You are on page 1of 2

Psychie C.

Apatan
BSMA 1-8

“Pag-ibig sa panahon ng Ligalig”

Ang pag-ibig ay isang makapangyarihang tinig sa gitna ng dalawang taong lubos na


umaasa sa kanilang bukas. Ang isang taong nagmamahal ay hindi mapipigilan hanggang
kamatayan.

Ipinakita ito sa aking napanood ukol sa pagmamahal ng dalawa sa ating tinitingalang bayani ng
bansang Pilipinas at ito ay sina Andres Bonifacio at Dr. Jose Rizal. Sa unang parte ay isinalaysay
ang istorya ng pagmamahalan nina Gregoria De Jesus (Oriang) at Andres Bonifacio. Makikita
dito kung ano ang kanilang pinagdaanan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol at
pagtatanggol sa bansa. Bagama’t tutol ang ama ay hindi natinag si Oriang sa kanyang
pagmamahal kay Bonifacio at siya ay sumulat ng liham sa Gobernadorcillo ng bansa patungkol
sa kanyang kalagayan sa kamay ng ama.

Ang kanilang pagmamahalan din ay napatunayang wagas hanggang sa susunod na habang-


buhay. Ito ay sa kadahilanang gumawa ng mga liham si Oriang para kay Andres Bonifacio nang
ito ay mamayapa na. Ang kanyang mga sulat ay puno ng pagdadalamhati at pag-ibig para sa
kanyang tinatangi.

Sa kabila ng pagtangis, si Oriang ay nakakilala ng isang lalaking magmamahal sa kanya nang


buo muli gaya ng pagmamahal ni Bonifacio at ito ay sa katauhan ni Julio Nakpil. Sila ay ikinasal
at nagkaroon ng mga anak. Ang kanilang pagsasama ay puno ng katahimikan at kasiyahan na
hindi matutumbasan nino man, dito ko nasaksihan ang isang pag-ibig sa kabila ng sakit ng
kahapon.

Sa ikalawang parte naman ay natunghayan ko ang uri ng pag-ibig na nakamit ni Dr. Jose
Rizal sa kanyang iniirog na si Leonor Rivera. Ang kanilang pagmamahalan ay may halong
pagsisisi dahil si Leonor ay nakasal sa ibang lalaki. Bagama’t si Rizal ay may marami-raming
babaeng nakilala sa kanyang buhay, sinasabing si Leonor ang isa kanyang pinaka-inibig dahil
sinasabing may nakasaksi sa kanyang pag-iyak na tila bata nang ikasal si Leonor sa ibang lalaki.

Ipinapakita lang dito na ang pag-ibig ay hindi palaging masaya, ito ay ka-kabit din ng pagtangis
at sakripisyo. Marahil ay masyado pa akong bata upang malaman ang mga bagay na ito ngunit
ang mga ganitong uri ng pagmamahalan ay ang pagmamahal na karapat-dapat para sa atin.

You might also like