You are on page 1of 2

GANAREAL, JOHN ARIES CESAR S.

BSIT-2L

IKATLONG BAHAGI
F. BANGHAY (PART F4-F7)
F4. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inaawit ni Fely sa pagtugtog ng kanilang banda ang mga awiting nagkukwento ng
kanyang nakaraan. Nang nawala ang kanyang asawa na isang marino, at namatay ito sa panahon
ng kanyang paglilingkod na naging dahilan ng kanilang paglipat sa Maynila ng anak nitong si
Ramoncito. Sa kabilang banda, si Ramon ay nagkaroon ng matinding sakit na akala nila ay hindi
na malulunasan hanggang sa isang araw, isang estranghero ang sumagip ng buhay nito. Habang
sila ay tumutugtog, si Fely na gumaganap bilang Odrey, ay nilapitan ng musical talent scout na si
Lorenz sa sarili nitong karinderya, na nag-aalok ng pagkakataong ilunsad ang kanilang banda sa
madla.

F5. KASUKDULAN
Natuklasan ni Bert ang pagkakakilanlan ni Fely matapos nitong matuklasan ang mga
niregalo nitong pustiso sa kanya sa mga bagay na pag-aari ni Odrey, habang hinahanap si Fely
kasama si Ramoncito. Matapos ang pagkamatay ni Lulu, matapang na hinarap ni Odrey ang
pagkamatay bilang matatanda. Pagkatapos nyang magkaroon ng isang maliit na sugat sa kanyang
paa bago amg isangbsession ng kanilang pagtugtog ay nasilayan ni Bert na bumalik sa estado ng
pagkakulubot si Odrey na nagpapakita ng senyales na bumabalik ito sa kanyang tunay at tamang
edad. Ginamot ni Bert ang hiwa sa paa ni Odrey, ngunit kinompronta ito ng anak nyang si
Minnie na namilit na umalis si Fely na lumayas sa apartment, dahil inakala nitong kasal ito sa
kanyang ama. Si Fely ay nanatili si lugar ni Lorenz, na kung saan iti ay nakakasama nya sa
musikang retro. Nagalit si Jeboy dahil sa pagiging malapit ni Lorenz kay Odrey, at napagtanto
nito na baka ito ay romantikong interesado sa kanya. Tinanggihan ni Fely ito dahil walang kaide-
ideya si Jeboy na si Odrey ay ang kanyang lola.

F6. KAKALASAN
Sa kanikang Summerslam Concert, sinabi ni Lorenz sa kanyang mga kabanda na dapat ay
tumugtog sila kahit na wala si Jepoy, dahil ito ay nabangga ng isang kotse habang papunta sa
venue at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon. Noong una ay ayaw pumayag ni Fely/Odrey
ngunit kalaunan ay pumayag itong tumugtog para mapanatili ang banda ni Jeboy sa lineup. Sa
ospital kasama sina Bert at Ramoncito na sa wakas ay nalaman na ang tunay na pagkakakilanlan
nito, napagpasyahan ni Fely/ Odrey na magdonate ng dugo para kay Jeboy, kahit na binigyan na
sya ni Bert ng babala na ang mga epekto ay maaaring hindi na maibalik tulad ng dati. Binigyan
sya ng ng pamimilian ni Ramoncito na umalis at mamuhay sa buhay na gusto nito, sa kondisyon
na sinusubukan nyang gumawa ng isang mas mahusay na buhay para sa kanuang sarili kaysa sa
kasama nya at ng kanyang amang nawala. Maluha-luhang sinabi ni Fely/Odrey kay Ramon na
parati nyang pipiliin ang buhay na nabuhay sya bilang kanyang ina, at nagyakap sila. Pagkatapos
nito, si Fely/Odrey ay nag-donate ng kanyang dugo para sa apo nitong si Jeboy, at muling
bumalik si Odrey sa kanyang normal na anyo, ang matanda nyang sarili.

F7. WAKAS
Matapos gumaling ni Jeboy ay pinanood nila Fely at ng pamilya nito ang concent ng
kanyang apo kasama si Hana bilang bagong bokalista ng banda. Kalaunan ay nilapitan si Fely ng
isang tila misteryosong lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo, na ibinunyag na si Bert ito
matapos bumalik sa mas batang bersyon na sarili nito sa tulong ng Forever Young Photo Studio.
Binigyan sya nito ng isang pumpon na bulaklak, at si Fely at Bert ay umalis na sakay ng
motorsiklo.

You might also like