy o agos ng buhay. Matapos ang
pagpunta sa bansang Amsterdam, kumpirmadong naibenta ang kanilang bahay kay
Mrs. Abellera. Kinabukasan ng kanilang pag-uwi ay natuloy ang pag-alis nila Primo sa
kanilang tahanan at habang ibinibenta ang mga bagay, mga alaala ang mga
nagpapakita. Habang inaalis ang mga pagmamay-ari, nakita ni George ang dating
record label na iniregalo ni Primo para sa kanyang kaarawan at kasalukuyan lamang
napagtanto ang nilalamang mensaheng isinulat ni Primo. Sulat na humihingi ng
pasensya sa likod ng kaniyang mga pagkukulang habang kinahaharap ang kanilang
problema kasama ang mga “paano” na nais ihain para kay George at manalo sa
kanilang laban. Napagtanto ni George na patawarin at tanggapin muli si Primo.

Bilang wakas, lumipat na si Mrs. Abellera sa kanyang panibagong tahanan.


Kinakausap niya sila Primo at George tungkol sa bahay at sa pagsubok na
pinagdaanan nila. Isa sa mga mensahe na ibinigay ni Mrs Abellera sa kanila ay,
“kailangan manatili kayong dalawa, hindi kayo ang magkalaban, kailangan kayong
dalawa ang lumaban, at ang kailangan niyo lamang ay pasensya, matutunan ninyo rin
yan, at uunlad kayong magkasama.”

You might also like