You are on page 1of 1

Buod ng Ibong Adarna

Nainirahan sa Berbanya ang Hari at Donya at ang kanilang tatlong anak,


ngunit ang Haring Fernando ay nagkasakit. At ang gamot lang nito ay ang
Ibong Adarna. Kaya’t inutusan ang dalawang anak na sina Don Pedro at Don
Diego na maglakbay at hulihin ang Ibong Adarna ngunit hindi sila
nagtagumpay. Kaya’t sinubukan rin ni Don Juan maglakbay patungo sa Puno
ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor, at nagtagumpay sa paghuli ng Ibong
Adarna at niligtas niya na rin ang kanyang dalawang kapatid. Nang pauwi na
sila nagtaksil ang dalawang kapatid kay Don Juan at kinuha ang Ibong
Adarna at tumakas. At nung pagdating nila sa Kaharian hindi kumanta ang
Ibong Adarna at lumubha ang sakit ng hari. Pero nung nakauwi na si Don
Juan duun na kumanta ang Ibong Adarna at gumaling ang kanilang ama na si
Haring Fernando. Ngunit nagtaksil nanaman ang dalawang magkapatid kay
Don Juan at napilitang lumayas si Don Juan dahil nito. Hinanap ng dalawang
magkapatid si Don Juan at natagpuan siya sa kabundukan ng Armenya. At
nung paguwi nila natagpuan nila ang dalawang Prinsesa na sina Princesa
Juana at Prinsesa Leonora, ngunit nagtaksil nanaman ang dalawang
magkapatid at iniwan nanaman si Don Juan ngunit nakaligtas rin siya at
nakakita ng mas magandang Prinsesa na si Prinsesa Maria Blanca at nagkasal
sila at mapayapang tumira sa Kaharian ng De Los Cristales at namuno rito.

Ethana L. Ramos Grade 7-1 FILIPINO

You might also like